Chapter 24

1.9K 40 3
                                    

LUNA POV
.
.
.
Parang pamilyar sakin ang pangalan nya san ko ba yun narinig o nabasa..

Pareho kami natigilan nang bumukas ang pinto at pumasok dun ang isang lalaki na at mukhang nagmadali sa pagpunta dito..

Nakasuot ito ng business suit agad itong lumapit samin

"There he is." Biglang sabi ng doctor kaya napatingin ako sa kanya..

"Kyle." Tawag nito sa lalaki na ngayon ay nakalapit na sa amin kaya napatingin ako sa kanya..

"By the way I'll go ahead." Dagdag pa nito at naglakad na palabas ng kwarto..

"Ah natutuwa ako at gising ka na." Salita nito at ngayon ay titig na titig sakin.. "Since gising kana gusto mo tawagan ko na ang pamilya mo para malaman nila nandito ka." Dagdag nito..

"Pwede wag muna ayoko makita nila ako ng ganto." Nakayuko kong sabi

"Okay kung yan ang gusto mo..tutal naipaliwanag narin naman sayo ni Doctor Joseph ang tungkol sa kalagayan mo , Mauna na ako." Malumanay ang kanyang pagkakasabi..

"Tama ka naipaliwanag nya na sakin ang totoo , salamat ulit Kyle." Tumingin ako sa kanya at ngumiti kahit di gaano halata ang ngiti ko sa likod ng benda..

Tumalikod na ito at naglakad papunta sa pinto saka lumabas na..

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at may kung ano sa puso ko ang nakaramdam ng saya na di ko maipaliwanag kung bakit ko iyon nararamdaman..

Kailangan ko makita si Mom and dad they need to know the truth kung ano nangyari sakin..

./.

KYLE POV
.
.
.
Naglalakad na ako papunta sa parking lot kung san nakaparada ang kotse ko..

Kanina lang kausap ko sya at kahit may benda ang kanyang mukha kita ko sa mukha nya lungkot at pagaalala sa kalagayan nya..

Dapat di ko sya iniwan hinayaan ko muna na nasa tabi lang nya ako..

Ano ba nangyayari sakin bakit ba masyado ako nagaalala para sa kanya..

Ni isang sagot sa utak ko wala ako nakuha pero ang puso ko wala maramdaman kundi pagaalala sa babaeng ngayon ko lang nakita..

./.

FAST FORWARD
.
.
.
LUNA POV
.
.
.
Dalawang araw na ang lumipas simula nang maaksidente ako..baka nagaalala na sakin si mom and dad kailangan na nila malaman ang totoo..kailangan nilang malaman ano nangyari sakin..

Bumangon ako sa kama ko at unti unti ko binaba ang paa ko para matapakan ko ang sa sahig nang matapakan ko tinanggal ko ang nakalagay sa ilong ko at pati ang dextrose sa kamay ko agad ko yun tinanggal..

Shit ang sakit napahawak ako sa kamay ko kung san nakalagay ang dextrose pero hinayaan ko na yun at naglakad na papunta sa pinto nang mabuksan ko iyon luminga linga ako sa paligid..

Saka dahan dahan ako naglakad sa hallway na sakto naman wala gaano dumadaan na mga doctor at nurse nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang makapunta ako sa maindoor ng hospital at may nakabantay na mga guard at marami tao ang naglalabas pasok..

Pano to ang dami tao at may bantay na guard sa pinto..paano ako makakalabas..

Napansin ko may papasok na grupo ng doctor sa pinto kaya nagready ako

1 2 3 at naglakad ako pasabay sa papasok na bulto ng tao at sa wakas nagtagumpay ako makalabas ng hospital..

Nakaramdam ako ng kirot sa mukha ko at kamay..

Kailangan ko makita si mom and dad..nang makakita ng taxi agad ko yun pinara nang huminto sumakay ako agad bago pa ako mapansin ng guard at umalis na kami sa lugar na iyon..

./.

FAST FORWARD
.
.
.
Nang makarating sa bahay nila mom agad ako bumaba sa taxi saka ito umalis..

Gulat ako sa nakikita ko..bakit ang dami tao ano meron agad ako naglakad papunta sa maindoor ng bahay namin at ganon na lang ang gulat ko ng makita nasa harap ng isang altar na ginawa nila ang picture ko at may mga bulaklak ng nilalagay sa patay..

Patay!!!Ako patay na di na ako makapagsalita dahil wala na lumalabas sa bibig ko kundi pagkabigla sa mga nangyayari..

Natigilan ako nang marinig ko ang pagiyak ni mom

"Luna bakit mo kami iniwan ng dad mo." Sabi nito na naghihinagpis ang bawat salita

Tuluyan tumulo ang luha ko dahil sa nakikita ko paghihinagpis ng mom ko..

Mom hindi pa ako patay nandito pa ako bulong ko sa isip ko..patuloy ang pagagos ng luha ko..

Kailangan nila malaman ang totoo na hindi pa ako patay..

Pinunasan ko ang luha ko..at akmang papasok sa loob ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon..

Kurt!!bulong ng puso ko kaya lumingon ako para makita sya kaya nakita ko ang pagbaba nya sa kotse..

Nakaramdam ako ng pananabik at di ko namalayan naglalakad na ang mga paa ko palapit sa kanya at kusa din ako natigilan ng makita ko kung sino ang bumaba sa katabi ng driver seat..

Ria!!!bakit sila magkasama..ibig sabihin tinuloy parin nila ang relasyon nilang dalawa..

kita ko ang paglapit pa ni Ria kay kurt at marinig ang paguusap nila..

"Ria bakit ka bumaba sa kotse." Sabi ni Kurt na nataranta

"Why kurt gusto ko makita ang mom and dad ni Luna para magpaliwanag sa kanila na hindi mo kasalanan ang nangyari kay Luna at di natin ginusto na masaktan sya." Paliwanag ni Ria

"Ria please wag mo na dagdagan ang paghihinagpis nila kung makikita ka pa nila." Sagot ni Kurt na seryoso..

MY EX-WIFE REVENGE[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon