KURT POV
.
.
.
Natulala ako sa kinatatayuan ko dahil nakapasok na sa loob ng kwarto nya si Luna..Ano ba nangyayari sakin bakit di ako mapakali sa presensya nya..tumalikod na ako saka naglakad sa construction site naupo ako sa upuan sa isang tent..
"Ang ganda Sir ni Maam Laurice bagay po kayo." Rinig ko sabi ng lalaki na katabi ko..
"May fiance na sya at may asawa na ako kaya hindi kami pwede." Wala reaksyon na sabi ko at di nagabalang lumingon sa nagsalita..
"Halata sa mukha nyo sir na gusto nyo sya." Napalingon ako sa sinabi ng lalaki na katabi ko at abala sa pagbabasa ng plano..
"Paano nyo nasabi na gusto ko sya." Pagiwas ko ng tingin sa lalaki..at tinuon ang mga mata ko sa construction site..
"Iba ang tingin nyo sa kanya kanina nung pinakilala nyo sya saamin..tingin yun ng may pagmamahal na di nyo magawa aminin sa kanya dahil nakatali na kayo sa iba." Mahabang sabi nito na wala kahit ano reaksyon sa boses nya..Tama naman talaga sya dahil.ngayon napagtanto ko nang may nararamdaman ako para kay Laurice pinigilan ko iyon hindi dahil may asawa ako kundi pakiramdam ko may tinatago sya sakin na di ko alam kung ano..
Kung paano sya naging related sa pamilya ni Luna at bakit parang may kakaiba sa kanya..bakit nakikita ko si Luna sa kanya..napapikit na lang ako sa dami ng iniisip ko..
.
.
.
.
LUNA POV
.
.
.
Napadilat ako dahil kahit mga mata ko ayaw matulog..napabangon ako sa pagkakahiga..saka ko ginala ang mga mata sa kabuuan ng kwarto medyo may kalakihan ang loob..may sariling kusina na may maliit na mesa at dalawa upuan at sa gilid ay may cr..naisipan ko buksan ang maleta ko para maiayos sa cabinet na nakafix na sa kawayan..isa isa kong nilagay dun ang mga damit ko nang maayos ko na..naupo ako ulit sa kama..Mukhang masarap maligo sa beach at ang linaw ng tubig..makaligo nga maganda na rin to matagal na rin ako di nakaligo sa beach..tumayo ako at kinuha ang swimsuit na dala ko saka ako pumasok sa cr para magbihis..
Lumabas na ako ng cr at humarap sa salamin na man size pinagmasdan ko ang buo kong katawan sa salamin na ngayoy nakasuot ng one piece na swimsuit kulay gray na may exis exis na tali sa unahan na kita ang cleavage ko at kitang kita ang pagkahubog ng dibdib ko tumagilid ako para makita ko ang ganda ng kurba ng katawan ko sa suot kong swimsuit na fit na fit sakin habang kita ang kaputian ng likod ko..
Napangiti ako dahil bagay sakin ang suot ko..ngayon Kurt pagmasdan mo ang katawang pinagpalit sa Ria na yun..
Tignan natin Kurt kung di ka mabaliw sa taglay kong kagandahan.sinuot ko ang sea-through para medyo matakpan ang nangingintab kong kaputian..
Di na ako nagsuot ng kahit ano sa paa..saka ako nagpasya lumabas na ng bahay kwarto ko..napalinga linga ako sa paligid..
Nasan kaya ang Kurt na yun..huminga ako ng malalim saka naglakad na papunta sa dalampasigan..dahil parang tinatawag ako ng dagat..
.
.
.
KURT POV
.
.
.
"Sir mukhang malalim na naman ang iniisip nyo..gaganda ang mood mo kapag tumingin ka sa dalampasigan." Rinig ko sabi nya kaya napalingon ako sa dalampasigan at di ko maintindihan bigla ako napatayo sa inuupuan ko dahil nakita ko si Laurice na naglalakad papunta sa dalampasigan nakasuot ito ng see-through pero kita parin dun ang ganda ng hubog ng katawan nya..pati ang kumikinang nitong kulay puti mas lalong nakakadagdag ng kagandahan nya kapag natatamaan ng araw..Di ko namalayan na naglalakad na ang mga paa ko papunta kay Laurice..I was mesmerized by her beauty..naupo ito sa upuan nandun.
"Akala ko magpapahinga ka muna." Tanong ko nang makalapit na ako kay Laurice na ngayon mas nakita ko na nang malapitan ang kagandahan nito..
"Di ako makatulog kaya naisipan kong maligo sa dagat." Pagkasabi nun lumingon ito saakin saka ngumiti ng kay tamis sakin..
Bakit ba di ako mapakali kapag nandyan ka Laurice..di ko mapigilan ang sarili ko na mahalin ka..Ngayon naamin ko na sa sarili ko na mahal ko sya sa maikling panahon lang..mali man itong nararamdaman ko pero di ko mapigilan ang sarili ko..
"Kurt pwede mo ba ako tulungan maglagay ng sunblock sa likod nalagyan ko na kasi ung kamay at hita ko sa likod na lang ang hindi." Mahinhin na sabi nito at iniabot sakin ang sunblock..
Kinuha ko iyon at naglakad para umupo sa likuran nya unti unti nyang binaba ang suot na see-through kaya tumambad sakin ang puti nitong likod at sobrang kinis ni wala kang makikitang kahit ano sugat o kagat man lang..
Napalunok na lang ako ng bahagya at sinimulan buksan ang lotion saka nilagyan ng lotion ang kamay ko..ipinahid ko iyon sa likod nya saka ko kinalat sa buong parte ng likod nya..
Napatigil ako sa ginagawa ko nang mapansin ko ang balat sa likod nya..
Paano nangyari pareho sila ng balat ni Luna sa likod..sino ka nga ba talaga Laurice..
"Tapos na ba." Dinig ko sabi ni Laurice at humarap ito sakin napakunot ang noo nya.. "Okay ka lang Kurt." Takang tanong nito
"Ah oo tapos na." Sagot ko at napangiti na ako ng di sya makahalata..
"Salamat Kurt." Maikling sagot nya at tumayo na..habang naglalakad na ito dahan dahan nalalaglag sa kamay nya ang suot na see-through hanggang nalaglag na nga ito sa buhangin..napamaang na lang ako ng tuluyan ko makita ang buo katawan nito..nakasuot ito ng one piece swimsuit na kulay gray bagay ito sa katawan nya na parang hinulma ng sculptor sa ganda ng pagkakahulma..humarap ito sakin habang naglalakad papunta sa dagat nakangiti ito..
Kaya lalo na pagmasdan ang mukha nyang kay amo..di ko na pigilang lumunok ulit dahil kita ko ang hubog ng dibdib nito na parang kay sarap maramdaman..bigla nakaramdam ako ng pagiinit ng mukha at pagdaloy ng mainit na pakiramdam na yun sa buo ko katawan..
Muli itong tumalikod at tuluyan nang nakarating sa dagat..maya maya pa ay sumisid na ito at di ko na nakita pa..
Lumipas ang isa..dalawa..lima..sampung minuto wala parin Laurice na umaahon..nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ng di parin ito lumilitaw sa dagat..napatakbo ako malapit sa dagat at inaninag kung may Laurice na aahon pero wala..
Laurice nasan kana..baka pinulikat yun at di makaahon..Lumipas pa ang limang minuto wala parin ito..
Nagsimula na ako ang tanggalin ang sapatos ko at ang t-shirt na suot ko saka agad na lumusong sa dagat huminga ako ng malalim bago sumisidng tuluyan..
Napatingin ako sa paligid sa ilalim ng dagat pero wala ako nakitang Laurice..Shit nasan ka Laurice..umahon ako para makasagap ulit ng hangin napatingin ako sa paligid at sa pangpang pero wala parin ito..
"Laurice nasan ka..sumagot ka." Pasigaw na tawag ko at sobra na ang kaba ko sa dibdib..
Luminga linga ako sa paligid ng may mahagip ang mata ko na batuhan at may bulto ng tao naroon kaya agad ako kumampay sa dagat papunta sa malaking bato naroon..
Habang palapit ako ng palapit sa batuhan dun ko lang nakita kung sino ang naroon..
"Laurice." Tawag ko sa pangalan nya kaya napalingon ito sakin..
"Kurt." Mahinang tawag nya sa pangalan ko at kita ang takot sa mukha ko..
Mas binilisan ko ang paglangoy para makalapit ako sa kanya nang makarating umakyat ako sa batuhan at agad ko syang nilapitan..
"Anong nangyari sayo bakit nandito ka alam mo ba kung gaano ako nagalala sayo nung di kita nakikita umaahon." Tila wala sa sariling sabi ko at hinawakan ko ang balikat nya..
"Pinulikat ako kaya naisipan ko huminto muna dito baka mag----" Pinutol ko na ang sasabihin nya at agad ko sya hinalikan sa labi..kay lambot ng mga labi nito na ngayoy nakalapat sakin..
---------
BINABASA MO ANG
MY EX-WIFE REVENGE[COMPLETED]
Roman d'amourMaganda , mahinhin at sobrang bait yun ang mga katangian ni LUNA hanggang sa magpakasal sila ni KURT na isang simple at manager ng kilalang company .. the man of her dreams na akala nya magiging tapat at tutuparin ang pangako nito sa kanya sa harap...