ZINNEA'S POVNaramdaman ko na tila ako hinagis na siyang nakapag pagising ng diwa ko, inaasahan kong semento ang pag babagsakan ko ngunit braso na siyang pumalibot sa katawan ko ang naging dahilan para hindi ako masaktan mula sa pag bagsak, narinig ko ang pag sara ng isang matinis na bakal at ang mga yapak papalayo.
Gusto kong imulat ang mga mata ko ngunit tila ayaw ng mga talukap ko. Gising na gising ang diwa kong pinakikiramdaman ang paligid na samu't saring sigaw at mga boses na mga nag aalala ang mga naririnig ko, ngunit hindi ko matukoy kung sino sino sila dahil parang ayaw makisama nang tenga ko pati narin ang katawan ko.
Naramdaman kong dahan dahan na hinihiga ako sa malamig na semento at umulunan sa isang hita.
" Nag dudugo ang ulo niya."- Wika ng isang pamilyar na boses, nakarinig ako ng pag punit ng tela at ang pag angat ng ulo ko tsaka ito binalutan.
"Paano na yan? Hindi tayo makakalabas kung ang taong inaasahan nating mag lalabas sa atin ay kasama na natin ngayon dito?"
"Bunganga mo nga."
"Totoo naman e."
"Bakit hindi nalang tayo ang gumawa ng paraan? Hindi naman pwedeng iasa nalang natin sa kanya lahat."
"Tama si Haruka, Renz masyado kang mainipin e."
"Hintayin nalang muna nating magising siya."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang boses ng huling nag salita, matagal ko nang hindi narinig ang boses niya maski ang pag hinga niya kaya ganon na lamang mag hurumentado ang dibdib ko, pinilit kong gisingin ang katawang lupa ko para mas makumpira kung siya nga ang taong narinig ko.
"Zin! Gising na si Zinnea!"- Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at inaaninag ang unang taong bumungad sakin na siyang pinag uulunan ko ng hita.
"L-Lianna."- Bulong ko, puros pasa at sugat ang mukha niya, ang laki ng pinag bago niya, para siyang hirap na hirap sa buhay base sa mukha niyang walang kabuhay buhay dahil sa mga mata niyang puno ng lungkot at pag hihinagpis, naramdaman ko ang luha niyang pumatak sa pisngi ko habang tumatango.
"Ako nga Zin."- Bulalas niya, naramdaman kong pinaligiran ako ng kung sino kaya naman inilibot ko ang paningin ko at halos mag diwang ang puso ko ng makitang muli si Eunice at Haruka na nakangiting natitig sakin. Dahan dahan akong umupo na agad naman nila akong inalalayan, napahawak pa ako sa ulo ko at napakagat sa labi ng makaramdam ng kirot.
"Malalim ang sugat mo sa ulo Zin, kaya kailangan talaga nating malinis yan para maiwasan ang impeksyon."- Wika ni Lianna, ngunit binalewala ko lamang ito at ilibot ang paningin sa silid na pinaglalagyan namin.
"Zinnea."- Mabilis akong napalingon sa taong tumawag sa pangalan ko at tila ako naestatwa ng makita sa tapat ng pinag kukulungan namin sina Renz, Xenon, Rezza, Ace, Jax, Erah at si Zethro.
"Zethro."- Bigkas ko sa pangalan niya, dahan dahan akong tumayo tsaka lumapit sa rehas, humawak ako sa magkabilang bakal at hindi makapaniwalang nakatingin kay Zethro na mataang nakatingin sakin.
"I missed you."- Wika niya na nakapag pahigpit ng kapit ko sa bakal, sumisikip ang dibdib ko na makitang ganito ang kalagayan ng mga kasamahan ko, halatang pinahihirapan sila base sa katawan nilang dati na malaki, ngayon ay tila sila nag bawas ng timbang.
"Zin, si Kisha."- Napalingon ako kay Haruka ng marinig ang pangalan ni Kisha na ngayon ko lang napansin na wala dito.
"Nasaan siya?"- Tanong ko, akma pa lamang niyang ibubuka ang labi niya ng marahas na bumukas ang bakal na pinto na agad naming tiningnan at ang kaninang hinahanap kong tao ay ngayo'y nag lalakad takbong iika ika habang may sukbit na itim na bag at isang babaeng nasa likod niya.
BINABASA MO ANG
Z: Back To Life
Action[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nakikipaghabulan sa KAMATAYAN Paano kaya nila ito MALALAGPASAN? Ano nga ba ang tawag sa mga nilalang na kanilang TINATAKBUHAN? at meron ba iton...