REZZA'S POVSobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang sunod sunod na ang putok ng baril ang naririnig namin.
"C'mon, Let's see!"- Sabi ni Zethro at nagpatuloy sa pagtakbo, papunta kung saan galing ang mga putok ng baril. Hindi parin ako gumagalaw. Dahil paano kung masasamang tao yon? Malalagay kami sa panganib!.
" Let's go Rezza."- Hinigit ako ni kuya patakbo kaya wala na akong nagawa kundi makitakbo din.
Nakita namin si Kuya Zethro na nakatago sa isa mga food stall, sinenyasan niya kaming lumapit sa kanya kaya pumunta kami sa kinaroroonan niya at nakitago din.
" It's a girl."- Sambit niya habang titig sa harapan habang bahagyang nakasilip ang ulo. Nagtaka ako kung sinong babae ang tinutukoy niya kaya napasilip din ako.
Mula dito sa pinagtataguan namin tanaw sa hindi malayo ang isang babaeng matangkad na may hawak na malaking baril. Napalunok ako kung paano niya pag babarilin ang mga 'zombies' na lumalapit sa kanya.
"Wala ba siyang mga kasama?"- Biglang tanong ko habang titig parin sa babae.
" Baka meron."- Sagot ni Kuya na katulad namin ay nakasilip din at namamangha sa nakikita.
" Kung meron edi sana kanina pa pinuntahan diba? Baka mag isa lang siya."- Sambit ko, dahil kung may mga kasama nga siya edi sana pinuntahan na siya para tulungan. Hindi naman siguro mga bingi ang mga kasama niya kung meron man, dahil sa ingay na nanggagaling sa putok ng baril. Pero teka nga, hindi ba siya marunong maglagay ng silencer? Edi sana hindi siya nahihirapan ngayon, hindi niya ba alam na nakakaattract ang sound para sa mga 'zombies'? Well, mukhang hindi niya nga alam. Base sa walang pakundangan niyang pagpapaputok.
"Anong ginagawa niya?"- Tanong ko nang pilit binubuksan ng babae yung glass door ng Watson. Mukhang may tao sa loob dahil sinadyang iharang ang mga shelves patakim sa loob para hindi makita ang kung sino mang tao ang nasa loob.
"Ang tanga niya, ano pang gagawin niya sa loob? Hindi nalang siya tumakbo e."- Dugtong ko pa. Mag aaksaya lang siya ng panahon para magtago diyan sa loob.
"Maybe there's someone inside?"- Kunot noong sambit ni Zethro.
"Bakit hindi natin siya tulungan?"- Sabi ni Kuya at umalis bigla mula sa pagkakatago. Hihilain ko sana siya ulit pabalik ng makibaril din siya sa mga 'zombies' at tuluyan na ngang lumapit sa kinaroroonan ng babae. Akmang susunod ako ng hawakan ako sa braso ni Kuya Zethro paupo, kaya nilingon ko siya.
"Kuya Zero si Kuya!"- Pasinghal kong bulong, mariin lamang siyang nakatingin sakin.
"Baka mapaano siya."- Dugtong ko pa. Pero Wala lang siyang naging imik, at bahagya ulit na inaangat ang ulo para tingnan ang nangyayari, kaya ganon din ginawa ko. Napakunot ang noo ko nang makitang nag uusap si kuya at yung babae. Nilingon kami ni kuya tsaka sinenyasan na lumapit kaya napalingon din sa amin ang babae. Nagkatinginan muna kami ni Kuya Zethro at tuluyan na ngang lumabas na pinag tataguan tsaka lumapit sa kanila.
"Akala ko wala kayong balak na lumabas."- Bungad na sabi ng babae ng pagka lapit namin at bahagya pa siyang ngumiti. Ang sarap sa tenga ng boses niya, ang hinhin. Taliwas kung paano siya kanina nakipag barilan. Maganda siya kung ilalarawan dahil sa mala porselana niyang kutis na puro talsik ng natuyo ng dugo. Matangos na ilong, bilugang mga mata, manipis na labi. Ang amo ng mukha niya. Shoulder length ang buhok niya na nakalugay na bahagyang magulo pero hindi naging dahilan yon para magmukha siyang bruha. Naka spaghetti strap lang siya at fitted jeans. Para siyang modelo.
"Kanina mo pa kami nakita?"- Takang tanong ko.
"Yep!"- Simple niyang sabi tsaka ulit ngumiti. Napakamot ako sa batok at awkward na tumawa. Hutek nakakahiya naman, nakita niya naman pala kami. May patago tago pa kaming nalalaman.
BINABASA MO ANG
Z: Back To Life
Action[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nakikipaghabulan sa KAMATAYAN Paano kaya nila ito MALALAGPASAN? Ano nga ba ang tawag sa mga nilalang na kanilang TINATAKBUHAN? at meron ba iton...