CHAPTER 33

2K 144 5
                                    


ZINNEA'S POV

Gumising ako kanina na sobrang hinang hina, parang ayaw kong gumalaw dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Epekto siguro to ng matulog akong madaling araw na, kakaisip sa naging reaksyon ni Zethro. Sobrang big deal talaga sakin non, hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa gusto ko siya? Siguro nga. Ngayon lang ako nag ka'ganito sa tanang buhay ko! Sa maling sitwasyon pa. Bwisit.

Nadagdagan pa sa bigat ng pakiramdam ko ng parang iniiwasan niya na ako. Katulad nalang ng kanina. Sabay kaming umupo sa sofa pero agad din siyang tumayo at lumabas, kaya akala ng mga kasamahan namin na nag away kami. Hindi naman ako nag salita dahil hindi ko alam kung away bang matatawag ang nangyari kahapon.

Pero maganda na rin sigurong dumistansya muna ako sa kanya, dumistansya muna kami sa isa't isa.
Agh! Nasisiraan na ako nang ulo!

"Ate Zi tara na."- Pang aaya ni Rezza tsaka siya na ang naunang sumampa sa likod ng pick-up, apat naman ang taong kasya sa loob ng pick-up pero napag disisyunan naman naming dito nalang kami sa likod nina Rezza, Renz at ako. Sa loob naman si Zethro na siyang mag isa na nag mamaneho.

Matapos mag agahan napag pasyahan naming lumabas para kumuha ng mas maraming pagkain, damit at mga gamot, para hindi na kami lalabas ulit. Hindi kasi sapat ang nakuha nila Renz kahapon kung kaya't eto kami.

Pagka sampa ko sa likod ng pick-up umupo ko at tumingala sa langit, Hindi pa masakit sa balat ang sinag ng araw dahil sa masyado pa namang maaga.

" Bakit kasi hindi nalang tayo sa loob?"- Pagrereklamo ni Renz pag kasampa niya.

"Edi don ka sa loob kuya! Hindi ka naman namin pinilit dito. Feeling ka!"- Singhal sa kanya ni Rezza, naramdaman kong umandar na ang sasakyan kaya iminulat ko ang mga mata ko at umayos ng upo.

"Ate Zi ayos ka lang ba?"- Iniangat ko ang tingin ko kay Rezza at pinangunutan ko siya ng noo.

" Oo nga Zin namumutla ka."- Segunda ni Renz, akma niya pang ilalapat ang palad niya sa noo ko ng tabigin ko ito.

"Kulang lang ako sa tulog."- Tanging sambit ko, hindi na lamang sila kumibo. Totoong hindi maganda ang pakiramdam ko. E ano naman ngayon? Psh.

Dinaanan namin ang mapunong lugar bago namin narating ang kalsada. Naging smooth ang biyahe namin na ipinag pasalamat ko dahil nababawasan ang sakit ng ulo ko. Mariin akong pumikit at hinilot ang mismong sintido ko.

"Are you really okay Ate Zi?"- Napamulat ako ng mata at mataan siyang tiningnan.

"Isa pang tanong Rezza ihuhulog na kita."-Tinikom niya agad ang bibig niya at umakto pa siyang zinizipper ito.

"Ihulog mo na Zin, makulit e."- Tatawa tawang sambit ni Renz kaya nakatikim siya ng sipa sa kapatid niya. Dalawa silang ihuhulog ko makita nila.

Huminto kami sa isang....mall? Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Puros nag tataasang establisyemento ang makikita. Para namang masyado kaming napalayo?

Tumayo ang magkapatid at nag unat bago bumaba sa pick-up. Ganon din ang ginawa ko, pero maling mali na tumalon ako pababa dahil tila naalog ang utak ko. Pusang gala talaga. Sobrang sakit ng ulo ko!.

"Dito kami nanggaling kahapon. Hindi magiging madali. Pero eto lang ang mas malapit sa lugar natin."- Ani ni Renz habang inaayos ang nakasukbit niyang malaking baril sa balikat niya.

" Naalala ko tuloy yung huli nating punta sa mall Zin."- Nakangising saad ni Renz habang nakatingin sakin. Nagtataka namang nakatingin saming dalawa si Rezza at Zethro. Nauna na akong maglakad papasok sa mall habang nakahanda ang espada ko sa kanang kamay ko. Naramdaman ko namang nakasunod sila sakin.

Z: Back To LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon