KISHA'S POV"Wala pa ba siya?"- Pang isang dosenang tanong ko na ito. Paano ba naman kasi? Gabi na pero wala pa si Zin. Sumama na ako sa pag lilinis pero hindi pa rin siya nakakabalik. Nag aalala na ako e. Baka mamaya kung na paano na yon sa daan, baka napagpyestan na ng dahil nahimatay siya, jusmiyo huwag naman.
"Saan ka pupunta Bro?"- Tanong ni Xenon kaya iniangat ko ang tingin kay Zethro na lumabas mula sa kwarto na bihis na bihis. Katatapos lang namin mag hapunan kaya eto kami sa sala nag hihintay sa pag dating ni Zin.
" Hahanapin si Zinnea."- Mariin niyang wika kaya napatayo ako para pigilan siya ng akma na siyang mag lalakad papuntang pintuan.
"Hindi pwede Zethro."
" Bakit?"- Malamig niyang sabi sakin habang nakatingin sakin ng mariin. Napalunok ako. Shete pipigilan ko lang naman siya e. Pero bakit pinapatay ako sa tingin? huhu.
"B-baka kasi dumating na si Zin tapos wala ka, m-magagalit yon."- Utal kong saad ngunit matapang ko siyang tiningnan sa mga mata. Makuha ka sa maganda kong tingin Zethro pakiusap.
"Uuwi din siya, yun ang sabi niya."- Dugtong ko pa.
" But still, she's not here yet. Kaya hayaan mo ako."- Mabilis ko siyang hinawakan sa braso at binalik sa kanina niyang pwesto nang akma niya akong lalagpasan. Matigas ah. Matigas yung braso niya sis, ansarap siguro kapag ganyang mga braso ang nakayakap sa sayo. Feel secured and safe agh! Pero kay Zin na siya, kaya diko siya bet.
"Pakiusap Zethro, baka mamaya pag dating ni Zin tapos umalis ka edi hahanapin ka niya din kaya aalis siya ulit. Edi nag hanapan kayong dalawa?"- Wika ko bago niya pa ako singhalan sa pag hila ko sa kanya.
"She has a point Zethro, bro."- Pag sang ayon ni Xenon sa sinabi ko.
"Oo nga bro para kayong nag h'hide and seek niyan e."- dahil sa sinabi ni Renz ay siya naman ang binalingan ni Zethro ng masamang tingin.
"hehe hindi ka naman mabiro tol."- Wika ni Renz habang naka peace sign pa. Napangiwi naman ako sa asta niya. Para siyang ewan.
"Okay fine, mag hihintay pa ako ng isang oras pa. Kapag Wala pa siya. Hahanapin ko na siya."- Mariing wika ni Zethro. Napatingin naman ako sa kasamahan ko. Wala naman silang pag tutol sa suhestiyon ni Zethro kaya napatango ako.
"Basta sasama ako sa pag hahanap."- Kundisyon ko sa kanya ngunit mabilis siyang umiling bilang hindi pag sang ayon.
"Sige na, dahil gusto ko rin naman siyang hanapin. Nag aalala na ako sa kanya."
"Fine, fine."- Tsaka siya tumalikod at dumiretso sa kwarto. Mahina akong napa 'yes' sa isip ko. Bumalik ako sa pag kakaupo sa sofa katabi si Haruka. Napaangat ang tingin ko sa wall clock na nakadikit sa dingding. Alas 8 na ng gabi. Ano ba kasing pinag gagagawa ni Zin?
" Ano kayang ginagawa ni Zinnea?"- Rinig kong wika ni Eunice na tila narinig kung ano ang tanong sa isip ko habang siya'y nakahilig kay Xenon. Sinapo ko ang mukha ko ng bigla itong uminit dahil naalala ko ang sinabi sakin kanina ni Lianna tungkol sa kanilang dalawa. Paano kaya nila nagawa yon?
" Baka may importante lang na inasikaso?"- Hindi siguradong sagot ni Xenon.
"Ano namang inaasikaso niya?"- Tanong ulit ni Eunice. Ano nga ba?
"Baka nag food run lang siya".- komento ni Haruka? Pwede? Pero bakit siya lang mag isa? Pwede naman siyang mag sama sa isa sa amin.
"O baka nag do'documentary?"- Sabay sabay kaming napatingin kay Renz dahil sa suhestiyon niya. Naka hawak pa siya sa baba niya habang nakatingin sa kisame na tila talaga ang iisip. Napairap ako sa isip ko dahil ngayon ko lang napag tantong may isip pala siya para mag isip. Pero sablay ang naisip niyang suhestiyon. Seriously? Mag aabala pa bang mag documentary si Zin sa sitwasyong ito? Sabihin nating pwede pero duh?, Wala sa pag katao ni Zin na gawin yon. Para namang hindi nila kilala si Zin.
BINABASA MO ANG
Z: Back To Life
Action[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nakikipaghabulan sa KAMATAYAN Paano kaya nila ito MALALAGPASAN? Ano nga ba ang tawag sa mga nilalang na kanilang TINATAKBUHAN? at meron ba iton...