KISHA'S POV" Mag sigising nga kayo! Ano ba?! Ay bwisit!"- nagising ako sa malakas na sigaw na iyon. Sino ba iyon? Ang aga aga e.
Dali dali akong napabalikwas ng makita sa harapan ko si Rezza na kinakalabang mag isa ang mga 'zombies'. Nakatunganga ako sa kanya kung paano niya seryosong sinasaksak sa ulo ng mabilisan ang 'zombies' na hindi nabibigyan ng pag kakataong makalapit sa kanya.
" What the hell? Kapatid ko ba yan?"- Napalingon ako sa kaliwa ko ng makita si Renz na tulala din sa kapatid niya. Hindi lang pala siya. Halos kaming lahat ay hindi makapaniwalang nakakayang patumbahin ni Rezza ang mga 'zombies' na ito.
Ibinalik ko ang tingin Kay Rezza. Bumwelo siya tsaka niya sinipa sa mukha ang isa tsaka niya dinambahan nang bumagsak at sinaksak. Hinila niya naman ang paa pabagsak ang isa pa malapit sa kanya tsaka niya ulit sinaksak. Wala niyang takot hinarap ang lahat. Humarap siya samin na puros talsik ng dugo ang mukha. Pinunasan niya ito tsaka siya nakangusong tiningnan kami isa isa.
" Ano?! Maganda ba yung palabas? Hindi niyo manlang ako tinulungan!"- Singhal niya samin habang nakapamewang.
" Mukhang hindi mo naman kailangan ng tulong."- Sabi ni Xenon na ngayo'y nakatayo na habang inuunat ang mga braso. Inabot niya naman ang kamay niya kay Eunice para makatayo.
Tumango tango naman kami sa sinabi ni Xenon. Mukhang hindi niya naman na kasi kailangan ng tulong namin.
" Lil'sis paano mo nagawa iyon?."- Namamangha parin si Renz na nakatingin sa kapatid niya. Nakahalukipkip naman siyang hinarap ni Rezza.
" Well, thanks to Ate Zin."- Nakangisi niyang sinabi na parang proud na proud siya. Ibang klase talaga si Zin! Pero Teka. Inilibot ko ang tingin ko sa mga kasama ko pero wala si Zin at Zethro. Asan sila?
Mag tatanong na sana ako ng sinagot na agad ni Rezza ang dapat na itatanong ko." Mag kasama sila ate Zi at kuya Zero. Nag hahanap ng gasolina para sa van."- Sabi ni Rezza.
"Kanina pa ba sila?"- Tanong ni Haruka.
" Yep! Madilim pa ng umalis sila."- Sagot ni Rezza. Nang sila lang talaga? Hindi manlang nila ako sinama. Ay! Kailangan rin pala nila ng oras para sa isa't isa. Nawala bigla ang galit ko kay Zethro ng makita ko kung paano niya niyakap si Zin habang umiiyak. Talaga nagulat ako sa mga pangyayari kahapon. Dahil akalain niyo yun! Nakita namin sila ng hindi sinasadya sa daan.
Mabuti nalang talaga at napadpad kami don. Napagpasyahan kasi naming kumuha muna ng mga pagkain bago mag hanap ng bagong matutuluyan kaya nandon kami sa mga oras na iyon.
First try of finding Zinnea is not bad at all. Dahil nakita namin siya agad. Kasama niya pa ang kapatid ni Renz. Hindi ko pa natatanong kung ano bang nangyari sa kanila kung bakit sila tumatakbo ng makita namin sila.
Sobra rin talaga akong nag sisi kung bakit hindi ko nagawang puntahan agad yung akala kong namamalikmata lang akong nakita si Zin na nakasandal sa motor. Kung sana ay nagawa ko yun edi mas maaaga namin sana silang nahanap. Pero hindi ko rin alam kung maabutan namin sila kung sakali dahil isang kisap nga lang ng mata ko nawala sila bigla.
"Andyan na sila."- Sabi ni Zain na nakapag patayo sakin mula sa pag kakasandal sa malaking puno.
Nakita ko sila Zin at Zethro mula sa malayo na may hawak sa magkabilang kamay na galon ng gasolina Kung Hindi ako nag kakamali. May nakasukbit namang malaking bagpack sa likod ni Zethro.
" Kargahan agad ang van para makaalis na tayo dito."- sabi ni Zin ng makalapit na sila ng tuluyan. Hindi na ako nagulat ng bumalik ulit ang malamig na pakikitungo ni Zin. Alam kong panandalian lang ang ngiti at luhang ipinakita niya kahapon. Pero kahit ganon. Masaya kaming makasama namin siya ulit.
BINABASA MO ANG
Z: Back To Life
Action[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nakikipaghabulan sa KAMATAYAN Paano kaya nila ito MALALAGPASAN? Ano nga ba ang tawag sa mga nilalang na kanilang TINATAKBUHAN? at meron ba iton...