Chapter 33

1.7K 38 2
                                    

LUNA POV
.
.
.
Abala ako ngayon sa pagluluto ng dinner namin ni Kyle..mamaya nandito na sya at sabay kami kakain.

Marami na rin ang lumipas na araw at masasabi ko marami na nagbago sa pagkatao ko na ibang iba na sa mga nakasanayan ko..mas naging confident na ako humarap sa ibang tao na noon ay lagi lang ako sa bahay nakakulong at inaantay ang pagdating ni Kurt..pero ngayon iba na nagagawa ko ang gusto ko gawin at pakiramdam ko ang gaan nang pakiramdam ko..

Napatigil ako sa ginagawa ko pagluluto ng marinig ko may nagdoorbell..

Kyle!!bulong nang puso ko kaya napangiti ako..naglakad ako nang mabilis papunta sa pinto para buksan iyon..

Pagbukas ko tumambad sakin ang nakangiting Kyle at kita mo sa mukha nito ang kasiyahan..

Wala parin pinagbago ang mukha nya kay gwapo ng anyo nito at kay amo..

"Hi." Bati nya..

"Ang aga mo ata nagluluto pa ako ng dinner natin." Sabi ko..

"Ah ganon ba sorry napaaga ako..naexcite lang ako kasi matitikman ko ulit ang luto mo." Nahihiya sabi nito na napakamot pa sa ulo..ang gwapo nya talaga kahit nahihiya..

"Okay lang , pasok ka." Binuksan ko nang malaki ang pinto..

Pumasok naman ito sa loob kaya sinarado ko na ang pinto at naglakad na papunta sa kusina para ituloy ang pagluluto ko..

"Matagal na rin simula nang huli ako bumisita dito di parin nagbago ang ayos nito." Rinig ko sabi nya habang naglalakad sya sa kabuuan ng bahay ko..

"Ayoko baguhin ang ayos ng bahay dahil alam ko babalik ka." Sabi ko nang di tumitingin kay Kyle..

Di ko na narinig na nagsalita pa sya kaya tinuloy ko na ang pagluluto ko.

Nang matapos ko magluto ay agad ako naghain nang pagkain sa mesa saka naupo na rin..

"Ang bango namiss ko ang luto mo Luna ngayon matitikman ko na ulit." Sabi nya nang nilanghap ang usok sa luto ko at may ngiti sa mga labi nito..

"Sige na kumain na tayo." Masaya ko rin sabi at nagsimula na ako magsandok ng kanin at niluto kong ulam saka sumubo na..

"Ang sarap talaga ng luto mo." Nakangiti parin na sabi nito kahit may laman ang bibig..

"Kanina mo pa ako pinupuri ah..nakakarami kana." Panunukso ko at natawa ng konti..

"Totoo naman kasi ang sinasabi ko." Dagdag pa nito..

"Kamusta kana pala Kyle." Seryoso ko tanong..

"Okay naman ako minsan late na ako nakakakain ng agahan at dinner dahil sa dami ng trabaho ko sa site." Nakayuko sabi nito..

"Ikaw talaga kaya pala mukhang stress at pagod ka." Pagaalala ko sabi..

"Halata ba." Nakangisi sabi nito at napakamot sa likod ng ulo nya..

"Gusto mo sabay na tayo kakain ng breakfast at dinner para di ka malate ng kain." Napatingin sakin si Kyle na tila gulat sa sinabi ko..

"Talaga Luna sige..nga pala maganda na ang ginagawa mo at ang laki na nang pinagbago mo ngayon natutuwa ako at alam ko magagawa mo nang harapin ang dati mong asawa." May lungkot sa boses nito..

"Salamat Kyle sa lahat ng tulong mo para sakin." Hinawakan ko ang kamay nya..

"Basta para sayo Luna gagawin ko ang lahat." Mas hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko..

"Tara kumain na tayo." Inalis ko ang kamay ko at nagsimula na ulit kumain..

Tahimik na kami kumain..

MY EX-WIFE REVENGE[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon