KISHA'S POV"Oo, bakit? Sino ka?"- Tanong ko sa babaeng naka balabal na siyang pumasok dito, hindi niya alintana ang mga 'zombies' na nasa likod niya lang, na para bang sanay na siya.
Tumingin muna siya sa pinasukan niya bago ako hinarap, lumapit siya sa rehas at humawak sa magkabilang bakal tsaka mataang tumingin sakin.
"Nabanggit sakin ni Micka ang tungkol sa pag kakakilala mo sa kanila Ace."- Wika niya na mabilis ko namang tinanguhan, iika ika akong lumapit sa kanya at mataang pinanggan ang sasabibin niya.
"Bakit?."
"Edi kilala mo si Jax?"- Saglit pa akong nag isip bago nanlalaking matang tumingin sa kanya.
"Ikaw ba ang kapatid niya?"- Tanong ko na mabilis niya namang tinanguhan.
"Oo, Ako si Mira."
"Kung ganoon, bakit ka nandito? Ilalabas mo ba ako?"- Tanong ko ulit na mabilis niya namang inilingan, kaya bumagsak ang magkabilang balikat ko at nag namamakaawang tumingin sa kanya.
"Pumuslit lang ako dito para makasigurado, pero huwag kang mag alala. Gagawa ako ng paraan para makaalis ka dito."
"Paano mo gagawin yon?"
"Basta, ako na ang bahala. O siya na iiwan na kita, babalikan nalang ulit kita."- Nag mamadali niyang sinabi, pero bago pa siya makalayo ay tinawag ko na ang pangalan niya.
"Si Lianna, yung mga kasamahan ko. Baka kung napaano na sila."- Nag aalala kong wika.
"Huwag kang mag alala, maayos pa naman sila Eunice, si Lianna, hindi ko alam pero gagawin ko ang makakaya ko para mahanap siya."- Nag mamadaling saad niya bago umalis ng hindi ako nililingon, tatanungin ko pa sana siya kung paano niya nakilala sila Lianna, pero huli na dahil nakaalis na siya, ayos na rin siguro yon dahil tiyak na siya naman ang mapapahamak ng dahil sakin, napatampal ako sa noo ng maalalang hindi ko manlang natanong kung ayos lang ba si Micka.
Siniksik ko ulit ang sarili ko sa dulo ng kwarto tsaka mahigpit na yinakap ang mga tuhod ko.
"Siguradong bukas ang dating nila Zin, pero sana hindi pa huli ang lahat bago pa sila dumating." Mahinang bulong ko sa sarili.
Tulad ng sinabi ko, lahat ay planado, mula sa pag punta namin sa dati naming tinutuluyan hanggang sa madakip at dalhin kami dito. Pero nabali ang plano, dahil wala sana ako ngayon dito kung naging maingat lang sana ako.
"Pumapayag na kayong makipagtulungan."- Nakangiting sinabi ni Tatay Zox sa amin.
"Hindi kami makikisama sa plano kung hindi, at may pag pipilian pa ba kami?"- Sagot naman ni Zin, tsaka humalukipkip.
"Eto ang plano."
Mas lumapit kami sa kanya para mas maintindihan namin ang sasabihin niya, pwerte siyang umupo at bumuntong hininga bago siya nag simula.
"Malaki ang maitutulong ni Jayson, siya na mismo ang nag sabing nag bibigay siya ng armas kapalit ng mga kapatid niya."- Ibinaling niya ang tingin kay Jayson na tumango sa kanya.
"Anong pwede kong gawin?" -Tanong niya kay Zin.
"Mag bibigay ka lang ng armas sa kanila."- Noong una ay naguluhan pa kami sa sinabi ni Zinnea pero kalaunan din ay dahan dahang napatango.
"Ibig sabihin, sa oras na mag bibigay na siya ng armas sa miyembro ng Aelox ay siya ring unang hakbang natin, tama ba?"- Sabi ni Erah, tinanguhan naman siya Zin bilang pag sang ayon, napahawak naman si Tatay Zox sa baba niya tsaka dahan dahan na tumatango.
BINABASA MO ANG
Z: Back To Life
Action[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nakikipaghabulan sa KAMATAYAN Paano kaya nila ito MALALAGPASAN? Ano nga ba ang tawag sa mga nilalang na kanilang TINATAKBUHAN? at meron ba iton...