Chapter 55

1.7K 35 1
                                    

LUNA POV
.
.
.
Ngayon ko lang nakita si Kyle na ganito kagalit na para bang gusto nyang pumatay dahil sa nanlilisik nitong mata..

"Wala kang karapatan sabihin na mahal mo sya dahil di ka deserve na mahalin ng isang tao wala kang kwenta." Mataas na boses na sabi ni kyle kay Kurt..

"Kyle tama na." Pigil na sabi ko kay kyle kaya naman napaharap ito sakin na nakatitig lang ito ng seryoso..

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila paalis sa lugar na iyon..nang makalayo na kami..napahinto ito sa paglalakad at binitawan ang kamay habang nakatalikod parin ito sakin..

"Kyle ano ginagawa mo dito." Tanong ko kay kyle na nakatalikod parin sakin..

"Nandito dahil may sasabihin ako sayo." Matamlay na sabi nito at dun humarap sya sakin ng matiim na nakatitig..

"Ano yung sasabihin mo." Curious na tanong ko..

"Nandito ako para sabihin na gusto kita Luna..alam ko hindi tayo pwede dahil nakatali kana sa iba pero di ko napigilan ang sarili ko na mahalin ka Luna..dahil gusto ko ipaglaban itong nararamdaman ko para sayo kesa maghintay ako na wala man lang ako ginagawa para ipaglaban ka kahit na alam kong si Kurt parin ang mahal mo dahil sya ang una mong minahal at sa bandang huli sya.parin ang piliin mo at least na patunayan ko na mahal kita." Mahabang sabi nito at kita.ang kalungkutan sa mga mata nya at lalo ako nanlumo nang may nakita akong luha na umaagos sa mga mata nya..

Nakaramdam ako ng sobrang kirot sa puso ko dahil sa nakikita kong luha sa kanya.. "Kyle ang totoo nyan.." putol nya sa sasbihin ko..

"Naiintindihan ko kung di mo kaya suklian ang pagmamahal ko sayo dahil di mo naman ako pinilit na mahalin ka dahil kusa itong naramdaman ng puso ko kaya okay lang sakin Luna..kung talagang si Kurt ang mahal mo gawin mo ang lahat para bumalik sya sayo dahil kayo naman talaga ang para sa isat isa..kung kinakailangan saktan mo ko gawin mo wag ka magdadalawang isip gawin yun Luna dahil kaya kong tanggapin ang sakit makita lang kitang.masaya sa taong mahal mo." Paos na sabi nito at unti unti itong naglakad sa pwesto ko nag makalapit hinalikan nya ang noo ko.kaya ramdam ko ang luhang pumapatak sa mga mata nya kaya lalo yun nagpadoble sa sakit na nararamdaman ko.. "I Love You." Rinig ko sabi nya at tumalikod na ito sakin at naglakad palayo..hanggang sa di ko na ito nakita pa..

Bakit ganito ang sakit sakit na malaman nasaktan ko ng sobra si Kyle at di ko na napigilan may tumulong luha sa mga mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko..

Nakaupo ako ngayon sa kama ko di na ako nakatulog dahil sa mga nangyari kagabi..ano ang gagawin ko kung sakali lumayo na sakin si Kyle kaya ko ba yun..natigilan ako sa sobrang pagiisip ng marinig ko may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Kyle..bulong ng puso ko kaya napatayo ako sa kama at naglakad papunta sa pinto ng kwarto ko..pagbukas ko nakaramdam ako ng panlulumo ng makita si Kurt ang nandito sa pinto ko nakatayo at hindi si Kyle..

"Kurt ano ginagawa mo dito." Tanong ko..

"I want to say I'm sorry Last night pero totoo---." Pinutol ko ang sasabihin nya..

"Please stop this kurt kung wala kana sasabihin isasarado ko na ang pinto ko." Pagkasabi ko nun sinarado ko na ang pinto ko..napasandal ako sa pintuan ko at napabuntong hininga..
.
.
.
KURT POV
.
.
.
Fresh parin sa isip ko ang mga nangyari kagabi at di ko masisisi ang sarili ko na magustuhan si Laurice dahil kusa iyon naramdaman ng puso ko at di ko iyon pinilit..

Kaya naisipan ko magpunta sa kwarto nya para makipagusap..pero naiwan.parin ako nakatulala sa labas ng kwarto nya naglakad na ako papunta sa nipa hut at naupo ako..

Lumipas ang halos 30 mins nakita ko ang paglabas ni Laurice dala ng maleta nya..kaya napatayo ako sa pagkakaupo sa upuan..

