LUNA POV
.
.
.
Nagaalinlangan na lumapit ako kay mom saka tinanggap ang kamay nito na nakalahad sakin.."she's Luna." Pakilala nito sakin kaya naman lalo ko nakita ang pagaalinlangan ni dad sakin na tumingin..
"Ikaw ba talaga si Luna." Di makapaniwala na sabi nito..
"Opo dad ako nga si Luna yung batang inampon nyo sa bahay ampunan." Naiiyak kong sabi dito..
"Oh god ikaw nga ang anak ko." Naiiyak na sabi nito saka ako mabilis na niyakap.. "mabutit buhay ka sweetheart." Di parin makapaniwala na sabi nito..
Lumayo ako sa pagkakayakap ko kay dad at mataman tinignan sya sa mga mata..
"Tama kayo masaya ako nakita ko na ulit kayo mom,dad pangako di na ako mawawala pa." Buong galak na sabi ko at niyakap ko silang dalawa dahil di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa sobrang galak na ngayon makakasama ko na sila ulit ng matagal at mayayakap..
Naghiwalay kami sa pagkakayakap namin tatlo..
"Kumain na muna tayo nagluto ang dad mo." Biglang sabi ni mom kaya naman nagpunta kami sa dinning area saka naupo na..
Natahimik na kami kumain at madalas ay napapangiti dahil sa saya nararamdaman namin ngayon..sa tagal na panahon na hindi ko nakasama sina mom and dad ngayon parang nabura nang lahat ng yun dahil babawiin na namin ngayong magkakasama na kami ulit..
Hanggang matapos na kami kumain ngayon nasa sala na kami nakaupo habang si mom nakahawak lang sa kamay ko na para bang ayaw nya bitawan iyon..
"Anak ano ba nangyari sayo bakit iba na ang mukha mo." Takang tanong ni mom sakin..
"Nung araw na maaksidente ako nagaway kami ni Kurt nun dahil nalaman ko na niloloko nya ako na nagkaroon sya ng affair sa boss nya balak ko umuwi dito pero di ko inaasahan na maaaksidente ako..nagkaroon ng fracture ang mukha ko dahil sa nasunog ang kalahati kinailangan ko sumailalim sa plastic surgery para maayos ulit ang mukha ko pero dahil sa laki ng pinsala minabuti ng doctor na palitan dahil di na kaya maibalik ang dati ko mukha yun ang dahilan mom kaya iba na ang mukha ko." Mahabamg salaysay ko..
"Patawarin mo ako anak dahil wala ako sa tabi mo nung mga panahon na kailangan mo ako at nagdudusa ka sa sakit na nararamdaman mo." Naiiyak na sabi ni mom at kita ko ang pagagos ng luha nito sa mga mata nya..
"Mom wala ka kasalanan di mo naman alam ang nangyari sakin kaya wag mo sisihin ang sarili mo nakaya ko ang lahat." Pagaalo na sabi ko kay mom at pinahid ang luha nya sa pisngi..
"Bakit di mo pinaalam samin ng dad mo na buhay kapa." Tanong ulit nito..
"Binalak ko ipaalam sainyo mom na buhay pa ako nung araw na yun na nagpunta ako dito nakita ko na alam nyong patay na ako at nakita ko nun na nagpunta si Kurt dito kasama ang babaeng naging dahilan ng pagkasira ng pagsasama namin kaya minabuti ko palabasin na lang na patay na talaga ako at nagpunta sa america para magpaopera hanggang sa nalaman ko kinasal si Kurt sa babaeng yun." Mahabang sagot ko nakaramdam ako ng galit sa mga alaalang yun..
"Napakawalang hiya talaga ng Kurt na iyon akala ko magiging masaya ka sa kanya yun pala puro sakit at paghihirap lang ang ibinigay nya sayo sana di na ako pumayag na makasal kayong dalawa." Nanggagalaiti sa galit na sabi ni dad.
"Dad okay na ako..dahil yun sa tulong ng isang tao sya ang nagligtas sakin ng gabing yun at nagbigay sakin ng pagasang mabuhay ulit at makasama kayo." Napangiting sabi ko..
"Sino sya anak ng makapagpasalamat ako." Nagagalak na sabi nito..
"Si Kyle Mendoza po yung owner ng Min Ho Hotel." Masayang sabi ko..
BINABASA MO ANG
MY EX-WIFE REVENGE[COMPLETED]
RomanceMaganda , mahinhin at sobrang bait yun ang mga katangian ni LUNA hanggang sa magpakasal sila ni KURT na isang simple at manager ng kilalang company .. the man of her dreams na akala nya magiging tapat at tutuparin ang pangako nito sa kanya sa harap...