CHAPTER 40

2.1K 123 5
                                    


KISHA'S POV

Inihinto ni Zin ang sasakyan sa tapat ng isang bahay. Pinasadahan muna namin ng tingin ang paligid. Sa tingin ko ay hindi naman kami malapit kung saan ang warehouse ng mga kumuha sa iba naming kasamahan kaya mukhang ligtas naman kami dito pero nasa palagid parin ang mga puno sa paligid at ang mga nag tataasang mga damo.

"Dito na ba tayo?"- Tanong ni Haruka na kagaya ko ay inililibot ang tingin sa paligid.

"Mukhang okay naman dito."- Sabi ni Zin tsaka siya bumaba sa sasakyan kaya nag sibabaan narin kami.

Pinasadahan namin nang tingin ang kabuuan nang bahay na gawa lamang sa kahoy pero sapat lamang para magawa kami netong protekhan mula sa mga 'zombies dahil tila gawa naman sa matibay na kahoy ang bahay, may maliit itong bakuran na hindi kakasya ang kotse namin kaya mukhang dito lang namin sa labas maipaparada.

"Bahay bakasyunan ito, kung hindi ako nag kakamali."- Wika ni Haruka tsaka siya naunang pumasok sa maliit na gate na malayang nakabukas kaya sumunod kami sa kanya. Malalayo ang mga kabahayan dito na katulad neto ay may maliit rin na bakuran pero masasabi kong mas malaki at maganda itong napili namin dahil para talaga siyang bahay bakasyunan ng isang may kayang pamilya.

Dahan dahang binuksan ni Haruka ang pinto at bumungad samin ang masangsang na amoy kaya kanya kanya kami ng takip sa ilong.

"Grabeng amoy, ano ba iyon?"- Reklamo ni Rezza, sabay sabay din kaming napangiwi ng tumambad sa amin ang tatlong naaagnas na katawan kaya lumayo ako sa pinto at umaarteng nasusuka. Grabe, mas mabaho pa ito sa mga naglalakad na 'zombies' sa paligid e.

"Sa iba nalang tayo?"- Suhestiyon ko nang lumayo din sila Zin sa pinto at halata sa mga mukha nila ang pandidiri.

"Mabuti pa nga."- Pag sang ayon ni Zin tsaka naunang lumabas ng gate kaya sumunod naman kami sa kanya. Nang makasakay kaming lahat sa kotse ay agad din naman  niyang pinaandar at nag hanap ulit ng matutuluyan.

Malapit nang mag gabi kaya kailangan na talaga namin makahanap ng matutulugan. Dahil hindi naman pwedeng sa kotse kami matutulog, edi sakit ng katawan ang inabot namin kinaumagahan?

"Bakit hindi nalang tayo bumalik sa tinutuluyan natin Zin?"- Suhestiyon ni Haruka kaya nabaling naman kay Zin ang atensiyon ko.

"Oo nga Zin."-Segunda ko naman pero inilingan niya lang kami.

"Bakit?"- Taka kong tanong.

"Dahil delikado, baka bumalik ang mga taong iyon doon. Lalo na at siguradong alam nila na may mga kasamahan pa sila. Pati narin, alam nilang kasama niyo ako."- Seryoso niyang sinabi habang tutok ang mata sa dinaraan niya.

"Alam niyong ako ang habol nila, kaya pasensya dahil napahamak nanaman ang mga kasamahan niyo, pati na rin kayo ng dahil sakin."- Halos pabulong niyang sinabi pero sapat lang para marinig naming tatlo. Nahagip pa ng mga mata ko ang pag higpit niyang hawak sa manibela. Tiningan ko sila Rezza at Haruka mula sa rear viewer na magkatinging dalawa.

Mabigat akong napabuntong hininga at bumaling sa kanya.

"Zin, hindi mo kasalanan. Hindi ka naman namin sinisisi. Pag subok lang itong nararanasan natin kaya wala kang kasalanan."- Mahinang wika ko sa kanya.

"Kung alam mo lang Kisha."- Wika niya tsaka siya napatingin sa rear viewer kaya sinundan ko ang tingin niya na sakto kay Rezza na bahagyang nakayuko, pero agad din namang binalik ni Zin ang tingin sa daan. Napakunot ako sa sinabi niya, anong ibig niya sabibin na kung alam alam ko lang? May hindi ba ako alam?

"Anong ibig mong sabihin na kung alam ko lang?"- Hindi na napigilan ang itanong iyon dahil gusto kong malaman kung anong tinutukoy niya.

"Na ang dahilan kung bakit ako ang hinahanap nila at nadamay kayo."- Walang pag aalinlangan niyang sinabi tsaka niya inihinto ang saksakyan at bumaling sakin.

Z: Back To LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon