Chapter 46

1.7K 26 4
                                    

KYLE POV
.
.
.
Namatay!!Sinubukan mo ba alamin kung ano talaga ang nangyari sa kanya o minabuti mong tanggapin na wala na sya para matuloy nyo ang pagmamahalan nyo ng Ria na yun..

Di ka karapat dapat para kay Luna..kung di ako pwede kay Luna di ako papayag na bumalik sya sa isang katulad mo na walang kwenta di man sya mapunta sakin basta sisiguraduhin ko magiging masaya sya ng di ka na kasama.

Ngayon ay lumingon ako sakanya ng napakaseryoso.. "Nagawa mo na syang palitan ng ganon lang kadali minahal mo ba talaga sya." Dagdag ko pa at kita na sa mga mata ko ang galit..

"Ano bang alam mo tungkol samin ni Luna at sino ka para kwestsunin ang pagmamahal ko kay Luna dahil wala kang alam Kyle Mendoza kung gaano ko sya kamahal." Pagalit na sabi nito saka tumayo na sa upuan nito..

"Sana nga minahal mo talaga si Luna." Sabi ko at naglakad na ito paalis..

Nilagyan ko ulit ng alak ang baso ko at mabilis na tinungga ang alak na nasa loob nun..tumayo na ako para hanapin si Luna medyo matagal na rin sya di nakakabalik simula nung umalis sya..

Pumasok ako sa isang hallway papunta sa restroom..titignan ko kung nandun pa sya..

Kusa ako napahinto ng makita ko magkayakap si Luna at Kurt at kita sa mga mata nila ang pagkakaunawaan..bigla may pumiga sa puso ko dahil sa mga nakikita ko sakanila kaya napaatras ako ng konti saka napasandal sa pader..

Bakit ganito sobrang sakit nang nararamdaman ko..di ko maipaliwanag ang sakit na parang dinudurog ang puso ko sa pira piraso..kaya ko pa bang umasa na baka may pagasang mahalin ako ni Luna o sadyang nagpapakatanga na lang ako dahil alam ko na ang sagot pero nagbubulag bulagan lang ako..

Naglakad na ako palayo sa lugar na iyon dahil di ko kayang tanggapin ang mga nakita ko..

./.

LUNA POV
.
.
.
Naalimpungatan ako sa mga kamay na yun na nakahawak sa ulo ko..

Kyle!!!bulong ng puso ko..nagmulat ako ng mata ng dahan dahan

"Laurice ano nangyari sayo." Bungad na tanong ni Kurt!!!sakin na hindi maipinta ang mukha nito sa pagaalala.

"Kurt ano nangyari sakin." Tila nanghihina na sabi ko at napapapikit pa ako

"Nahimatay ka,ano ba nanyari." Sabi nito sa mahinahon na boses..

"Wala biglang sumakit ang ulo ko." Nanghihina parin na sabi ko.. "Tulungan mo ako tumayo Kurt." Dagdag ko at akmang tatayo kaya mabilis ako hinawakan sa baywang ni kurt at kinuha ang palad ko para hawakan para dun ako kumuha ng lakas sa pagtayo..

"Salamat Kurt." Sabi ko nang makatayo na nang maayos..

"Okay kana ba talaga Laurice." Sabi nito at halata parin ang pagaalala..

"Oo buti dumating ka akala ko may mangyayari na sakin na masama." Malamlam na pagkakasabi ko..dahil natutuwa ako nandito si Kurt ngayon..

Sa pagkagulat ko bigla ako niyakap si Kurt..nakaramdam ako ng galak sa puso ko ngayon habang yakap ako ni Kurt sa mga bisig nya..kay sarap damhin ang init ng katawan nito sa katawan ko..bakit ganito dapat kinamumuhian kita kurt pero bakit ang puso ko nasasabik parin sa mga yakap mo..

"Di ko hahayaan na may mangyari sayo masama Laurice." Malamlam na sabi ni Kurt..humiwalay ito sa pagkakayakap namin dalawa.. "Halika na aalalayan kita sa paglalakad." Dagdag pa nito na may pagaalala sa boses nito..Agad nyang hinawakan ang baywang ko at pinagsaklop nya ang mga palad namin para dun ako kumuha ng lakas sa paglalakad dahil pakiramdam ko nanghihina parin ang tuhod ko..

"Di mo na ako kailangan alalayan kaya ko naman magisa." Pagtutol na sabi ko..

"Mas di ako papayag na hahayaan lang kita wag kana tumutol pa." maAwtoridad na sabi nito..

Di na ko tumutol pa at inalalayan nya na ako sa paglalakad kaya mas lalo kong natitigan ang mukha nya wala parin pinagbago ang mukha simula nung kinasal kami..

Bakit Kurt binabalik mo na naman sakin ang ganitong pakiramdam na secured ako kapag kasama kita..na ikaw lang ang taong nakakaalam ng mga kahinaan ko..

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa di kalayuan sa party..bumitaw ako sa pagkakahawak sa palad nya at lumayo ako sa kanya ng konti..

"Salamat sa pagalalay sakin..mauna na ako." Sabi ko ng seryoso saka tumalikod at akmang aalis..

"Laurice." Biglang tawag nya sa pangalan ko..

Napaharap ako ulit kay Kurt at kita ko sa mukha ang pagkaseryoso.."Bakit." Maikling sagot ko..

"Kasi." Biglang tigil nya..

"Hon." Tawag nang isang pamilyar na boses..Lumapit ito kay Kurt at kumapit sa braso nito.. "Hon san kaba galing kanina pa kita hinahanap." Parang bata maktol nito..

"Sige mauna na ako." Sabat ko dahil naiirita ako sa pagiinarte ng Ria na to..

"So nagmumukha akong tanga kakahanap sayo kasama mo pala ang babaeng to." Inis na sabi nito na nakataas pa ang kilay na nakatingin sakin..

"Ria stop it pinaguusapan lang namin ang about sa business..Sorry kung hinanap mo ko." Maawtoridad na sabi ni Kurt kaya kita ko ang pagpipigil nito sa galit..

"Wag ka magalala Ria di ko aagawin ang asawa mo..I'll go ahead." Nakangising sabi ko at saka tumalikod..naglakad na ako paalis

Palinga linga ako sa buong venue ng party pero ni anino ni Kyle hindi ko nakita ulit..kaya nagpasya ako lumabas ng hotel..

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Kyle na nakasandal sa isang pader at malayo ang tingin..

"Kyle may problema ba." Pagaalalang tanong ko..

Natauhan ito dahil bigla itong humarap sakin ng gulat ang mukha..

"Wala..teka." bigla itong lumapit sakin ng nakakunot ang noo.. "Ano nangyari sayo at namumutla ka Laurice." Pagaalalang tanong nito saka hinawakan ang dalawang pisngi ko..

"Masama pakiramdam ko." Mahinang sagot..

"Gusto mo ba umuwi na tayo." Suhestyon.nito..

Tumango na lang ako bilang sagot sa tanong nya..hinawakan nya ako sa kamay at inalalayan bumaba ng hagdan papunta sa kotse nya..inalalayan nya ako makapasok sa loob ng kotse saka sya sumakay at pinaandar na ang makina paalis sa lugar na iyon..

Nasa byahe na kami at tahimik lang kami sa loob..

"Anong masakit sayo Laurice gusto mo ba dalhin kita sa hospital." Pagaalala parin na tanong nito na habang nakatingin sa labas..

"Wag na Kyle okay lang ako..biglang sumakit ang ulo ko buti dumating si Kurt kaya di ako bumagsak sa semento." Mahabang paliwanag ko habang nakatingin ako kay Kyle na wala reaksyon sa mukha..

"Ganon ba mabuti at nandon sya..I'm Sorry wala ako sa tabi mo." Walang emosyon sa boses nito..

"Bago yun nakausap ko si Ria may sinabi sya sakin kaya bigla sumakit ang ulo ko may alaala bumalik sakin." Nalilitong sabi ko..

"Ano yun." Curious na tanong nito..

"Nung araw na maaksidente ang kotse ko hindi ako ang dahilan nun may bumangga sakin nun sa likod kaya nawalan ako ng control sa manibela at bumangga sa bangketa ang sasakyan ko..pero di ko na kita kung sino yun." Pilt na alala ko..

"Kung ganon may gusto pumatay sayo..pero bakit nya gagawin yun sayo maliban na lang kung may mapapala sya sa pagkamatay mo." Seryosong sabi ni Kyle at may diin sa huling sinabi nito..

"Di ko alam kung sino gagawa nun sakin." Napapailing na.sagot ko..

"Ako na bahala magimbestiga dito Laurice kaya ipanatag mo na ang loob." Pagpapanatag ng loob na sabi nito..

"Salamat Kyle." Nakangiti kong sabi at bigla kong nilagay ang palad ko sa kamay ni Kyle na nakahawak sa manibela para mapalingon ito sakin ng mabilis at tinuon uli ang paningin sa daan..

--------

Vote and comment

MY EX-WIFE REVENGE[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon