Chapter 54

1.5K 19 3
                                    

KURT POV
.
.
.
Habang papalapit ako sa beach side kung san nagmumula ang usok sa bonfire dun ko lang naaaninag kung sino ang nakaupo sa sanga na ginawang upuan..

Laurice!!!bulong ng puso ko kaya naukit sa mga labi ko ang ngiti..napansin ko nakasuot lang ito ng manipis na t-shirt at short na  medyo mahaba..saka nakatingin sa dagat..

Napansin ko hinarang nya ang dalawan kamay sa braso na halata nalalamigan ito..kaya habang papalapit hinubad ko ang jacket na suot ko..nang makalapit nilagay ko sa balikat nya ang jacket kaya agad itong lumingon sakin ng gulat..

"Teka ano ginagawa mo dito." Takang tanong nito ng seryoso..

"Naisipan ko magpahangin dito sa labas." Sagot ko kaya nagiwas sya ng tingin.. kaya naupo na ako sa tabi nito..

"Ikaw ang gumawa nitong bonfire." Curious na tanong ko..

"Oo." Maikling sagot nya ng di tumitingin sakin..

"Sorry sa ginawa ko kanina..nadala lang talaga ako sa sobrang pagaalala sayo." Mahabang sabi ko kaya napalingon ito sakin ng seryoso..

"Okay lang alam ko naman di mo sinasadya yun." Sagot nito at nagiwas ng tingin sakin..

"Pwede ba ako magtanong sayo." Saad ko ng seryoso habang nakatingin lang sa kanya

"Ano yun." Sagot nito at di na nagabala lumingon sakin..

"Mahal mo ba talaga si Kyle." Agad ito napalingon sakin na nagulat sa tanong ko kaya agad itong nagiwas din ng tanong..

"Oo naman mahal ko sya." Diretsong sagot nito at kung ano sa loob ko ang nakaramdam ng sakit..

"I see." Maikling sagot ko..kaya humarap ako kay Laurice..

"Ako naman ang magtatanong sayo pwede." Agad ito lumingon sakin na nakatitig lang sa kanya..

"Ano yun." Seryosong sagot ko..

"Mahal mo ba talaga si Ria." Diretsong tanong nito sakin..

Agad ako nagiwas ng tingin sakanya. "Mahal ko sya kaya nga pinakasalan ko sya dahil sya ang taong lagi nandyan para sakin nung panahon wala ako makapitan dahil sa nangyari sakin." Mahabang sagot ko na di ko naiwasan makaramdam ng lungkot dahil kay Luna.. "Nawala sakin ang babaeng pinakamamahal ko at yun ang pinaka masamang ginawa ko sa buong buhay ko hinayaan ko syang mamatay ng dahil sakin..nang dahil sa ginawa ko kasalanan sa kanya.. sana nandito pa sya at kasama ko." Dagdag ko at di ko namalayan na tumutulo na ang luha ko sa mata..nakita ko ang pagiwas nito sakin ng tingin..

"Ano ba ginawa mo para mawala sayo ang babaeng mahal mo." Dinig ko tanong nya..

"Nagawa ko sya lokohin at yun ang pinagsisihan ko..sobrang minahal ko si Luna ng higit sa buhay ko pero wala na sya." Malungkot na sabi ko..

Lumingon ako kay Laurice.. "At di ko maintindihan kung bakit di ko maiwasan makita sayo si Luna dahil sa pareho kayo ng pagngiti at nakikilala ka ng puso ko..alam ko mali ito Laurice pero gusto kita." Buong puso pagamin ko kay Laurice kaya agad ito napalingon sakin at kita ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa sinabi ko..

"Kurt baka nagkakamali ka lang ng sinasabi mo na gusto mo ko..naalala mo lang sakin ang babaeng minahal mo noon pero hindi totoo ang nararamdaman mo sakin." Tarantang sagot nito.. "Mabuti pa mauna na ako sayo." Dagdag nito saka tumayo na at akmang aalis..

Mabilis ako tumayo at pinigilan ang kamay nya.. "Laurice sandali." Pigil na sabi ko..

Napaharap ito sakin ng nakakunot ang noo.. "kurt please let me go." Maawtoridad na sabi nito..

"No..may sasabihin pa ako di lang kita gusto..mahal kita di ko alam kung paano at kailan nagsimula pero sigurado na ako sa nararamdaman ko mahal kita." Mahabang sabi ko at agad ko hinila si Laurice at pagsalubungin ang mga labi namin na dalawa..