"San ka pupunta." Tanong ko..

"Babalik na ako sa manila." Sagot nito na di nagabalang lumingon sakin..

"May sasabihin ako sayo." Seryosong tanong ko..

"Ano yun." Maikling sagot nito..

"Ang lahat ng sinabi ko totoo na gusto kita Laurice." Malamlam na sabi ko..

"Please Kurt..wag na natin pagusapan yan dahil ang mahal ko si Kyle at di ko kaya mawala sakin." Seryosong sabi nito na ngayon ay nakatitig sakin..

Kaya naglakad na ito sa pangpang at kinuha ng bangkero ang maleta nya saka sumakay na ito at tuluyan nang umalis sa lugar na iyon..

Ano na gagawin mo Kurt..di ko naman sinasadya na maramdaman ito kay Laurice pero naramdaman ko parin..

Pabagsak ako naupo sa upuan na inupuan at napapikit na lang..
.
.
.
KYLE POV
.
.
.
Nagbabyahe pabalik ng manila..dahil pinasya ko na bumalik dahil hanggang ngayon sariwa parin sakin ang sakit na makita sa ganon eksena si Luna at Kurt..parang dinudurog ang puso sa pira piraso..

Ito na siguro ang panahon para sabihin ito na ang oras na tigilan ko na ang mahalin si Luna..sa isiping yun lalo lang ako nasasaktan..bakit ba hindi pwedeng maging iyo ang isang tao kahit pa mahal mo ito ng sobra sobra..

Lumipas ang dalawang oras nakarating na ako ng company agad ako bumaba ng kotse ko..

Gusto ko makaramdam ng pagkabusy nang di ko maalala ang mga nangyari..

Lumipas ang dalawang oras nakarating na ako ng company bumaba ako ng kotse ko at naglakad na papasok sa parking entrance saka sumakay ng elevator..

Nang makarating sa floor na bababaan ko lumabas na ako ng elevator at naglakad na papunta sa opisina ko..binuksan ko ang pinto ng office ko at nakita ko nandun si Tyrone..

"Sir Kyle bakit nandito na po kayo agad." Bungad na tanong ni Tyrone at sinara ko na ang pinto at naglakad papunta sa upuan ko saka napansandal ako..

"Nagawa ko aminin kay Luna ang totoo na mahal ko sya pero tingin ko si Kurt parin ang nasa puso nya kaya di na ako nagtagal dun.".malungkot na sabi ko at inikot ko ang upuan ko patalikod kay tyrone.. "Gusto ko nang kalimutan ang nararamdaman ko para kay Luna." Malungkot parin na dagdag ko..at bigla na lang tumulo ang luha ko..at sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon..

"Sige sir maiwan ko na kayo magisa." Dinig ko sabi ni tyrone at narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto..

Napapikit na lang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko..
.
.
.
LUNA POV
.
.
.
Nang makaratimg sa pier agad ako bumaba papunta sa parking lot at hinanap ang kotse ko nang mahanap ko sumakay ako kaagad para makaalis na sa lugar na iyon..

Bakit ngayon ko lang narealize ang lahat ng yun..bakit kung kailan sobra ko na nasaktan so Kyle..ang tanga tanga mo talaga luna..ngayon pwede mawala sayo ang lalaking pinakamamahal mo..paano kung iwasan ka nya at di mo na maririnig uli na sabihin mahal ka nya..parang di ko kakayanin yun..

Lalong kumikirot ang dibdib ko sa mga isiping iyon..kaya mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko..

30mins nakarating na ako ng bahay agad ako bumaba ng kotse at pumasok sa bahay pero walang Kyle ako nakita kaya umakyat ako sa taas diretso sa kwarto ni Kyle pero pagbukas ko wala akong kyle na nakita kaya pinasya ko pumasok sa loob at naglakad papunta sa kama nito..naupo ako roon

Di sya umuwi baka nasa office na yun..Kyle sana di ka lumayo sakin dahil di ko kakayanin iyon dahil sigurado na ako sa nararamdaman ko na Mahal Kita..napabuntong hininga ako at tumayo na papunta sa pinto at tuluyan nang lumabas sa kwarto ni Kyle..

Nagpunta na ako sa kwarto ko para magpahinga dahil masyado ako napagod sa byahe pabalik sa manila.
.
.
.
FAST FORWARD
.
.
.
Naalimpungatan ako kaya agad ako napabangon at napatingin sa orasan sa kwarto ko alas sais na pala ng gabi..

------

Thanks sa lahat ng sumuporta..

MY EX-WIFE REVENGE[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon