ZINNEA'S POVNakakatuwang isipin na kahit ganito ang mga nangyayari samin. Napapalibutan ng mga 'zombies' na handa kang lapain ng wala sa oras, nag palipat lipat ng matutuluyan masiguro lang kaligtasan, Nagagawa naming pasukin ang mga groceries at malayang nakakakuha ng mga pagkain na kung sa normal lang sigurong panahon ay matagal na kaming mga nakakulong.
Nagagawa parin tumawa at maging masaya ang mga kasama ko. Kagaya nalang ngayon, inulan ng tukso sina Xenon at Eunice dahil nga inamin nilang mag-on na sila.
Ang bilis nga e. Samantalang nahuli ko palang sila kahapon nag tutukaan biglang sila na?
" Sabi ko na sayo dude, hindi ako nag bibiro nung sinabi kong gusto ka ni Eunice! Kaso torpe ka! Torpe!"- Nilapit niya pa ang mukha niya kay Xenon kaya nabatukan siya.
Nandito kami ngayon sa sala kakatapos lang namin kumain ng tanghalin. Simpleng Corned beef at kanin lang. Naubusan nanaman kasi ng stocks. Paano ba naman hindi talaga nila tinitigilang kumain ng kumain. Antatakaw nga e. Wala sa mga itsura nila.
Nakaupo ako sa single couch nililinis ang espada at pistol na ginagamit ko at gagamitin ko dahil mamaya hahanap ako ng pagkain maghahanap na rin ako ng sasakyan para dalawa ang gagamitin namin para maipagkasiya lahat ng gamit namin lalo na ng mga pagkain. Mataan lang akong nakikinig sa kanila na tawa ng tawa sa pang aasar ni Renz sa kay Xenon at Eunice.
Tumayo ako tsaka isinukbit ang espada sa likod at nilagay ang pistol sa hostler sa bewang ko.
"Saan ka Zin?"- Tanong Ni Kisha. Napatingin naman sila sakin.
"Lalabas."- Simple kong sinabi.
"Saan ka naman pupunta?"- Tanong niya ulit.
" Hahanap ng malapit na grocery store."- Sagot ko.
" Sinong kasama mo?"- agh! Napatampal nalang ako sa noo. Bakit ba ang dami niyang tanong! Baa mala imibestigador Mike Enriquez lang ang peg.
Hindi ako tinatantanan ng tanong."Hehe nagtatanong lang ako Zin."- Peke pa siyang tumawa. Napairap ako sa isip ko. Nagtatanong nga. Andami naman.
" I'll go with you kung wala kang kasama."- Prisinta ni Xenon na nakapag pataas ng kilay ko. Akala niya naman makakatakbo siya? Parang hindi nabaril sa hita ah. Baka nakakalimutan niyang 'takbo' ang ginagawa kapag hinahabol ng mga 'zombies' hindi naman pwedeng gumapang siya.
" No."- Sabi ko, sang ayon naman sa sinabi ko si Eunice.
" Then I'll go with you."- Isa pa tong si Zethro. Ano? Gagapang din siya?
" Hindi pa magaling ang mga sugat niyo. Ano? gagapang kayo sa oras ng takbuhan?"- nakahalukipkip Kong saad.
Bahagya namang natawa si Renz.
"Ako nalang ako sasama sa kanya mga dude."- Priisinta niya pa. Mabuti pa nga. Pero hindi ko naman kailangan ng kasama.
" Ako na mag dadrive."- Sabi ni Renz na pinahagis hagis niya pa ang susi sa palad niya habang nakapamulsa. Parang tanga ang potek. Yabang sya teh. Feeling cool e. Cool'ang sa pansin.
Nang makapasok na kami sa loob ng van pinaandar niya din naman.
"Maghahanap pa tayo ng sasakyan."- Sabi ko habang nakatingin ng diretso sa daan, sa daan na puros mga 'zombies' nag tatangkang lumapit sa van na sinasakyan namin. Sinasagaan naman ni Renz yung mga nakaharang sa daraanan namin kaya lumikha ng kalabog. Tuwang tuwa pa ako loko sa ginagawa niya.
" Ikaw Zin ah. Carnapper ka noon no?"- Nakangisi pa niyang sinabi. Binatukan ko naman siya. Napagkamalan pa akong carnapper ng lintek na to.
BINABASA MO ANG
Z: Back To Life
Action[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nakikipaghabulan sa KAMATAYAN Paano kaya nila ito MALALAGPASAN? Ano nga ba ang tawag sa mga nilalang na kanilang TINATAKBUHAN? at meron ba iton...