Mapangahas ang ginawa kong paghalik kay Laurice at ramdam ko ang pagpupumiglas nito kaya mas lalo ko diinan hanggang kusa na itong tumugon sa mga halik ko at nawala na ang pagtutol mula dito..
.
.
.
KYLE POV
.
.
.
Nang makauwi ako ng bahay agad ko inayos ang ilang gamit ko dadalhin sa isla kung san ang construction..nang makumpleto ko na ang mga gamit ko agad na ako bumaba at lumabas ng bahay saka nagpunta kung san nakaparada ang kotse ko..saka pinaandar ang kotse ko at umalis sa lugar na iyon..

Halos dalawang oras ang ginawa kong byahe papunta sa pier..

Hapon na pala agad ko pinark ang kotse ko sa parking lot at bumaba na sa kotse ko..

Antayin mo lang ako Luna..di ko hahayaan maagaw ka sakin ni Kurt ipaglalaban ko ang pagibig ko sayo kahit sa huli di ako ang piliin mo at least wala ako pagsisihan dahil pinakawalan kita na sinubukan ko ipaglaban ka..

Nang macheck na nakasara ang kotse ko binitbit ko na ang gamit ko papunta sa sakayan ng bangka..nang makasakay pinaandar na ito ng bangkero at nagsimula umalis kami sa lugar na iyon papunta sa isla malaya..

Naabutan na kami ng pagdilim sa paligid hanggang sa matanaw ko na ang isla napalinga linga ako sa paligid ng buong isla..hanggang sa makarating na kami sa pangpang..naunang bumaba ang bangkero para maitali ang bangka nang masiguro nakatalo na bumaba na ako..

"Salamat ho." Nasabi ko sa bangkero ng nakangiti at nagumpisa na ako maglakad sa kubo di kalayuan sakin..

Naglakad na ang mga paa ko papunta sa lugar na yun..habang palapit ako ng palapit nakakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko at unti unti bumabagal ang paghakbang ko..

Kusa ako natigilan nang makita ko magkalapat ang mga labi ni Luna at Kurt kaya may kung ano mainit na dumaloy sa buo kong katawan at agad lumapit sa kanilang dalawa..

Agad silang naghiwalay at gulat na napatingin sakin..

"Kyle." Rinig ko tawag ni Luna sa pangalan ko pero di ko sya nilingon at tinuon ko ang paningin ko kay Kurt na nakatitig lang sakin..

Hinawakan ko ang kwelyo ng kanyang damit at pinaglapit ko ang mukha namin dalawa..

"Ano karapatan mo halikan ang fiance ko." Galit na sabi ko at lalo ko pinaningkit ang mga mata ko nakatitig sa kanya..

"Di ko pagsisisihan na halikan sya dahil gusto ko si Laurice." Matiim na sagot nya sakin..

Kaya naman sa galit binitawan ko sya sa kwelyo at isang suntok ang ginawad ko sa mukha nya dahilan para matumba sya sa buhangin..napahawak ito sa gilid ng labi nya na duguan..

"Wala kang karapatan sabihin na mahal mo sya dahil di ka deserve na mahalin ng isang tao wala kang kwenta." Mataas na boses na sabi ko..

"Kyle tama na." Rinig ko pigil ni Luna kaya napaharap ako sa kanya at kita ko ang takot sa mata nya..

Hinawakan ko ang kamay nya at hinila paalis sa lugar na iyon..nang makalayo na kami..napahinto ako sa paglalakad at binitawan ko si Luna..
.
.
.
LUNA POV
.
.
.
Di ko inaasahan maririnig ko ulit yung mga salitang yun kay Kurt na mahal nya ako..bago pa ako makasagot hinila nya ako para siilin ng halik sa labi..

Pinilit ko pumiglas sa gimagawa nya paghalik pero malakas si kurt kaya natupok na ang pagpupumiglas ko at kusa nang tumugon sa  halik nito.

Kusa kami naghiwalay at magulat kung sino nasa tabi namin..

"Kyle." Tawag ko sa pangalan nya pero di ito nagabalang lumingon sakin.bagkus humarap ito kay kurt na bakas ang galit sa mukha nito..

Hinawakan nya sa kwelyo si Kurt at kita ang paninigkit ng mata nito..

"Ano karapatan mo halikan ang fiance ko." Galit na sabi nito kay Kurt..

"Di ko pagsisisihan na halikan sya dahil gusto ko si Laurice." Matiim na sagot ni Kurt..

Kaya naman sa galit ni kyle binitawan nya ang kwelyo ni kurt at isang suntok ang ginawad nya sa mukha nito dahilan para matumba ito sa buhangin..napahawak na lang si kurt sa gilid ng labi nya na duguan..

-----

The truth does really hurt!!!!

MY EX-WIFE REVENGE[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon