RIA POV
.
.
.
Nandito ako ngayon sa conference room dahil sa nagpatawag ako ng meeting habang nakatingin nang seryoso sakin ng may pagtataka sa mukha ang board members ko.."Bakit po kayo nagpatawag ng meeting maam Ria." Tanong ng isang may edad nang lalaki na halatang curious..
"Nabalitaan ko ang pag backout ng ibang investors ng share nila dito sa company ko para ibenta sa ibang company malaki ang offer." Sagot ko sa mataas na boses.. "don't you ever pull out your share to my company unless your really strong enough to do that kapag nalaman ko sinubukan nyo umalis sa company ko pagsisisihan nyo ang gagawin nyo dahil sa company ni papa kaya lumago ang company nyo kaya ibalik nyo ang utang na loob na yun." Nakita ko ang takot sa mga mata nila na nakatitig sakin..Galit na dagdag ko pa..at naglakad papunta sa pinto saka pabagsak na sinara ang pinto..
Naglakad ako ng mabilis papunta sa opisina ko pagpasok ko sa loob napalapit ako sa mesa ko at napahampas ako ng sobrang lakas..
Nakuyom ko na lang ang mga kamao ko sa galit narinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina ko.
"Maam Ria." Tinig ni Burn ang narinig..
"What?." Galit na sagot ko kay Burn at di na nagabala lumingon.
"Napagalaman ko ang Min Ho Hotel ang bumili ng share ng ibang investors natin..paano nagawa nila nagawa yun samantalang partner na kayo." Paliwanag nito sa may pagtatakang boses..
Agad ako napalingon kay Burn kaya mas lalo kumunot ang noo ko sa mga nalaman ko..
Laurice..ikaw ang may kagagawan nito..humanda ka sakin..naglakadako papunta sa pinto
"Maam Ria san ka pupunta." Tawag nito pero di ako nagabala lumingon sa kanya at tuluyan ako lumabas ng opisina ko..
.
.
.
LUNA POV
.
.
.
30 mins ang naging byahe at nandito na ako sa company ni Kyle at bumaba na sa kotse ko saka naglakad papunta sa entrance ng parking lot..sumakay na ako..Bulong na sabi ko.. "Lagi mo yan tatandaan." Dagdag ko kaya napahiwalay sya sa pagkakayakap namin pero magkalapit parin ang mukha namin..
"I love you too Luna." Ngumiti ito at isang mabilis na halik sa labi ko ang ginawad nya..
"Nagpunta si Kurt sa bahay kanina at sinasabi sakin na mahal nya ako di ko sinasadya may masabi na pwede maging dahilan na maghinala sya sakin na ako si Luna." Mahabang paliwanag ko habang nakatitig sa mga mata ni Kyle na seryoso lang nakatitig sakin..
"Wala ba syang ginawa sayo masama Luna." Pagaalalang tanong nya at hinawakan ang pisngi ko..
"Wala." Maikling sagot ko at hinawakan ang kamay ni kyle na nakahawak sa mukha ko..
Niyakap nya ulit ako ng mahigpit at hinimas ang likod ko.. "Nandito lang ako di ko hahayaan na saktan ka nya ulit." Bulong nya sakin at napalayo ako sa pagkakayakap sa kanya..
"Salamat Kyle nagdala ako ng Lunch kain na tayo." Masiglang sabi ko at pinakita ang lunch box na dala ko..
"Sige." Nakangiting sagot nito at naunang naglakad papunta sa mesa kaya napasunod na lang ako..
.
.
.
KURT POV
.
.
.
Napahinto ako sa tapat ng Min Ho Hotel agad akong pumasok sa parking lot nang maiparada ko na ang kotse ko bumaba na ako papunta sa entrance ng parking lot..pag pasok sa loob may nakita akong babae nakatayo sa elevator.."Teka miss pwede magtanong." Panimula kong tanong napaharap ito sakin..
"Ano po yun." Sagot nito sa tanong ko..
"San ang opisina ni Kyle Mendoza." Seryosong tanong ko..
"Sa fifth floor po paglabas nyo ng elevator tapos sa kanan sa dulo po." Sagot nito..
"Salamat." Maikling sagot ko at ngumiti sa babae nang magbukas ang elevator sumakay ako at gaya ng sinabi ng babae lumabas ako.sa fifth floor at naglakad pakanan..
Habang papalapit ako sa pinto ng opisina ni Kyle nakaramdam ako ng kaba..paano kung si Luna at Laurice ay iisa..ano gagawin ko para mabawi sya sa kyle na yun..napahinto na ako sa tapat mismo ng opisina ni Kyle..napabuntong hininga ako..
Kung tama ang hinala ko gagawin ko ang lahat para mabawi si Luna sa kanya dahil ako parin ang asawa nya..hinawakan ko ang doorknob at binuksan iyon ng wala ano anoy..
Gulat na napatingin sakin si Kyle at Laurice na di inaasahan ang pagdating ko.
"Anong ginagawa mo dito." Nakakunot noo na sabi ni Kyle sakin..pero di ako nagabala tignan sya dahil kay Laurice ako nakatingin na halata ang pagkagulat.
"Di ikaw ang pinunta ko dito kundi si Laurice." Matigas na sabi ko at nakita ko ang paniningkit ng mga mata nito nakatingin sakin..
"Anong kailangan mo sa fiance ko." Mataas na boses na ang gamit nito..pero wala ako pakialam basta gusto malaman ang totoo..
"Fiance?Sa tingin mo ba talagang mahal ka ni Laurice kasi kung mahal ka nya di nya hahayaan halikan ko sya ng paulit ulit dun sa isla." Sarkastikong sabi ko at ngumisi ako kaya lalo nagdilim ang aura nito..lumapit ito sakin at hinawakan ang kwelyo ko.. "Bakit nagagalit kaba dahil di magiging iyo ang totoong akin." Dagdag ko pa..akmang susuntukin ako..
"Tama na Kyle..They need to know the truth dahil malalaman nya din ang totoo." Rinig ko sabi ni Laurice kaya napaluwang ang pagkakahawak nito sa kwelyo ko..at tila may kung ano sa dibdib ko ang nakaramdam ng kaba..
Anong totoo..Laurice
"Ano ibig mong sabihin." Wala sa sarili tanong ko..
"Gusto mo malaman ang totoo..Ako si Luna Smith ang dati mong asawa." Matigas na sabi nito..at napaawang ang bibig ko sa sinabi nya..
"I--kaw si Lu--na paa--no nangyari ikaw si Luna." Utal utal na sabi ko at parang nanghihina ang buo.kong katawan..
"Nakaligtas ako sa aksidente naging malala ang nangyari sa mukha ko kaya pinalitan kaya di mo ko nagawang makilala Kurt..alam mo ba kung gaano kasakit ang pinagdaanan ko mula nung niloko mo..maaksidente ako at malaman ko na pinakasalan mo ang babaeng yun..kaya binago ko ang katauhan ko para kapag nagkita tayo ulit di mo ko makilala ng maiparamdam ko sainyo ng Ria na yun ang sakit ng ginawa nyo sakin..Lalo kana minahal kita ng higit sa buhay ko pero sinira mo ang tiwala at pagmamahal ko sayo." Mahabang sabi nito at tuluyan tumulo na ang mga luha nito sa mga mata..
Parang babagsak ako sa mga nalaman ko kaya pala naaalala sya ng puso ko..kaya pala ganon kadali ko sya minahal dahil sya pala ang babaeng una kong minahal..at tuluyan nang tinanggal ni Kyle ang pagkakahawak nya sa kwelyo ko..
Dahan dahan ako naglakad sa kinaroroonan ni Luna..at pinagmasdan ang bago nitong mukha na ngayon basa na nang luha..
"Patawarin mo ko Luna di ko ginusto na masaktan ka pinilit ko iwasan noon si Ria pero minahal ko sya kung alam ko lang na mawawala.ka sakin sana di ko na pinagpatuloy ang relasyon namin..maniwala ka man sa hindi hanggang nagyon ikaw parin ang mahal ko at di nagbago yun..masaya ako at buhay ka pwede tayo magsimula ulit bilang magasawa dahil kasal parin tayo at ako ang karapat dapat sayo." Mahabang sagot ko..
---------
LAST FIVE CHAPTER NA LANG..THANKS A LOT SA SUPPORT READERS..
BINABASA MO ANG
MY EX-WIFE REVENGE[COMPLETED]
RomanceMaganda , mahinhin at sobrang bait yun ang mga katangian ni LUNA hanggang sa magpakasal sila ni KURT na isang simple at manager ng kilalang company .. the man of her dreams na akala nya magiging tapat at tutuparin ang pangako nito sa kanya sa harap...