KISHA'S POVHinihintay namin na bumaba sina Rezza, Haruka at si Jayson, yung lalaking nagtangka sa amin na mag nakaw. Napag pasyahan namin na isama nalang siya dahil wala naman siyang mga kasama. Nag taka pa kami kung paano niya nagagawang iligtas ang sarili niya gayong wala naman siyang dalang na kahit kutsilyo para pamproteka sa sarili niya. Kaya nga hindi pa napapalagay ang loob ko dahil siguradong may hindi pa kami nalalaman tungkol sa Jayson na yan.
Nakaabang kami ni Zin sa labas ng kotse dito sa labas ng Hotel dahil ngayon namin ulit babalikan ang warehouse ng mga kumuha sa mga kasama namin. Panatag na kaming wala nang bigla nalang sasakmal sa aming 'zombies' dahil nagawa na naming linisin ang paligid lalo sa loob ng Hotel dahil dito kami pansamantalang manunuluyan hanggat hindi pa namin nababawi ang mga kasamahan namin.
"Bakit ba ang tagal niyo?"- reklamo ko ng nakalabas na silang tatlo.
"Ito kasing si Jayson Ate! Hinanapan pa namin ng damit sa ibang kwarto. E Sabi ko kahit hindi naman siya mag palit."- Paliwanag ni Rezza, napakamot naman sa batok si Jayson at nahihiyang tumingin sakin.
"Ilang araw na kasi akong walang ligo at palit ng damit."- Bahagya pa siyang natawa na tila nag sisimula palang na mag binata ang boses niya. Gwapo sana to e, kaso nga lang payatot. Mag kasing edad lang sila ni Rezza kung hindi ako nag kakamali, blonde ang buhok niya na bumagay sa maputi niyang kutis, medyo singkit ang mata at sakto ang pagkatangos ng ilong. Mannerism niya rin ang mag kamot sa batok niya batay sa pag oobserba ko sa kanya.
"Tara na para hindi tayo abutin ng gabi."- Wika ni Zin at pumasok na sa driver seat. Pumasok narin ako sa shotgun seat habang ang tatlo ay nasa likod namin. Binuhay ni Zin ang makina tsaka niya pinaandar at nilisan ang lugar patungo kung saan namin babawiin ang mga kasamahan namin.
"Matanong nga kita Jayson."- Baling ko kay Jayson habang nakatingin sa rear viewer at direktang nakatingin sa kanya.
"Tungkol saan?"- Tanong naman niya at ibinaling sa akin ang tingin niya na kanina ay nakatingin sa labas ng bintana, pinag gigitnaan nila ni Haruka si Rezza na nakahalukipkip at diretso ang tingin na tila ang lalim ng iniisip.
"Paano mo nagagawang mabuhay gayong wala ka manlang armas para pamproteka sa sarili mo?"- Walang pag aalinlangan kong tanong sa kanya, tanong na kanina pa sakin bumabagabag. Lahat kami ay nakaabang sa isasagot niya na tila nangangapa ng sagot at hindi mapakali sa upuan niya.
"N-nakulong kasi ako sa basement ng bahay ng tito ko. N-nito lang ako nakalabas k-kaya ayon."- Uutal utal niyang wika na bahagya pang nakayuko. Nagkatinginan kaming apat nila Zin na tila hindi naniniwala sa sinabi ni Jayson, halata namang nag sisinungaling. Dahan dahan akong napatango na kunwari ay kumbinsido ako. Siguraduhin niya lang talaga na malinis ang intensyon niya, kundi hindi kami mag dadalawang isip na iwanan siya sa gitna ng daan. Mahirap pa naman ang magtiwala sa mga panahon ngayon. Dahil kahit laganap na ang mga 'zombies' sa paligid ay may mga tao parin ang sagad sagaran sa kasamaan. Shout out sa mga kumuha sa mga kasamahan namin. Mga punyeta sila.
"Alam mo ba kung saan tayo pupunta?"-Tanong sa kanya ni Rezza, mabilis naman na umiling ang si Jayson.
"Hahanap kami ng maraming 'zombies' tsaka doon ka namin ipapakain."- Nakangiti saad ni Rezza, nanlalaking mata naman siyang tiningnan ni Jayson. Napatawa ako sa naging reaksyon niya ganon din si Haruka. Bwisit talagang Rezza, kung hindi ko lang ito kilala iisipin kong may sira siya ulo.
"Biro lang iyon ni Rezza, huwag mong seyosohin."- Wika ni Haruka. Napatango naman si Jayson at napaiwas ng tingin kay Rezza na nakangiti parin sa kanya.
"Rezza para kang timang, huwag mo ngang takutin si Jayson."- Suway ko sa kanya ng hindi parin niya nilulubayan ng tingin si Jayson at may bakas parin ng nakakalokang ngiti sa labi. Halos isiksik na ni Jayson ang sarili niya sa pinto para lang hindi sila magkadikit ni Rezza.
BINABASA MO ANG
Z: Back To Life
Action[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nakikipaghabulan sa KAMATAYAN Paano kaya nila ito MALALAGPASAN? Ano nga ba ang tawag sa mga nilalang na kanilang TINATAKBUHAN? at meron ba iton...