CHAPTER 46

1.9K 102 6
                                    


KISHA'S POV

" Ate Kisha gising na."- Inimulat ko ang kaliwang mata ko para tingnan si Rezza na siyang kanina pang umaalog sakin.

"Bakit ba? Ang aga aga."- Reklamo ko tsaka ko ipinikit ulit ang mata, bahagya ko pang niyakap ang unan na tinatandayan ko.

"Ayon na nga e, nakakahiya naman kung tanghali na tayong gigising."- Wika na Rezza na tila naiirita.

"Wait, kukuha lang ako ng tubig. Ewan ko lang kung hindi pa siya bumangon."- Dali dali akong tumayo at inayos ang buhok ng marinig ang sinabi ni Haruka. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit nag peace sign lang siya sakin. Napansin ko din na mga nakabihis na sila, at masasabi kong nag mukha na silang tao ulit, malayo sa itsura namin nitong mga nakaraang araw na puros mga natuyong dugo at alikabok ang nakadikit sa balat at damit namin.

"Kailangan na nating bumaba."- Wika ni Zin kaya naman nag dirediretso ako papasok sa cr pero lumabas din at nag tungo sa kabinet para kumuha ng damit.

"Tulog ka pa ata Kisha."- Natawa pa ng bahagya si Haruka.

"Edi wow. Hmp."- Hinawian ko pa siya ng buhok na ngayon ay makintab at mabango na ulit. Hiningahan ko pa siya para maamoy niya kung gaano na ulit kabango ang hininga ko kahit na kagigising lang.

"Ano ba yan, amoy imbornal."- Nakangiwi niyang reklamo habang takip niya pa ang ilong niya.

"Kaya pala ang baho, sa bunganga pala ni Ate Kisha galing."- Segunda ni Rezza na umaarte pang nababahuan, sinamahan ko siya ng tingin at isinaludo ang gitnang daliri ko kanya.

" Kanina ka pang bibwit ka ah."- Sabi ko sa kanya bago nag diretso ulit papasok sa cr. Matapos maligo at mag bihis ay nag pose pose muna ako sa malaking salamin na nandito sa loob ng cr. Naka black crop top at high waist ripped jeans ako kaya feel na feel ko ang kaseksihan ko. Maganda nga kasi ako.
Hindi rin nag tagal ay lumabas na rin ako ng cr at dumiretso sa lagayan ng mga sapatos, pinili ko ang white Nike rubber shoes tsaka nag suklay.

"Tara."- Aya ko sa kanila at nauna nang nag lumabas ng kwarto habang nakasunod sila.

"Nakakahiya naman kung tatanghaliin tayo."-  Sabi ni Haruka.

"Si Ate Kisha kasi e."- Kinutusan ko na si Rezza dahil sa sinabi niya.

"Kanina ka pa talaga ah, isasako at itatapon kita makita mo."- Natawa lang siya at hindi na nag salita, dahil kung nag kataon ako na mismo ang tatahi sa bunganga niya. Siya nga itong mala pwet ng manok ang bibig.

"Oh? Ang aga niyo naman atang magising?"- Salubong sa amin ni Bekka pag baba palang namin ng hagdan, may hawak siyang, isang basket ng gulay.

"Nagising kasi kami ng maaga. Kaya napag pasyahan naming bumaba na. May maitutulong ba kami?"- Sabi ni Haruka.

"Naku huwag na, kaya na namin ito, sya nga pala gusto daw kayong makausap ni Tatay Zox, sandali  lang ihahatid ko kayo don."- Tinanguhan naman namin siya bago niya kami nilagpasan.

"Tungkol naman kaya saan?"- Tanong ko.

"Baka yung nangyari noong papunta palang tayo dito. Syempre, mag tataka sila kung anong kailangan sa atin ng mga humarang sa atin."- Lintana ni Zin, nakapatango naman kaming tatlo dahil siguradong tungkol nga doon ang pag uusapan. Pag kakataon narin siguro ito para makahingi kami ng tulong sa kanila. Dahil kung kami kami lang ang gagawa ay mahihirapan kami.

Z: Back To LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon