CHAPTER 38

2K 122 8
                                    


KISHA'S POV

Nakangiwi kong iniwas ang mukha ko sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Dumapa ako tsaka mahigpit na yinakap ang unan ko. Kusang bumukas ang mga mata ko ng maalala ang nangyari sa Chinese store.

Nagkahiway kami nina Rezza sa loob ng store, napunta kami ni Haruka sa second floor at doon muntik na akong makagat at buti nalang tatanga tanga ang 'zombie' dahil bagpack ang nakagat niya, tapos narinig namin ang boses ni Rezza kaya mabilis kaming bumaba at nadatnan namin siyang kinukuyog at pilit inaabot ng mga 'zombies' kaya ako nag pahabol ako para makuha siya ni Haruka at makatakbo. Nawalan ako ng bala kaya tumakbo ulit ako tapos...tapos...ano paba?

"Yung pesteng suka!"- Mabilis akong napaupo sa kama pero napahawak ako sa ulo ko dahil bigla nalang itong sumakit ng bigla akong umupo. May telang nakapalibot sa noo ko palibot sa likod ng ulo ko. Bwisit. Mukha akong ewan.

"Kisha? Gising kana."- Biglang sumulpot si Haruka sa loob ng kwarto. Pero teka.

"Hindi ito yung kwarto namin ah?."-Taka kong tanong habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto na ibang iba sa kwarto namin nila Zin, hindi naman pwedeng nasa ibang kwarto ako dahil sa pag kakatanda ko ay hindi mga ganito ang kwarto sa tinutuluyan namin. Masyadong old style ang loob nitong silid kung nasaan ako. Pansin ko rin na ibang damit na ang suot ko samantalang ang pants ko ay ganon parin.

"Hindi pa kasi tayo nakakauwi Kisha."- Nakakunot noo ko siyang tiningnan na mataang nakatingin sakin, lumapit siya sakin tsaka umupo sa tabi ko sa kama.

"Anong ibig mong sabihin?"- Taka kong tanong.

"Natatandaan mo pa ba ang nangyari sa Chinese Store?"- Tanong niya kaya tumango ako.

"Hindi ko makakalimutan na ang pesteng suka ang gumawa sakin neto."- Turo ko pa sa ulo na na ngayo'y nakabalot ng tela.

"Ano bang ginawa sayo ng suka?"

"Humarang siya sa dinaraan ko! Edi sana hindi ako nabagok! Pero teka."- Nagtataka ko siyang tiningnan at ganun din naman siya sakin.

"Sino ang nag labas sakin don? Handa na akong lapain ng mga 'zombies' don e."

"Hindi mo maalala?"

"Hindi, basta may tumawag sakin bago ako mawalan ng malay."

"Si Lyzander ang nag labas sayo don."- Mahina niyang wika na tila pa may halong lungkot.

"Eh asan siya?"- Tanong ko, malungkot siyang tumingin sakin tsaka umiling.

"Anong nangyari sa kanya?"- Bumangon ang kaba sa dibdib ko ng umiling ulit siya tsaka na naglandasan ang mga luha niya.

"H-Haruka."

"Wala ni si Lyzander Kisha, nakagat siya bago kapa niya nailabas sa Store."- Tila ako nanghina sa sinabi niya. Napatakip ako sa bibig ko at nagpakawala ng hikbi. Kawawa naman si Lyzander, pero nag papasalamat parin ako sa kanya dahil nagawa niya pa akong iligtas bago pa ako mapagpyestan.

"Nasaan na siya?"- Mahina kong tanong kay Haruka na mahinang umiiyak.

"Sabi niya iwan na namin siya kaya wala na kaming nagawa."- Mapait siyang ngumiti tsaka pinunasan ang mga luha niya.

"Ang sabi niya pa na mag ingat tayo at huwag nating pababayaan ang mga sarili natin."- Hindi ko na napigilan ang humagugol ng iyak, siraulo talagang Lyzander nagawa niya pa kaming alalahanin e nakagat na siya. Kunwari pa siya na walang pakielam sa paligid niya e nag aalala naman pala siya samin. Hindi ko manlang nagawang makapag pasalamat sa pagliligtas niya sakin. Sana manlang kahit makasalubong ko siya sa daan na 'zombie' na siya para magawa kong mag pasalamat sa kanya, huwag niya lang akong kakagatin kundi raratratin ko siya ng bala.

Z: Back To LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon