CHAPTER 44

1.9K 93 4
                                    


KISHA'S POV

"Ano nang plano natin?"- Tanong ko sa mga kasama ko.

"Kailangan muna nating hintayin na gumaling ang mga sugat niyo."- Wika ni Haruka na siyang katabi kong nakaupo habang nasa harap namin si Zin at Rezza.

"Hindi naman kailangan, maliit lang to, kailangan na nating mabawi ang mga kasama natin."- Mariing wika ni Zin.

"Hindi niyo ba nakita kung ano ang nangyari kay Zethro? Paano kung higit pa don ang ginagawa nila sa iba? Hindi ko sila mapapatawad."- Dugtong niya pa habang nakakuyom ang mga kamao na nakapatong sa tuhod niya.

Tama, dahil kung hindi kami kikilos hanggat maaga pa, paano nalang sila? Alam naming kailangan nila kami.

"Paano kung humingi tayo ng tulong sa kanila tatay Zox? Zin matutulungan nila tayo."- Napaayos pa ako ng upo ng sabihin ko iyon.

"Oo nga ate Zi, they will help us for sure."- Gatong ni Rezza na tinanguan ni Haruka. Saglit pang nag isip si Zin bago umiling, bumagsak naman ang mga balikat ko at nagtatanong na nakatingin sa kanya.

"Bakit? Alam nating hindi nila tayo tatanggihan."- May pangungumbisi parin sa boses ko nang sabihin ko iyon, pero umiling ulit siya sa pangalawang pag kakataon.

"Huwag natin silang dalhin sa kapahamakan, sabit na lang tayo dito tapos ipapahamak pa natin sila?"- Tiningnan niya pa kami isa isa tsaka bumuntong hininga.

"Hangga't kaya natin, tayo muna ang lalaban."- Napatango nalang kami sa sinabi niya, atleast second option parin niya ang humingi ng tulong kahit papaano batay sa katagang binitawan niya.

Sakay kami sa isang puting pick up ranger na pag mamay ari nila tatay Zox, hindi kami kakasya kung sa isang sasakyan kami lahat kaya nasa isa pang sasakyan ang iba na nakasunod samin. Nasa likod kami ng pick up nila Zin, kaming apat lang ang nandito. Napagpasyahan naming dito nalang sa likod sumakay dahil iyon ang gusto ni Zin. Habang nasa loob sina tatay Zox, Drew, Ven at Luke. Sakay naman ng nakasunod naming sasakyan ang tatlong itlog kasama sina Ally, Erah at Axe.

Tumayo ako tsaka humawak sa bubong ng pick up para hindi ako bastang sumubsob o matumba kung sakali mang bigla nalang huminto ang sasakyan. Dinadama ko ang malamig na hangin na humahampas sa mukha ko. Malapit na ang mag dilim. Pansin ko din na purong mga puno ang matatanaw sa tinatahak ng daan ng sinasakyan namin, tanging diretsong kalsada lamang ang sinusundang direksiyon. Humarap ako sa mga kasama ko na mga tahimik.

"Hindi kaya parang napalayo na tayo?"- Tanong ko sa kanila.

"Ano kaba? Wala pa ngang trenta minutos tayong bumabyahe."- Wika ni Haruka.

"Wala pa ba?"- Bahagya pa akong napatawa, hindi ko namang sinasadya na mapatingin sa saksakyang nakasunod samin. Inirapan ko si Jax na nasa shotgun seat na nakangisi sakin, hindi  naman tinted ang salamin ng sasakyan nila kaya kitang kita ko sila, bumubuka buka ang bibig niya na tila kausap niya si Ace na siyang nag mamaneho habang magka salubong ang kilay. Pinanlakihan ko pa siya ng mata ng kinukorte niya gamit ng kamay niya ang katawan ko.

"Manyakis."- Nilakihan ko talaga ang bunganga ko para malaman niya kung ano ang sinasabi ko, napatawa naman siya na may pahampas pa sa bintanang nasa gilid niya.

"Abnormal."- Bulalas ko bago naupo ulit sa tabi ni Haruka.

"Nilalamon na talaga ng kamanyakan ang utak ng letchugas na Jax na yan. Bwisit."- Sabi ko.

"Type ka niya kasi Ate Kisha."- Napahagikhik pa si Rezza ng sabihin niya iyon, nakatanggap siya ng masamang tingin galing sakin.

"Neknek mo Rezza, manahimik ka nga."- Iriita kong wika tsaka humalukipkip. Sa ganda kong ito? Hindi ako papatol sa manyakis no, kahit gwapo pa, manigas siya, pati ng ano niya psh.

Z: Back To LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon