Chapter 44

1.6K 26 2
                                    

RIA POV
.
.
.
Ngayon ang araw ng Birthday party ni Mr.Shin panigurado ako na dadalo ang Laurice Smith na yun sa party..

Akala nya papayagan ko sya sa gusto nya..sinuot ko ang black gown ko na may slit sa hita kaya kita ang maputi kong binti saka ako naglagay ng makapal na make up para mapansin ang kagandahan ko saka ko nilugay ang buhok kong mahaba at nagsuot ng 3 inch na heels na kulay black..

Bumaba na ako sa hagdan at nandun nagaantay si Kurt na nakasuot ng black pants at kulay blue na coat at bagay na bagay ito sa kanya nang makababa na ako nakita ko ang pagkakatitig nya saakin..

"Nagustuhan mo ba." Nakangiti kong sabi

"Oo ang ganda mo ngayon Hon." Nangingislap ang mga mata na sabi nito.. "Lets go." Dagdag pa nya at inalalayan na ako sa paglabas ng bahay saka pagsakay ng kotse saka kami umalis sa lugar na iyon..

Huminto kami sa Shin Hotel na pagmamayari ni Mr.Shin bumaba una si Kurt at pinagbuksan ako ng pinto saka inalalayan bumaba ng kotse..napansin ko napatingin samin si Laurice na nakatayo din kasama si Kyle..

Napakapit ako sa braso ni Kurt at inakay ito palapit sa gawi nila kita ko pagtitig nya sakin..

"Nandito rin pala kayo Kyle Mendoza at Laurice Smith." Pekeng ngiti ang sumilay sa mga labi ko na ngayon ay nakalapit na ako sa gawi nila..

"Inimbitahan kami ni Mr.Shin kaya nandito kami." Pekeng ngiti din ang pinakita nito sakin..

Nakita ko ang pagtingin nya kay Kurt ng nakakaakit..

"Sige see you around at the party let's go Hon." Nakataas na kilay na sabi ko at hinila ko na si Kurt para maglakad papasok sa loob..

Pagpasok sa loob nakita ko marami ng bisita sa loob at abala sa pakikipagusap sa kapwa negosyante habang ang ilan ay abala na sa paginom at ang ilan ay abala sa pagkain ng mga nakahain sa mahabang lamesa..

Nakita ko ang isang pamilyar na may edad nang lalaki ang naglalakad papunta sa gawi namin 

"Hi Mr.Shin Happybirthday."Masiglang sabi ko kaya napukaw ang atensyon nito sakin kaya lumapit ito sa gawi namin..

"Salamat naman at nakarating kayo Mr.and Mrs. Scott you look so beautiful." Nakangiti sabi ni Mr.Shin sakin..

"Salamat Mr.Shin." Mahinhin na sabi ko..

Maya maya ay napalingon ito kung saan saka naglakad ito papunta sa nakita nito kaya napalingon kami sa lalapitan ng naturang lalaki at inis ako makita na si Laurice at Kyle na ngayon ay nakatingin samin..

"Kyle Mendoza mabuti at nakarating ka dito at sino naman itong magandang kasama mo." Rinig ko may pagkamangha nakatingin kay Laurice..

Kainis ang babaeng to..bakit ba lagi syang nakikipag kumpetensya saakin..Inis ako umiwas ng tingin sa gawi nila Kyle at Laurice..

"Hon may problema ba." Rinig kong tanong ni Kurt saakin..

"I'm okay pupunta lang ako sa restroom." Sabi ko at bumitaw sa pagkakakapit sa braso ni Kurt saka naglakad na ako papunta sa hallway hanggang sa makarating ako sa restroom..pumasok ako sa loob at dumiretso sa cubicle..

Maya maya ay lumabas na ako ng cubicle saka lumapit sa lababo para maghugas ng kamay..

"Bagay sayo ang suot mong gown." Rinig kong sabi ng pamilyar na boses na iyon at napasulyap ako sa katabing gripo ay may mga kamay na naghuhugas din kaya napatingin ako sa salamin nakita ko si Laurice ang kasama ko sa restroom..

"Bagay din sayo ang gown mo." Nakangiti kong sabi na abala parin sa paghuhugas ng kamay at di ako nagabala na tumingin sa kanya..

"Maswerte ka siguro at naging asawa mo si Kurt kase mukha kang masaya." May diin na sabi nito..

Pinatay ko ang gripo saka humarap kay Laurice na abala parin sa paghuhugas ng kamay.."Tama ka masaya ako dahil ako na ang asawa ni Kurt ngayon." Seryoso na sabi ko sa Laurice na ito..

