Chapter 39

1.8K 33 0
                                    

LUNA POV
.
.
.
Pagkatapos nang paguusap namin ni Kurt lumabas na ako sa conference room..naglakad ako para magtago sa isang hallway at nakita ko ang paglabas ni Kurt sa conference room naglakad na ito papunta sa opisina nya mismo..

Nagantay ako ng ilang saglit nakita ko ang pagdating ni Ria naglalakad ito papunta sa opisina mismo ni Kurt..

Ang walang hiyang babae na yun nagagawa nya makapasok sa opisina ni Kurt na samantalang kahit isang beses di ko nagawang makapasok dun..sigurado ako gumawa din sila ng milagro sa loob ng opisina ni Kurt..

Mas lalo naginit ang mukha ko kapag iniisip ko ginagawa nilang dalawa kung ano ginagawa namin ni Kurt..

Naglakad ako palapit sa pinto ng opisina ni Kurt at pinakinggan ang paguusap nilang dalawa..

May dinner date pala kayo ha..di ko hahayaan matuloy yan..di ko hahayaan maging masaya kayong dalawa..

Nang marinig ko may mga yabag na papunta sa pinto agad ako nagtago sa exit na hagdan nakita ko ang pagalis ni Ria kaya naglakad na ako pababa ng parking lot saka hinanap ang kotse ko sumakay ako dun..

Nagantay..napatingin ako sa wrist watch ko alas sais na nang hapon..gulat ako napatingin kay kurt na nagmamadali sumakay sa kotse nya pinaandar nya ang makina at ganon din ako nang umalis sya sumunod lang ako sa kanya..

Nasa daan na kami at sinundan ko parin sya..nang bigla bumuhos ang malakas na ulan naipit kami sa traffic..nagtry ito magiba nang route kaya sinundan ko parin..pero traffic parin ang nakasadlakan namin..

I need to do something para malate sya ng uwi..minaobra ko ang kotse ko sa gilid ng bangketa na di kalayuan sa kotse ni Kurt na mapapansin nya ako..pinatay ko ang makina ko at bumaba sa kotse saka hinayaan mabasa ako ng ulan..

Ilang minuto ang lumipas nakita ko ang kotse ni Kurt na palapit sakin kaya ginulo ko ng konti ang buhok ko at tinanggal ko ang lipstick ko para magmukha kanina pa ako nabasa ng ulan..

Di ako nagkamali at tumigil ito sa tapat ng kotse ko binaba nya ang bintana nya para marinig ko ang sa sabihin nya..

"May problema ba." Rinig kong tanong nya..

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang pagkagulat sa mukha nya nang makita ako..

"Nasiraan kasi ako,nagtry na ako tumawag ng throw truck kaso matatagalan sila dahil sa traffic at umuulan pa." Paliwanag ko at umarte ako na nanginginig na ako sa lamig..

"Ganon ba san kaba papunta." Tanong nya dahil kita mo na ang pagaalala sa mukha nya..

"Pauwi na." Maikling sagot ko..

"Ihahatid na kita." Biglang sabi nya..

Agad na ito bumaba ng kotse nya na hindi na pinansin ang malakas na ulan at agad na lumapit sakin saka binuksan ang pinto sa tabi ng driver seat.. "Pumasok kana baka magkasakit kapa." Sabi nya nahalata mo ang pagaalala sa boses nito..

Bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko..bakit ba palaging ganito ang nararamdaman ko dapat ay kinamumuhian ko sya dahil sa panloloko ginawa nya sakin pero bakit may concern parin sya sakin di dapat ako papadala sa mga pinapakita nya sakin dahil ganyan din sya pero nagawa nya parin maghanap ng iba..

Naglakad na ako papasok sa loob ng kotse nya kaya sinara nya na ito at bumalik na sya sa driver seat..

"Salamat." Maikling sabi ko..

Napatingin sya sakin at nagawi ang tingin nya sa kamay ko kaya nagpanggap ako nanginginig para magalala kapa lalo sakin..

"Kanina kapa ba basa sa ulan,tinawagan mo na ba si Kyle." Pagaalalang tanong nya..

"Lowbat ako kaya di ko sya natawagan buti na lang dumating ka Kurt." Malamlam na pagkakasbi ko sa kanya..

Inabot nya ang coat sa likod ng upuan saka iniabot sakin.. "Isuot mo yan para maibsan ang panginginig mo." Banaag mo parin ang pagaalala sa mukha nito..

"Paano ka nabasa ka rin ng ulan." Pagaalalang sagot ko sa kanya..

"Okay lang ako ihahatid na kita." Sabi nya ng di tumitingin sakin at pinaandar nya na ang makina at nagmaneho na paalis sa lugar na iyon..
.
.
Huminto sya sa tapat ng bahay nila Kyle pinatay nya ang makina saka bumaba na ito sa kotse nya para pagbuksan ako..bumaba na ako ngayoy magkaharap na kami ng mas malapitan kaya mas lalo ko napagmasdan ang mukha ni Kurt..

Wala paring pinagbago ang mukha nya kay gwapo at ang amo parin ng mukha nito..

"Salamat sa paghatid." Nasabi ko na lang dahil baka matangay ako at kung ano pa magawa ko..

Lumayo sya ng konti sakin "wala iyon,sige mauna na ako." Sagot nito at akmang aalis..

"Teka Kurt." Pigil ko kaya humarap ito sakin kaya naman kusa gumalaw ang mga paa ko at lumapit sa kanya at halikan ito sa pisngi ng mabilis.. 
"Good Night." Nakangiti kong sabi at tumalikod na papasok papunta sa gate..

Nakita ko ang pagkatulala nya pero naglakad na ito pasakay ng kotse nya saka nagmaneho paalis..

Nagsisimula pa lang ako Kurt..pero nakikita ko na ang pagkailang mo sa presensya ko..

./.

KYLE POV
.
.
.
Maaga na natapos ng trabaho ko kaya nagayos na ako pauwi sa bahay..sigurado baka inaantay na ako ni Luna..

Kinuha ko na ang coat ko saka nagmamadaling nagpunta sa parking lot para sumakay sa kotse ko..

Nang makasakay sa kotse nagmamadali na ako nagmaneho pauwi sa bahay..

Nang makarating sa bahay wala ako nakita Luna sa loob..wala pa sya hanggang ngayon san na kaya sya nagpunta..

Umakyat ako sa taas para magbihis nang makapagbihis bumaba ako at nagtungo sa kusina..

Gusto ko paglutuan si Luna..medyo may alam din ako sa pagluluto pero di ko na gagamit dahil wala na ako oras para magluto sa sarili ko at wala ako paglulutuan..pero ngayon meron na..

Nagsuot ako ng apron at nagsimulang maghiwa ng mga ingredient sa lulutuin ko..nang matapos ako maghiwa nagsimula na ako magluto..

Nang matapos napatingin ako sa orasan..alas syete na wala parin si Luna..pero naghain na ako sa mesa sigurado ako magugustuhan nya ang niluto ko para sa kanya..

Lumipas pa ang isang oras pero wala parin si Luna hanggang bumuhos ang malakas na ulan kaya nakaramdam na ako ng sobra pagaalala para sakanya..

Agad ako umakyat sa taas sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko para tawagan si Luna..kusa ako natigilan nang.marinig ko may kotse tumigil sa tapat namin kaya agad ako napatakbo sa terrace ng kwarto ko..napakunot ang noo ko nang makita ko may lalaki bumaba sa kotse nya at binuksan ang pinto sa tabi ng driver seat..

Dun lang napagtanto ko si Luna ang bumaba sa kotse nito..Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko sa nakikita ko..ngayon ko lang napansin na si Kurt pala ang lalaking kasama ngayon ni Luna..

Ang mas masakit mukhang nagkakamabutihan pa sila na ngayon kahit pa sabihin na may dahilan kung bakit sya napalapit kay Kurt dahil sa gusto nya ito ipaghigantihan..nandun parin ung isipin sya parin ang asawa nito..

Kita ko ang paghalik ni Luna sa pisngi mismo ni Kurt yun ang lalo nagpadurog sa puso ko..napaalis ako sa terrace at nahiga sa kama saka napapikit na lang sa sakit na nararamdaman ko sa mga nasaksihan ko ngayon..

./.

LUNA POV
.
.
.
Nakauwi na kaya si Kyle..tanong ko sa isip ko at saka ko pinihit ang doorknob ng pinto nang mabuksan ko iyon pumasok na ako sa loob..

Gulat ako sa nakita ko sa sala may nakahain pagkain sa mesa..napalapit ako sa mesa at dun nakaramdam ako ng kirot sa puso ko..

Naghanda ng dinner si Kyle para saamin naupo ako sa upuan saka nagsimula nang kumain ng niluto nito nang matapos ako na ang nagligpit saka umakyat na sa taas..

Napahinto ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni Kyle..napabuntong hininga ako..saka ko.hinaplos ang pinto ng kwarto nito..

Kyle I'm sorry kung nasasaktan kita ng sobra sa mga ginagawa ko..

---

Follow me!!

MY EX-WIFE REVENGE[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon