KISHA'S POV"Ako na ang mag dadrive ah?"- Baling sa akin ni Haruka habang nag lalagay siya ng mga damit sa bag na dadalhin namin na kinuha lang sa kabinet. Sabi naman kasi ni Erah ay pwedeng pwedeng kaming magdala ng damit, hindi naman kasi nila binili ang mga ito, pawat lang daw ang mga ito, kaya feel free to kuha ng gusto mo, kung pwede ngang dalhin ang kabinet ay bakit hindi?
"Walang kaso sakin, huwag mo lang ibubunggo."- Sagot ko tsaka sinabayan ng tawa kaya naman hinagisan niya ako nang damit, sapol sa mukha.
"Wala pa akong naibabanggang kotse noh!"- Sabi niya na pabiro pa akong inirapan.
Iiling iling naman akong natawa. Pikon e.
" Wuy, sama nalang kasi ako!"- Nakangusong wika ni Rezza habang pinapadyak padyak pa ang paa sa sahig, nakatayo siya sa tabi ni Zin na pwerte lang na nakaupo sa single couch habang pinapanuod ang ginagawa naming pag iimpake para sa dadalhin namin ni Haruka. Kaming dalawa lang kasi ang aalis ni Haruka, maiiwan silang dalawa dito.
"Hindi nga pwede, ang kulit talaga ng apog mo."- Sabi ko. Humarap ako sa kanilang dalawa ni Zin ng matapos kaming mag impake.
"Hindi pwede Rezza, delikado."- Mahinahong wika ni Haruka tsaka sinukbit sa mag kabilang balikat ang strap ng bagpack.
"Ang daya naman e."- Parang bata pa niyang sinabi kaya naman napairap ako.
"Isa pa Rezza kokotongan na kita."- Sabi ko kaya naman napatikom siya ng bibig pero nakanguso parin. Isip bata talaga.
"Ikaw Zin? Hindi ka sasama?"- Tanong ko pero inilingan niya lang ako.
"Okay, tara na Haruka."- Yaya ko at nauna nang lumabas sa kwarto, sumunod naman silang tatlo sakin.
Pababa kami ng hagdan ng tanaw na agad namin sila Erah na nag aabang sa sala. Napatayo sila ng makita nila kami at sinalubong ng tuluyan na kaming nakababa.
"Mag iingat kayo don ah?" - Paalala ni Tatay Zox na tinanguhan naman namin ni Haruka.
"Yes po."- Sagot ko tsaka binigyan sila ng ngiti.
"Tara na."- Aya ni Haruka kaya naman sumunod na ako sa kanya.
"Baka mamiss moko, eto oh."- Nakangising wika ni Jax habang inaabot niya sakin yung school ID niya, napataas naman ang kilay kong tumingin sa kanya.
"Anong gagawin ko diyan? Matatakot ba ang mga 'zombies' diyan?"- Mataray kong wika, mabilis niya namang sinapo ang mag kabilang pisngi niya na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Etong gwapong mukhang ito? Panakot sa mga 'zombies'? Grabe ka naman."- Tila pa siya talaga nasaktan sa sinabi ko na ngayon ay sapo pa ang dibdib, nakangiwi kong siyang tiningnan tsaka inilingan.
"Abnormal."- Sabi ko bago siya tinalikuran at tuluyan ng nag lakad pasunod Kay Haruka.
Tinatanguhan at nginingitian kami ng mga taong nadaraanan namin na mga abala sa mga kanya kanyang ginagawa. May nag lilinis ng mga armas, nag babaraha, nag iinuman at nag kwekwentuhan.
"Yan ang sasakyang gagamitin niyo."- Sabi ni Bekka na iminwestra sa harap namin ang SUV na kulay itim.
"Salamat."- Sabi ni Haruka bago buksan ang likod ng pintuan kasunod ng driver seat at doon ipinasok ang bagpack.
BINABASA MO ANG
Z: Back To Life
Action[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nakikipaghabulan sa KAMATAYAN Paano kaya nila ito MALALAGPASAN? Ano nga ba ang tawag sa mga nilalang na kanilang TINATAKBUHAN? at meron ba iton...