Pinatay nya ang gripo at humarap sakin ng peke ang ngiti sumilay sa labi nito.. "I see babalik na ako sa party." Nakangiting sabi nito at naglakad na palampas sakin..

"Sandali." Biglang pigil ko..rinig ko ang pagtigil nya sa paghakbang..

"Yes." Maikling sagot nito sakin kaya napaharap ako sakanya..

"I just want to remind na hindi ako papayag na maagaw sakin si Kurt ng kahit sino." Madiin na pagkakasabi ko sa bawat salita sinabi ko..

Kaya naglakad na ako palabas ng restroom at iniwan ko si Laurice..gagawin ko ang lahat para di mawala sakin si Kurt kahit pa sino ang sumubok na umaagaw sakin..

./.

LUNA POV
.
.
.
Nung marinig ko ang mga kataga na yun kay Ria..bigla nanikip ang dibdib at sumakit ang ulo kk sa di ko maipaliwang na dahilan.

Hanggang nakakaramdam ako ng panlalabo ng mata ko napahawak ako sa ulo ko dahil parang babagsak ako..naghihina ang mga tuhod ko.

At parang may kudlit na alaala ang bumabalik sa utak ko nung gabing naaksidente ako.

Dahan dahan ako naglakad napapahawak ako sa pader para dun kumuha ng lakas dahil pakiramdam ko babagsak ako..nang makarating ako sa pinto buong lakas ko iyon binuksan para makalabas ako nang tuluyan pero kusa ako napasandal sa pader dahil wala na lakas ang mga paa ko para maglakad pa hanggang tuluyan na ako napaupo sa sahig

"Tulong..Tulong." wala nang boses na sabi ko.

Hanggang may narinig ako yabag na papalapit sakin di na ako nagabala tumingin dahil ang sakit na ng ulo ko..hanggang sa makalapit na ito sakin..

"Laurice ano nangyari sayo." Pagaalalang sabi nito at inaalalayan ang ulo ko na wag bumagsak sa semento..Pamilyar ang boses nito sakin pero di ko na maaninag ang mukha nya..hanggang tuluyan nang nagdilim ang paningin ko at nawala sa karimlan..

./.

KURT POV
.
.
.
Nakita ko si Laurice at Kyle na magkasama sa entrance nitong Hotel na pagmamayari ni Mr.Shin 

Napasulyap ako sa kinatatayuan nya at ang ganda talaga ng maamo nitong mukha at bumagay dito ang suot nyang kulay black na gown na.fitted sa kurba ng katawan nito at backless sa likod na kay puti nito..kahit gaano kakapal ng makeup nito kita parin ang kasimplehan nito..

At may kung ano sa loob ko ang nakaramdam ng inis dahil si Kyle ang nasa tabi nito..bakit ko ba nararamdaman ang ganito sa babaeng yun na ngayon ko lang nakilala..bakit ba kapag tinititigan ko ang mukha nya para bang nakikita ko sa kanya si Luna..kahit ang puso nakikilala sya bilang si Luna..

Kabaliwan itong naiisip ko dahil wala na si Luna at sya ay si Laurice saka fiance sya ni Kyle kaya wala ako karapatan na maramdaman ito para sa kanya at kasal na ako kay Ria kaya sya lang dapat ang mahal ko..

Hanggang makapasok kami sa loob ng Hotel..marami na ang tao sa loob may kanya kanya nang pinagkakaabalahan..

Di parin ako sanay na makihalubilo sa mga mayayaman at matataas na business man dito sa bansa..gusto ko parin ang simple buhay ko noon na kasama ko si Luna..

Masaya ako nakikita si Luna paguwi ko at niluluto nya ang paborito kong pagkain at sabay kami kakain na magkasama..hanggang pagmulat ng mga mata ko sa umaga ang maamo at mahinhin nyang mukha ang nakikita ko..pero ngayon wala na at hindi na ulit mangyayari dahil wala na sya..

"Hon pupunta lang ako sa restroom." Bigla bumalik sa realidad ang isip ko sa saglit na pagbabaliktanaw sa nakaraan..

Di ako sumagot dahil bumitaw na si Ria sa pagkakakapit sa braso ko at naglakad na ito paalis..

Nagpasya na lang ako na pumunta sa maliit na bar na nakatayo sa gilid naupo ako dun..

"Isang brandy nga." Sabi ko sa bartender na naroon..

Maya maya ay nilagay na nang bartender ang bote ng brandy baso at isang mangkok ng yelo sa harap ko..

Nagsalin ako ng alak sa baso ko saka ko nilagyan ng yelo at diretso tinungga iyon..napangiwi ako sa pait ng ininom ko dahil di pa ito malamig..

------

Just vote and Comment,also follow me

MY EX-WIFE REVENGE[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon