ZINNEA'S POV
Day 3 since the 'zombies' attacked.
Tatlong araw palang pero parang taon na ang nag daan. Mahirap makipagsapalaran. Mahirap makipaglaban. Lalo na at alam mong kulang ka sa kakayahan.
Pero hindi yon dahilan para agad na sumuko.
Kaya eto kami ngayong lima na hindi sumusuko sa pagtakbo. Dahil hindi pa nga kami nakakarating sa police station kung saan ang destinasyon namin ng biglang tumirik yung van na sinasakyan namin.
Kaya napilitan kaming bumaba ng van at mag hanap nalang ng bago, para hindi sayang sa oras kung aayusin pa namin.
Pero dahil sa kasamaang palad naagaw namin Ang atensyon ng mga 'zombie' na nag dahilan para takbuhan namin at habulin kami.
" Dito! Bilis!"- Dali dali naman kaming pumasok sa grocery store.
Sinara naman agad namin ang glass door. Nag pupumilit naman silang mag sipasok kaya't agad din naman kaming umalis sa tapat ng pinto." Let's go guys."- Zethro na nauuna nang mag lakad.
Sakto lang pala ang napasukan namin. Pwedeng dito na kami kumuha ng supplies.
Hindi na kami nag dalawang isip na kumuha ng mga paninda at nilaygay sa basket. Hindi narin naman namin binasa o tiningnan ang pinag lalalagay namin sa basket. Dahil wala nang oras para don. Tsaka libre lang naman Ito. Walang mag babawal.
Napailing nalang ako sa mga naiisip ko.
" Tama na siguro ang mga ito no? Baka hindi na mag kasya sa sasakyan kung dadagdagan pa natin. Masyado ng marami."- Ani ni Kisha habang may nilalantakan na tsitsirya.
Napatingin naman ako sa walong baskets na punong puno at tatlong karton na mga dilata at noodles.
" Yup! Balik nalang ulit tayo pag naubos."- Neil
"San naman natin ilalagay ang mga yan?"- sabi naman ni Haruka.
And speaking of lalagyan. Nasira nga pala Ang van namin.
" Ako na mag hahanap ng sasakyan."- Prisinta ko.
" I'll go with you."- Zethro
Napatingin ako sa seryoso nyang mukha.
" Weather you like it or not." Dugtong nya pa.
At sya pang nanguna sakin papuntang pintuan.
luh? Edi sumama sya.
" Dito lang kayo. Hintayin nyo kami." -Bilin ko sa kanila.
" Okay, take care."
Sumunod naman ako kay Zethro na hinihintay ako habang naka pamulsa.
Hindi katulad kanina, kaonti nalang ang mga 'zombies' na nasa tapat glass door at sapat lang para kayanin namin at makalabas ng tuluyan.
Inihihanda ko ang espada ko para sa nakatakdang pag sugod. May hawak namang malaking Kitchen knife si Zethro, yung pang chop chop? na nakuha niya kanina sa kitchen supplies section.
Nag bilang sya sa daliri nya ng tatlo bago binuksan ang glass door.
Agad ko namang inatake ang mga nag tangkang lumapit.
Nang bigla akong mawalan ng balanse dahil sa nakaharang na double dead na 'zombie' sa daraanan ko.
Pero bago pa ako lumagapak sa semento ay may pumalibot nang mga braso sa bewang ko kaya naiwasan ko ang pag bagsak.
" Careful, tss." - masungit na saad ni Zethro,
Nanlalaking mata na bigla bigla nya akong hinila kaya napasubsuob ako sa dibdib nya, na naging dahilan para mapasinghap ako sa bango nyang taglay. Damn. Naramdaman ko nalang na may bumagsak na katawan sa likod ko.
Nilingon ko naman Ito at nakita ang napatay niyang 'zombie'.
BINABASA MO ANG
Z: Back To Life
Aksi[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nakikipaghabulan sa KAMATAYAN Paano kaya nila ito MALALAGPASAN? Ano nga ba ang tawag sa mga nilalang na kanilang TINATAKBUHAN? at meron ba iton...