CHAPTER 35

2.1K 122 11
                                    


KISHA'S POV

Sobra akong nag alala ng ibinaba si Zin mula sa pick up habang buhat ni Zethro ng walang malay, at ng dahil yon sa sobrang taas ng lagnat niya. Malakas talaga ang kutob kong hindi maganda ang pakiramdam niya ng umalis sila, base sa mapungay niyang mata at namumutla pa.

Mukha kasing wala siyang mood ng gumising siya sa umaga kaya hindi na ako nakapag tanong sa kanya kung ayos lang siya.

Nakauwi sila ng hapon na at ganon nalang talaga ang pag aalala namin sa nangyari sa kanila. Lalo na sa nangyari sa kaibigan ng pinakilala samin ni Rezza na si Azleah. Kinwento niya din samin lahat ng nangyari sa kanila sa loob ng mall. Mula sa pag kakahiwalay ni Zin sa kanila hanggang sa nakaalis sila don ng hindi na kasama ang kaibigan ni Azleah na nakagat. Pati na din kung paano at saan nila nahanap si Zin na nanginginig sa loob ng Cashier bar sa loob ng Watson.

" Is she okay?"- Tanong ni Zethro na nasa likod ko habang nakapamulsa. Piniga ko ng maayos ang panyo sa maliit na palanggana tsaka iniligay sa mismong noo ni Zin na mahimbing na natutulog.

" Bumaba na ang lagnat niya. Kaya okay na siya. Pakakain nalang siya at paiinumin ng gamot mamaya kapag nagising na siya."- Wika ko, kinuha ko ang palanggana at humarap sa kanya.

" May problema ba kayong dalawa?"- Kuryoso kong tanong. Hindi lang naman ako ang nakakalahata, lahat kami. Nagtaka nalang kaming lahat ng bigla nalang hindi sila nag pansinang dalawa, kaya talagang mukhang may problema sila.

Alam kong mali ang manghimasok sa problema nila, pero anong magagawa ko? Chismosa ako e.

" Wala."- Ang tanging sagot niya sa tanong ko. Mabigat akong napabuntong hininga. Edi wala, kahit meron naman.

"Maiwan na nga kita."- Tuluyan na akong lumabas sa kwarto, narinig ko pa ang mabigat niyang pag hinga. Frustrated bro?.

"Kamusta si Zin?"- Tanong ni Haruka kasama niya si Eunice at Cyril na nakaupo sa sofa

" Ayos naman na. Teka, nasaan yung iba?"- Tanong ko.

" Nag babantay sa tower sina Rezza at Lianna kasama si Azleah. Si Lyzander at Xenon nag lilinis."- napatango naman ako. Ang ibig niyang sabibin sa nag lilinis ay nag liligpit sila ng mga napatay na 'zombies' hinuhulog nila sa ginawa naming malaki at malalim na hukay tsaka sinusunog.

" e nasaan si Renz?"- Taka kong tanong.

" Bakit mo ako hinahanap Kisha? Did you missed me?"- Biglang sulpot ni Renz galing sa kwarto nila habang nag pupunas ng basa niyang buhok gamit ang towel.

"Oo hinahanap kita."

"Woah? Bakit naman? Pasensya na but I'm not ready to mingle Kisha."- mayabang siyang nakangising sambi niya. Napairap naman ako. Ang advance niyang mag isip.

"Hinahanap kita dahil ipapalinis ko sayo ang cr."- dahil sa sinabi ko ay nalukot ang mukha niya.

" Itong gwapo kong ito? Mahiya ka naman sa mukha ko. Ang gwapong mukhang ito ay hindi nag lilinis ng palikuran."- Hambog niyang wika, hinihimas himas niya pa ng pisngi niya. Napangiwi sina Haruka kay Renz na gwapong gwapo sa sarili.

" Sinabi ko bang mukha mo ang ipapanlinis sa cr?"- pabalang kong wika na nakapag patawa sa kanila Haruka. 'bars' pa nga daw ika nila.

"Grabe ka Kisha!"- May pahawak pa siya sa dibdib na tila nasasaktan. Psh. Para talaga siyang tanga.

"Ewan ko sayo! Feeling gwapo mukha namang utot."- Huling salitang binitawan ko tsaka dumiretso papapuntang kitchen. Narinig ko pa ang reklamo niyang mas gwapo daw siya utot, habang hagalpak naman sa tawa sina Eunice.

Z: Back To LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon