KISHA'S POV"Woah."- Bulalas ko ng malayo palang ay tanaw na namin ang isang malaking mansiyon na napapalibutan ng nag tataasang pader at tanaw din ang liwanag na nag mumula sa loob.
"Woah, talaga."- Namamangha din na wika ni Rezza na nasa tabi ko na nakatayo din habang nakahawak sa bubong ng sasakyan. Samantalang tila pagod na pagod sina Haruka at Zin na mga nakaupo lang.
"Buti may ilaw?"- Takang tanong ni Rezza pero bakas parin ang pag kamangha.
"Baka generator."- Sambit ko.
Sabay kaming napalingon ni Rezza sa sasakyan na nakasunod sa amin ng bumusina ito. Masamang nakatingin samin si Ace habang sinisenyasan kaming umupo ni Jax, umirap muna ako sa kanila bago umupo.
"Siguradong mas malaki ang loob kung papasukin."- Wika ni Rezza habang tumatango tango pa siya.
"Kaya nga."- Pag sang'ayon ko sa kanya.
Malalaking puno parin ang nasa palagid at tanaw na rin nga mula sa likod ng malaking mansyon ang dalawang nag tataasang bundok, kahit na nagmistulan lamang itong maliit, dahil sobrang layo nito kung lalakarin. Malamang.
"Ang peaceful, parang ang layo sa sitwasyon natin nitong mga nakaraang araw."- Sambit ni Haruka habang tila sarap na sarap sa hangin na nalalanghap mula sa mga punong nag lalabas ng Oxygen, lol.
"Ang sarap ng mga huni ng ibon sa tenga."- Nakangiting wika ni Rezza habang nakapatong ang baba sa ibabaw ng kamay niya na nakapatong naman sa tuhod niya.
"Anong mga klaseng tao kaya ang mga nag aabang satin?"- Bigla kong tanong, habang nakatingin sa kalangitan na may mga nag niningningan na mga bituin.
"What do you think?"- Baling sakin ni Haruka. Nag kibit balikat lamang ako, dahil ayokong isipin. Inaantok na ako e.
"Zin. Okay kapa ba?"- Tanong ko sa kanya ng ihilig niya ang ulo niya sa kinasasandalan niya habang nakapikit.
"Yup, nagugutom lang"- Mahina pa siyang natawa habang hinihimas ang tiyan niya. Nagkatinginan kaming tatlo nila Haruka. Napapansin ko kay Zin, nag iiba na ang ugali. Magandang senyales nga iyon e. Dahil kung dati ay tila siya yelo, pero ngayon unti unti nang natutunaw.
Pangako Zin, Kapag binuksan mo ulit ang sarili mo para sa amin, Hindi ka namin bibiguin. Dahil pamilya tayo.
Napaayos kami ng upo ng huminto ang sasakyan, kasunod ng pag bukas at sara ng mga pintuan.
"Nandito na ata tayo."- Wika ko at nauna nang tumayo, sumunod naman sila at bumaba ng sasakyan. Inuunat unat ko ang braso at binti ko ng may mag salita galing sa likod ko.
"Kisha, what a beautiful name."- Napataas ang kilay ko ng sambitin iyon ni Jax habang nakangisi habang nasa likod niya ang mga kasama niya na nag uusap usap.
"Dahil maganda ako."- Sabi ko tsaka ko siya tinalikuran at dumiretso sa kanila Zin na kausap si Tatay Zox.
Napatigil ako at namamangha ng buksan ang malaking gate galing sa loob. Naramdaman ko ang pag hinto ni Jax sa gilid ko na mayabang na nakatingin sakin.
"Welcome to my paradise baby."- Nakangiwi ko siyang tinapunan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Paradise mo mukha mo."- Muli ay tinalikuran ko siya at nagsimula ulit na mag lakad, narinig ko na lamang ang mahina niyang pagtawa.
BINABASA MO ANG
Z: Back To Life
Action[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nakikipaghabulan sa KAMATAYAN Paano kaya nila ito MALALAGPASAN? Ano nga ba ang tawag sa mga nilalang na kanilang TINATAKBUHAN? at meron ba iton...