Chapter 25

2K 37 3
                                    

KYLE POV
.
.
.
Palinga linga ako sa paligid baka sakali makita ko sya sa daan..

Nasan kana ba?ano na nangyari sayo..habang patuloy ako sa pagmamaneho patingin tingin ako sa daan..

Hanggang matanaw ko ang isang babae na naglalakad sa ulan at tila nanghihina na ito..

Its her!!bulong ng puso ko agad ko pinarada ang kotse ko sa gilid at agad bumaba ng kotse ko na hindi alintala ang malakas na pagulan at dali dali ako lumapit sa babae..

Hinila ko ang kamay nya para mapaharap sakin ganon na lang ang naramdaman ko sakit nang mkita ko namumutla na ang labi nya dahil sa lamig at basa na ang buo nitong katawan at lamig na lamig na..

"San kaba nanggaling bakit ka umalis sa hospital." Pagaalala ko sabi..

"Kasi.." pinutol ko ang sasabihin nya

"Alam mo ba kung gaano ako nagalala sayo ha..baka kung napano ka." Nasabi ko na hindi ko na napigilan ang sarili ko..

"Sorry." Nasabi nito

"Halika na babalik na tayo sa hospital." Hinawakan ko ang kamay nya at hinila sya kung san nakaparada ang kotse ko..nang makarating binuksan ko ang katabi ng driver seat "pasok." Sabi ko inalalayan ko sya makaupo at sinarado ko na iyon..at nagpunta sa driver seat at sumakay..

Pagpasok inabot ko ang coat ko sa likod ng kotse at lumapit sa katabi ko kaya lalo nagkalapit ang mukha namin at sinuot ko yun sa kanya at saka lumayo sa kanya

"Salamat." Narinig ko sabi nya "Bakit mo pa ako hinanap dapat hinayaan mo na lang ako di mo naman ako kaano anu." Dagdag pa nya..

"Bakit naman kita pababayaan ako ang taong nagligtas sayo kaya kargo kita kapag may nangyari sayo masama..di ko alam kung san ka nagpunta pero dapat magsabi ka kung gusto mo nang umalis di naman kita pipigilan..pero sa kalagayan mo ngayon di mo pa kaya kailangan mo pa magpalakas at magpagaling mas lalo magaalala ang pamilya mo kapag makita ka ganyan." Diretso ko sabi na nakatitig ako sa mata nya.."ihahatid na kita sa ospital." Dagdag ko at tumingin na sa daan at binuksan ang makina saka nagmaneho na pabalik sa hospital..

./.

FAST FORWARD
.
.
.
Nang makarating kami sa hospital agad kami sinalubong ng nurse at doctor at dinala na ito sa loob..

Nakaupo ako ngayon sa upuan sa tapat ng kwarto nya..di ko napansin na lumabas na ang doctor

"Okay na sya at buti na lang nakita mo sya agad baka kung ano mangyari sa kanyang masama." Agad ako nagangat ng ulo at dun ko lang napagtanto na nasa harap ko na ito..

"Mabuti naman salamat doc." Tanging nasabi ko..

"Sige na pumasok kana gusto ka nya makausap." Dagdag pa nito..

Kaya naman naglakad ako papunta sa pinto at huminga ng malalim saka pumasok sa loob..

Nakita ko nakaupo sya sa kama at nakatitig sakin kaya lumapit ako sa kanya..

"Gusto mo daw ako makausap." Seryoso ko tanong..

"Ah oo kasi.." nakayuko ito..

"Sabihin mo na habang nandito pa ako..next week di mo na ako makikita dahil pupunta na." Pinutol nya ang sasabihin ko

"Tulungan mo ko." Nakatitig ito sakin at wla reaksyon sa mukha nito.

"Ano sabi mo." Taka kong tanong

"Pwede bang tulungan mo ako para mo nang awa tutal ikaw ang nagligtas sakin." Ngayon ay banaag ko na ang pagmamakaawa nito..

"Bakit kita kailangan tulungan." Mahinahon na ang tono ng boses ko

MY EX-WIFE REVENGE[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon