KURT POV
.
.
.
Sakay ng kotse ko bumibyahe na ako pauwi sa bahay namin..Sigurado nagaalala na sakin si Luna almost 2am na..
Shit!!!! ano ba itong nagawa ko..bakit ko hinayaan na may mangyari samin ni Ria..bakit ko to nagawa kay Luna
Ano pa mukha ihaharap ko kay Luna..nangako ako sa harap ng altar na mamahalin ko sya at di ko sya hahayaan masaktan but now what did i do I'm having sex with other girl..pero ramdam ko sa loob ko na gusto ko ang nangyari samin ni Ria..
Hinampas ko ang manibela sa isipin iyon..Ano ba kurt may asawa kana..Ano gagawin mo kapag nalaman ito ni Luna..
Umiiling na lang ako at pinark na ang kotse ko dahil nakarating na ako sa bahay namin ni luna pumasok ako sa loob madilim sa loob hanggang magawi ang tingin ko sa sofa lumapit ako sa sofa at nandun nakahiga si Luna..
Lumapit ako sa kanya at naupo saka ko hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha nya at hinaplos ang mukha nya..
'I'm sorry Luna sa ginawa kong kasalanan'napapikit na lang ako dahil sa sobra sakit
----------------------------
LUNA POV
.
.
Naramdaman ko ang haplos na iyon sa mukha ko..kaya dahan dahan ako nagmulat ng mata at di ako nagkamali si Kurt ang nasa harap ko pero nakapikit sya at parang ramdam ko ang kakaibang aura nya"Kurt." Tawag ko sa pangalan nya napadilat ito at tumingin sakin na may sumilay na ngiti bumangon ako "May problema ba." Dagdag ko dahil ramdam ko ang bigat ng awra nya
"Wala babe,sorry ha late na ako nakauwi kasama ko kasi si Bert tara na sa kwarto." Nakangiti nya sabi
Napatayo na ako at sumunod sa kanya papunta sa kwarto namin..at saka nahiga na kami pareho ipinikit ko na ang mata ko..
Nagising ako sa sinag ng araw kaya napabalikwas ako ng bangon tinignan ko ang orasan 8am na agad ako lumabas ng kwarto at bumaba sa sala pero wala na si Kurt at nakita ko may nakaluto nang breakfast sa lamesa at may note nakalagay kaya binasa ko
'I love you babe' napangiti ako at naupo na sa upuan at nagsimula nang kumain nang niluto ni kurt para sakin..
.
.
.
RIA POV
.
.
.
Nakatingin ako sa kisame..ngayon nandito ako sa opisina ko at naalala ko ang nangyari samin ni Kurt..Pero paggising ko wala na sa tabi ko si kurt..iniwan nya ako magisa dun na wala man lng kotse o kahit ano pero pinasya ko parin umuwi magisa..
Kailangan magusap kami ni kurt tungkol sa nangyari samin di ako papayag na wala maging label ang lahat ng iyon..
Ito ang pangalawang beses na may lalaking nakapasok sa buhay ko.. Ang Una si Seth pero niloko lang ako..
At ang pangalawa ay si Kurt..ngayon malinaw na sakin lahat gusto ko si Kurt at ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito mula nang maghiwalay kmi ni Seth..
Matapos ko lunurin ang sarili ko sa alak at ilang gabi ako umiiyak dahil sakanya nagawa ko syang kalimutan in just two months siguro ay dahil di sya karapat dapat sa pagmamahal ko kaya nakalimutan ko sya agad..
Tama kailangan ko kausapin si Kurt ngayon..tumayo ako at naglakad palabas ng opisina ko para pumunta sa opisina ni Kurt dahan dahan ako pumasok at nakatalikod ito kaya lumapit ako para yakapin sya sa likod at dama ko ang pagtigil nya sa ginagawa "Teka,bakit mo ko iniwan dun sa hotel paggising ko wala kana." Nakangiti kong sabi habang yakap ko parin sya sa likod..
"Namiss mo ba ang naganap satin." Dagdag ko at inalis ko ang pagkakayakap sa kanya at pinaharap sya sakin "I really miss you." Akma kong hahalikan si Kurt.."Ria stop it." Mabilis na nailayo nya ako sa tabi nya at naglakad sya palayo sakin
Kumunot ang noo ko sa ginawa nya "what's wrong Kurt." Lumapit ako sa tabi at hawakan ang braso nya "Di kaba na satisfy sa ginawa ko." Dagdag ko na parang kinakabahan ako sa ginagawa nyaTinanggal nya ang kamay ko nakahawak sa braso nya at humarap sya sakin "Hindi mahalaga kung na satisfy ako o hindi, ang point is hindi dapat yun nangyari satin." Namamos na sabi nya sakin at ganon na lang ang pagtataka ko sa sinabi nya..
"Ano sinasabi mo." Wala sa sarili ko sabi
Dahil di ko na maintindihan ang sinasabi nya"May asawa na ako kaya yung nangyari satin pagkakamali yun at di dapat nangyari." Pahina nang pahina ang boses nito
Napaatras ako sa mga narinig ko mula sa kanya parang binagsakan ako ng buong mundo dahil sa nangyayari ngayon..
Bakit ko hinayaan na magkagusto ako sa may asawa na at malala may nangyari pa samin bakit ko hinayaan yun..
"May asawa ka." Tila naiiyak ko sabi
"Ibig mong sabihin kasal kana." Dagdag ko pa sa mataas na boses na
"Oo." Nakayukong sabi "I'm sorry"Agad ako Lumapit kay kurt at sinampal ko sya dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon ang tanga ko bakit ako.. nagpadala sa presensya nya "Sorry sa tingin mo ba makukuha ng sorry mo ung nangyari na ha." At tuluyan na nga tumulo ang luha ko sa sakit
"I'm sorry nadala ako at di ko na alam ang ginagawa ko sana mapatawad mo ko Ria." Pilit nya ako hinahawakan sa kamay pero umiiwas ako mahawakan nya
"How dare you Kurt." Napatakbo ako palabas ng opisina nya..
Sobra ang sakit na nararamdaman ko ngayon pano nangyari sakin ang lahat ng ito..
Akala yun na ang pinaka masaya nangyari skin ang ibinigay ko kay kurt ang lahat sakin.. pero may asawa na sya at kasal na ito..
Dinudurog ang puso ko ngayon sa mga nalaman ko mula kay kurt..bakit kung kailan natutunan ko na ulit magmahal nagkamali parin ako sa taong pinag ukulan ko ng pansin at panahon..
Pumasok ako sa opisina ko ng makarating ako saka naglakad pabalik balik at hawak ko ang dibdib ko na sobrang sakit..
"Ahhhh ang tanga ko , ang tanga tanga ko bakit!!!."Sigaw ko sa loob ng opisina ko wala ako pakialam kung may makarinig sakin..at sa inis ko hinawi ko lahat ng nakalagay sa lamesa ko para malalag at mabasag ang mga babasagin..
Tigmak parin ang mata ko sa kakaiyak at napaupo na lang ako dahil parang naubos na lahat ng lakas ko kakaiyak..
"Maam Ria ano--- oh my god!! Anong nangyari maam." Gulat na pumasok si Burn sa opisina at nagaalalang lumapit sakin nung makita magulo ang gamit ko sa sahig at nakaupo ako sa sahig at umiiyak..
"I just want to go home." Mahina kong sabi na gusto ko ng umalis na sa lugar na iyon
"Okay maam ria ireready ko ang kotse." Natataranta nitong sabi at lumabas na ng opisina ko...
Gusto ko na syang kalimutan..perobakit ang puso ko hindi magawang magalit sa kanya..nasasaktan ako dahil may asawa na sya hindi dahil ginawa nya akong tanga dahil ako mismo ang nagexpect na magkakaroon na kami ng label dahil sa nangyari samin kagabi..
Akala ko maangkin ko na ang puso nya hindi pa pala dahil may nagmamay ari na nito..at ang masakit hindi ako yun..
Gusto ko makapagisip ng tama kailangan ko nang umuwi muna at lumanghap ng sariwang hangin..at isipin kung ano gagawin ko ngayon..
inayos ko ang sarili ko at pinahid ang luha ko na natigmak sa mukha ko saka tumayo at Lumabas na ako ng opisina ko..
Sumakay ako ng elevator pababa sa parking lot at hinanap ang kotse ko nakalimutan ko na kung san ko pinark dahil sa gulo ng iniisip ko..
Hanggang makita ko si Burn lumapit ako sa kanya
"Burn."tawag ko sa pangalan nya at napatingin ito sakin na tila nagaalala
"Maam Ria ano po ba nangyari bakit kayo umiiyak at magulo ang opisina nyo." Diretsong tanong nya sakin
"Mawawala ako ng ilang araw ikaw muna bahala sa company." Tanging sagot ko sa kanya at sumakay na ng kotse ko saka pinaharurot na iyon paalis sa companya ko...
BINABASA MO ANG
MY EX-WIFE REVENGE[COMPLETED]
RomanceMaganda , mahinhin at sobrang bait yun ang mga katangian ni LUNA hanggang sa magpakasal sila ni KURT na isang simple at manager ng kilalang company .. the man of her dreams na akala nya magiging tapat at tutuparin ang pangako nito sa kanya sa harap...