CHAPTER 21

2.3K 166 13
                                    


KISHA'S POV

Gabi na pero hindi parin umuuwi sina Zin at Renz. Ano na kayang nangyari sa kanila. Nag aaalala na ako e. Parang ang sama ng kutob ko.

Kanina pa hindi umiimik si Zethro simula ng hindi siya pinasama ni Zin. Tinamaan na talaga niya. Ibang klase din si Zin e lakas ng karisma. Kung naging lalaki lang siguro ako naku. Naku talaga.

"Zehtro dude, Huwag mo nang dibdibin kung bakit hindi ka pinasama ni Zin. Kanina kapa walang imik."- saad ni Xenon na may pang aasar na ngiti sa labi. Habang nakaakbay siya kay Eunice na nilalaro si Cyril. Isa pang dalawang to e. Ang bilis bilis. May something na pala daw sa kanila noon pa bago mangyari yung zombie apocalypse. Hindi ko nga nahalata e. Ano yun? Simpleng landian?. Malay ko diba?. Sana ol talaga may jowa. Yay! Hahaha.

Mabilis akong napatayo ng makarinig ng makina ng sasakyan na huminto sa tapat ng bahay. Thank God! Andito na sila.

" Andyan na pala sila."- banggit ni Lyzander tsaka naunang pumunta sa pinto. Hindi naman siya excited makita sila no?. Sumunod ako sa kanya ganun din si Haruka. Habang ang iba naman nakaupo lang sa sofa. Si Zethro na mukhang tampo pa. Sasabihin ko nga kay Zin na lambingin siya para hindi niya nag gagaganyan.

Nagulat ako ng tumama ako sa likod ni Lyzander na umaatras habang nakataas ang kamay. Ano bang ginagawa neto.

" Lyzander an-." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makitang may malaking lalaki na may hawak na baril na nakakatutok kay Lyzander kaya napaatras nadin ako. A-akala ko sina Zin ang dumating?.

" Who the hell are you?."- lakas loob na tanong ni Haruka sa katabi ko.

Napaatras kami lalo nang magsipasukan pa ang maraming mga lalaking may hawak ding mga baril. isa isa kami netong tinutukan. Kahit ang mga nasa sofa ay nagulat sa pagsulpot ng mga lalaking ito.

"Sino Sabi kayo?!"- Sigaw ni Haruka kaya nakatikim siya ng malakas na sampal na nakapagpatabingi ng ulo niya. Hindi ko siya malapitan dahil sa takot na iputok ng lalaking ito ang hawak na baril sa mismong mukha ko.

"Damn you! Bakla kaba!? Nananakit ng babae?!"- galit na sigaw ni Zain. Hinawakan siya ni Eunice na parang sinasabi na huwag na niyang patulan ang lalaki dahil siguradong hindi siya pag dadalawahang isip na saktan siya.

" Gusto mo miss putukan kita para patunayang hindi ako bakla?"- Nangising sambit ng manyak na sumampal kay Haruka. Demonyo siya! Nakakadiri siya!. Hindi nalang umimik si Zain na nag ngingitngit sa galit.

" What do you need?"- Seryosong tanong ni Zethro. Ano bang kailangan nila? Kung kailangan nila ng bahay edi sa kanila na to! E? Baka nga sila ang may ari ng bahay na ito kaya sila nagagalit?.

" Nasaan yung isang babaeng kasama niyo?"- Pare' parehas kaming nagulat ng biglang pumasok yung  dalawa sa apat na ikinulong namin sa bodega sa mansyon nila Haruka. Mga nasaklay pa silang pareho.

P-paanong? Buhay pa sila? Masamang damo nga naman oh.

" K-kayo? Paanong?"-Naguguluhang tanong Ni Eunice.

" Sinabi naman naming hahanapin kami ng mga kasamahan namin. Kaya eto kami naman ang hahanap sa inyo."- Nakangising saad nung Isa. Pwe! Ampanget talaga nila.

" Asan si Zinnea? Huwag niyo siyang itago. Kundi masasaktan kayo."- Sabi ng ala leader nila. Nabigla kami sa sinabi niya bakit nila kilala si Zinnea?. Bakit nila siya Hinahanap? Sino ba ang mga ito?

Gumuhit lahat sa pag mumukha namin ng mga kasamahan ko kung bakit nila kilala si Zinnea.

" Anong kailangan niyo sa kanya?"- Mataang tanong ni Xenon. Halata ang pag ngingitngit sa galit.

Z: Back To LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon