Chapter 11

1.9K 36 0
                                    


KURT POV
.
.
.
Nakaupo ako ngayon at nasa malayo ang tingin..Hindi na ako mapakali simula nang sabihin ko ang totoo kay Ria nakita ko kung paano ko sya nasaktan nang araw na iyon at may kung ano sa kalooban ko ang nakaramdam din ng sakit dahil sa ginawa ko sa kanya..

Kung tutuusin ako ang may kasalanan kung bakit umaasa at nagexpect si Ria na magkakaroon ng patutunguhan ang nangyari samin dalawa..

Alam ko may asawa ako at di nya yun alam..ako ang dapat nagpigil kasi alam ko lasing sya nun at ako ang nasa katinuan pero nagpatangay ako sa presensya at kagandahan nito na ngpapabilis sa tibok ng puso ko..

Nung araw na yun di ko na nakita si ria ang sabi ay di muna sya papasok at di alam kung kailan babalik..

Paano kung iwasan nya na ako tuluyan at matauhan na ito sa kahibangan nito sakin..ano ang gagawin ko

Bumuntong hininga na lang ako sa mga tumatakbo sa isip ko..

-----------------------

RIA POV
.
.
.
Nakasakay ako sa kotse ko ngayon papunta sa company halos isang linggo ako nawala para hanapin ang sarili ko at makapag isip ng tama..

Halos araw araw umiinom ako para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko..napagisip kailangan ko nang bumalik dahil marami ako dapat asikasuhin na ibang bagay..

Kahit magtago ako magkikita at magkikita kami ni Kurt dahil empleyado ko sya..

Iiwasan ko sya hanggat kaya ko dahil yun ang dapat ko gawin..

Nang makarating sa parking lot ng company , pinark ko na ang kotse at pumasok sa loob saka sumakay ng elevator paakyat sa second floor kung nasan ang opisina ko

Nang makaakyat agad ako pumasok sa opisina ko at gulat na nakatingin sakin si Burn

"Maam Ria." Lumapit sya at kinuha ang bag ko "Okay kana po ba." Dagdag na taong nito at naupo na ako sa upuan ko

"Yeah I'm okay." Sersoyoso ko sagot "kamusta ang company any update." Dagdag ko na mas seryoso

"May update na po sa last na meeting nyo ung sinagest ni Kurt naging successful po iyon at mas tumaas ang sales natin." Nakangiti kong sabi kahit bigla kumalabog ang dibdib ko ng marinig ko ang pangalan ni Kurt

"Good to hear that mag patawag ka ng meeting." Maawtoridad kong sabi
"Yes maam." Maikling sagot nya at lumabas na ito ng opisina ko

Nilapat ko muna ang likod ko sa upuan at huminga ng malalim bago inaayos ang sarili ko at naglakad na palabas papunta sa conference

Palapit na ako sa conference nang mapansin ko ang pamilyar na tao na palapit na rin sa pinto ng conference room at may kasama ito na lalaki..

Habang papalapit ako sa conference room dun ko napagtanto na si Kurt ang lalaking iyon..ganon na lang kabilis ang pagtibok ng puso ko sa lalaking dahilan kung bakit na naman ako nasaktan ng sobra..

Kailangan umarte na wala na ako paki kung magkita kami.. nakita ko titig na titig sya sakin tinignan ko sya at agad na umiwas saka pumasok na ako sa loob ng conference room..

Pumasok na rin ito at naupo sa dating upuan nito

"Kaya nagpatawag ako ng meeting para i-congratulate kayo sa mataas na sales natin dahil yun sa suggestion ni Mr.Kurt." Nakangiti ako habang sinasabi ko iyon at nakatitig ng nakataas ang kilay kay Kurt
"Its my pleasure to help our company maam." Nakangiti na nakatingin sakin
"Because of that i prepare company outing so that we can have break mula sa stress na trabaho." Diretso kong sabi "so that's all this meeting adjorned." Dagdag ko at nagsialisin na ang mga tao sa loob maliban kay kurt na nakatingin sakin ng seryoso

"May problema ba Mr.Kurt."panimula ko nang lumapit ito sakin
"Can we talk." Paos nitong sabi
"About what." Maikli kong sagot at umiwas ng tingin
"Ah.. antayin ko na lang kayo maam ria sa office nyo." Nagtatakang sabi ni Burn at lumabas na ng conference room

"Sabihin mo kung ano ang sasabihin mo marami pa ako trabaho." Mahinahon na sabi ko na di tumitingin sa kanya

"Kamusta kana." Agad ako napatingin sa kanya
"I'm okay may sasabihin kapa ba." Nakataas ang kilay ko na sagot "I'll go ahead." Tumalikod na ako at naglakad na palabas ng conference room

Sinadya ko na lumabas dahil di ko na kaya ang mabigat na presensya sa loob..

This is the right things to do ang layuan ko na si Kurt..

----------------------------------

KURT POV
.
.
.
Naiwan ako tulala dito sa conference room at di ko maintindihan ang nararamdaman ko..tuluyan na ba ako nakalimutan ni Ria mas okay na yun atleast mababawasan ang guilt ko kay Luna dahil sa ginawa ko sa kanya..

Lumabas na ako ng conference room at naglakad na papunta sa office ko..kahit papaano makakahinga na ako ng maluwag dahil sa ginawa aksyon ni Ria..pero bakit ako nakaramdam ng panghihinayang na dito na matatapos ang lahat..

----------------------------------------

LUNA POV
.
.
.
Nakahiga ako ngayon sa kama at nagbabasa ng pocket book ganito ang ginagawa ko kapag wala si Kurt.. tapos na ako maglinis ng bahay kaya wala na ako ginagawa na mabigat ganito lagi ang ginagawa ko

Bigla ako natigil sa pagbabasa ng magring ang cellphone ko..

Binaba ko ang pocket book na binabasa ko at kinuha ang cellphone ko sa kama at si mommy ang tumatawag kaya sinagot ko

"Hello mom." Sagot ko ng masaya ang tono ng boses
(Hello sweetheart,how are you?) Masayang sagot nito sa kabilang linya
"Okay naman po mom kayo po ni dad." Tanong ko na masaya parin ang himig
(Were okay but we really miss you so much) malungkot na ang boses nito
"Ako rin po mom i really miss you too." Kaya nalungkot na rin ako
(Luna sunday night dito kayo magdinner ni Kurt matagal na kayo di nakakadalaw) muli naging masaya na ang himig nito
"Sasabihin ko po muna kay kurt then i call you mom." Sagot ko na parang excited din ako sa narinig ko
(Okay take care sweetheart i love you) masigla nitong sabi
"Yes mom kayo rin po magiingat kayo ni dad, i love you too mom." At inioff ko na ang phone ko kaya napasandal ako sa hwad board ng kama namin..i really miss them..

Sa loob ng 16 years sila na tumayong magulang ko at masasabi ko naging masaya ang naging buhay ko sa feeling nila itinuring nila ako parang tunay nilang anak..

Wala na ako mahihiling pa sa buhay dahil nakuha ko na..salamat sayo mama at papa alam kong binabantayan nyo ako sa langit at kayo ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng masayang pamilya..at naging asawa ko ang lalaking pinaka mamahal ko si Kurt..

Bakit nung nakaraan nakaramdam ako ng kakaiba kay Kurt na para bang may mabigat syang problema na dinadala..Ano kaya ang dahilan kung bakit ang lungkot nya nung gabi na iyon..Meron kaya sya problema na hindi sinasabi sakin..

Gabi na kaya nagluto ako ng dinner namin ni kurt..i prepared menudo hobby ko na ang pagluluto tinuruan ako ni mommy Melanie at pinagaralan ko rin para kapag naging magasawa kami ni Kurt.. I'll cook For him

"Ang bango naman yang niluluto." Mahinang sambit nya sa tainga ko at niyakap ako sa likod
Gulat ako lumingon sa likod at si Kurt iyon di ko man lanv namalayan na dumating na sya "Kanina kapa ba dumating."
"Oo kanina pa ako nakatayo,lumapit na ako para malaman mo nandito na ako."

Nakangiti sya sakin at mabilis nya ako hinalikan sa labi

"How's your day babe."

Tanong ko at tinuon ko uli ang tingin ko sa niluluto ko

"Stress but when i see you nawala na lahat ng pagod ko."

Sagot nya at naupo sya sa maliit na mesa sa kusina at ngsalin ng tubig sa baso

"Ah babe may lakad kaba sa sunday."

Humarap ako sa kanya na ngayon ay binaba ang baso na ininuman

"Bakit."Taong nya na nakatingin sakin

-------------------------------------------

Vote and comment!!!

MY EX-WIFE REVENGE[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon