Chapter 52

1.6K 25 2
                                    

LUNA POV
.
.
.
Napahinto ako sa paglalakad papunta sa dagat saka ako naupo sa upuan naroon..nakita ko ang unti unting paglapit ni Kurt sakin..

Humanda ka ngayon Kurt..nahulog kana sa bitag ko..sisiguraduhin ko mahuhulog ka sakin..

"Akala ko magpapahinga ka muna." Tanong nito nang makalapit na ito sakin..

"Di ako makatulog kaya naisipan kong maligo sa dagat." Pagkasabi ko lumingon ako sakanya saka ngumiti ng kay tamis..nakita ko ang pagseryoso ni Kurt..

Nagsisimula pa lang ako Kurt..pero mukhang nahulog kana sakin..bakit ganito bumibilis ang tibok ng puso ko..wag ka padala sa mga titig nya Luna..

"Kurt pwede mo ba ako tulungan maglagay ng sunblock sa likod nalagyan ko na kasi ung kamay at hita ko sa likod na lang ang hindi." Mahinhin na sabi ko at iniabot ko sakanya ang sunblock na hawak ko..

Kinuha nya iyon at naglakad para umupo sa likuran ko unti unti kong binaba ang suot kong see-through kaya tumambad sakanya ang mapuputi kong likod..nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglunok nya..nasiyahan kaba sa nakikita mo ngayon Kurt..at naramdaman ko ang paghaplos nya sa likod ko ramdam ko ang lotion na gamit dahil malamig ito..

Napatigil ito sa ginagawa nyang paghaplos sa likod ko..

"Tapos na ba." Saad ko saka ako humarap sa kanya na kita ko ang pagkagulat sa mukha nya kaya napakunot ang noo ko.. "Okay ka lang Kurt." Takang tanong ko

"Ah oo tapos na." Sagot nito at napangiti na ito sakin..

"Salamat Kurt." Maikling sagot ko at tumayo na at naglalakad na ko sa dagat hinayaan ko malaglag sa kamay ko ang suot ko na see-through..ramdam ko ang nakatitig na kurt sa ginagawa ko hanggang sa nalaglag na nga ito sa buhangin..kaya kita na ang buo kong katawan dahil ramdam ko na sa mga balat ko ang lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko..kaya napaharap ako kay Kurt Kita ko ang pagtitig nya sa buo kong katawan..Sige Kurt pagpantasyahan mo ako para pagsisihan mo na ipinagpalit mo ang katawang ito sa iba..ngumiti ako sa kanya ng mapangakit..

Muli akong tumalikod at tuluyan nang nakarating sa dagat..Ramdam ko ang lamig nito sa mga paa ko kaya huminga ako ng malalim at maya maya pa ay sumisid na ako at namangha ako sa ganda ng nasa ilalim ng dagat may maliit ako isda nakikita,may mga corals at kung ano anu pa halamang dagat..

Sumisid pa ako pailalim para mas makita pa ang mga naroon hanggang nakaramdam ako ng sakit sa paa ko..

Shit!!!pinupulikat ako..agad ko inangat ang ulo ko saka lumangoy pataas pero talagang nanghihina na ako.

Kurt!!!bulong ng isip ko..ano gagawin ko kapag hindi ako nakaangat malulunod ako..napalinga linga ako sa paligid at nakaramdam ako ng ginhawa ng may kita ako bato di kalayuan sakin..buong lakas ako lumangoy papunta sa batuhan na yun..nang makalapit agad ako umahon sa tubig at umakyat sa batuhan napahawak ako sa paa ko dahil kumikirot pa ito..

Ilang minuto pa ang lumipas..narinig ko ang pagsigaw ni Kurt sa pangalan ko kaya buong lakas ako gumapang para mahalata ako nito sa batuhan at nagtagumpay nga ako sa ginawa ko at nakita ko ang paglangoy nito papalapit sa kinaroroonan ko..

Nang makarating agad ito lumapit sakin paakyat sa batuhan agad itong humarap sakin ng sobra ang pagaalala sa mukha nito..

"Anong nangyari sayo bakit nandito ka alam mo ba kung gaano ako nagalala sayo nung di kita nakikita umaahon." Tila wala sa sariling sabi nito at hinawakan nya ang magkabila kong balikat..Ramdam ko sa hawak nya ang higpit nito..

Kurt!!!bulong ng isip ko dahil sa nakikita kong totoong pagaalala nya.

"Pinulikat ako kaya naisipan ko huminto muna dito baka mag----" Pinutol nito ang sasabihin ko at sa pagkagulat ko bigla nya ako hinalikan sa labi..nakaramdam ako ng pagtutol kaya hinarang ko ang kamay ko sa dibdib nya para itulak..

Luna kailangan mo makawala sa halik nya..pinilit ko maitulak si Kurt pero masyado syang malakas..kay lambot parin ng labi nito walang pinagbago ang mga halik nya may kakaibang kiliti at nagpapabuhay sa kalamnan ko kaya ang pagpupumiglas na ginawa ko tuluyan nang natupok kay hirap pigilan ang hatid nitong kakaibang pakiramdam kaya kusa na akong tumugon sa halik nitong marahas marubdob at mapanghanap..

Paano si Kyle!!!dahil sa isiping iyon bumalik sa katinuan ang isip ko at buong lakas ko tinulak si Kurt palayo sakin at kita ko sa mukha nito ang pagkagulat sa ginawa ko..saka isang malakas na sampal ang ginawad ko sa mukka nya..

"How dare you to kiss me." Galit na sabi ko sa kanya..

"I'm sorry nadala ako sa emosyon ko." Gulat parin na sagot nito..

"Wag mo na subukan gawin yun ulit Kurt." Galit parin na sabi ko kaya naramdaman ko na nawala na ang sakit ng paa ko kaya bumaba ako sa tubig at lumangoy na ako pabalik sa pangpang at iniwan ko na si Kurt na gulat sa ginawa ko..

Nakaramdam ako ng panghihinayang..pero kailangan kong gawin yun nang hindi ako matangay.Nang makarating ako sa pangpang umahon na ako sa tubig at naglakad saka pinulot ko ung see-through na nahulog sa buhangin at nagmamadaling pumunta sa kwarto..
.
.
.
KURT POV
.
.
.
Kay lambot ng mga labi nito sa labi ko..bakit pamilyar ang mga labi nya sakin minsan ko na itong nalasahan.

Luna!!!bulong nang puso ko..naramdaman ko na pinilit akong tinutulak ng mga kamay nito sa dibdib kaya mas lalo ko diniinan ang paghalik sa kanya kaya unti unti naramdaman ko ang pagtigil nya sa pagpupumiglas at tumugon na sa halik na ginagawa ko..Kung may ano sa puso ko ang nakakaramdam ng sobrang saya ngayon magkalapat ang mga labi namin na dalawa..

Parang ayoko nang matapos ang mga oras nato..pero may hangganan pala dahil buong pwersa ako tinulak nito palayo sa kanya..

Bakas sa mukha nito ang galit dahil sa ginawa ko..at isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya..

"How dare you to kiss me." Galit na sabi nito sakin..

"I'm sorry nadala ako sa emosyon ko." Gulat parin na sagot ko..

"Wag mo na subukan gawin yun ulit Kurt." Galit parin na sabi nito at bumaba na sa dagat..napatingin na lang ako sa kanya sa paglangoy papunta sa pangpang..nang makarating agad nyang pinulot ang nalaglag na saplot at naglakad papunta sa kwarto nito..

Nababaliw kana talaga Kurt bakit mo yun ginawa..pero bakit si Luna ang naaalala ko sa kanya..bakit Laurice..
.
.
.
.
KYLE POV
.
.
.
Nandito ako ngayon sa conference room dahil may meeting akong pinatawag sa board members ko..

"Congratulation sir tumaas pa ang sales ng hotel sa loob ng tatlong buwan." Masiglang balita ng isang may edad ng lalaki..

Di ako makafocus dahil may ang tingin ko sa cellphone ko baka sakaling tumawag si Luna..

"Regarding dun sa construction ng Min Ho Hotel sa america konti na.lang pwede na itong magoperate." Seryoso sabi naman ng isang medyo bata pa..

"Bakit di tayo magpatayo ng bagong branch sa asian country ano sa tingin mo president." Suhestiyon ng isang lalaki na nasa mid 30 ang edad..

"Sir Kyle." Tinig ni Tyrone ang nadinig ko..kaya nabalik sa realidad ang utak ko..

"Ha ano yun." Tila wala sa sariling sabi ko..at lahat ng tao sa loob ng conference room ay nakatingin sakin ng nagtataka..

"Ang sabi ko president na maganda siguro kung magpatayo tayo ng branch ng Min Ho sa china." Ulit na sabi ng naturang lalaki..

"Good idea pero kailangan muna nating magkaroon ng survey about sa pagpapatayo ng branch sa china para maiwasan natin ang pagkalugi or other problems kapag naipatayo sya." Mahabang salaysay ko.. "that's all for today this meeting is adjourned." Maawtoridad na sabi ko..

-----

MY EX-WIFE REVENGE[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon