Chapter 19

1.7K 33 0
                                    

KURT POV
.
.
.
Nakaupo ako ngayon sa Swivel chair ko at nakatuon ang mga mata ko sa monitor marami pa ako kailangan tapusin..

Nawala ang paningin ko sa monitor ng marinig kong may kumakatok sa pinto..

"Come in." Sagot ko at tinuon ang mata ko sa monitor

Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok mula dun si Bert "kamusta bro." Bati nito sakin at naupo sa upuan na nasa harap ko..

"Okay lang bro." Sagot ko na wala sa mood

"Tell me kamusta kayo ni Luna." Agad ako nagangat ng tingin kay Bert

"Okay naman kami ni Luna." At iniiwas ko ang tingin ko kay Bert dahil nakatitig ito sakin

"Bro i know na may tinatago ka kay Luna ang tungkol sainyo ni Ria.' Diretso sabi nito kaya bigla ako nakaramdam ng kaba sa sinabi nito..

"Ano sinasabi mo." Sabi ko na di parin makatingin kay Bert

"I know the truth Kurt nakita ko kayo magkasama pumasok sa room ni Ria nung nasa Isla Samantha tayo di na kita tinanong.' Paliwanag nito kaya naman napatingin ako sa kanya na seryoso nakatingin

"Totoo may relasyon kami ni Ria aaminin ko Bert pinigilan ko ang nararamdaman ko pero di ko kaya gusto ko si Ria pero alam ko hindi pwd dahil may asawa na ako ayoko masaktan si Luna pero di ko kaya mawala si Ria sakin."

"Bro babaero ako pero kapag alam kong kasal na ko di ko hahayaan mainlove pa ako sa iba..pero magkaiba tayo sa pinasok mong yan alam mong masasaktan mo si Luna.. mahirap mamangka sa dalawang ilog pwd lahat kayo masaktan sa bandang huli pro dapat itigil mo na to habang di pa nalalaman ni Luna at may pagkakataon kapa na itigil dahil si Luna ang masasaktan ng sobra."

Paliwanag nito at nakaramdam ako ng guilt sa loob ko..na nagawa ko lokohin si Luna ng ganon lang kadali..nangako ako sa kanya na mamahalin ko sya habang buhay at di lolokohin pero ano itong ginagawa ko..niloloko ko sya..

Ayoko makita sya nasasaktan dahil mas masakit iyon para sakin..

Nakatingin ako sa taas ng kisame at sumasakit ang ulo ko..halos limang minuto na simula nung umalis si Bert sa office ko..

Tama si Bert i need to stop this kind of shit hanggang maaga pa bago tuluyan malaman ni Luna ang totoo tungkol samin ni Ria..

Tumayo ako palabas ng opisina ko ng pagbukas ko ng pinto nasa labas ng pinto si Ria at agad itong lumapit sakin at halikan sa labi..tinulak nya ako papasok sa loob at sinandal sa pader na parang di iniisip baka may bigla pumasok sa opisina ko at makita kami..

Agad ko sya naitulak ng bahagya at nagulat ito sa ginawa ko..

"Why Hon di mo ba ako namiss." Saad nito At bakas sa mukha nya ang pagtataka..

"I miss you pero baka bigla may pumasok at makita tayo." Iwas ko ng tingin at naglakad ako papunta sa swivel chair ko

Sumumod si Ria sa kinaroroonan ko at naupo sa table ko "May problema ba Hon mukhang balisa ka." Nagsalita ito

"Ah wala bakit ka nandito." Tanong ko na lang at di sya pinansin

Tumayo ito at naglakad papunta sa bintana at tumingin dum..

"Maganda pala ang asawa mo si Luna." Sabi nito ng nakatingin parin sa labas ng bintana..agad ako nagangat ng tingin kay Ria

"Ano ibig mong sabihin Ria." Tanong ko at tila nakaramdam ako ng kaba

"Pumunta ako sa bahay mo para isauli ang relo mo naiwan mo kasi sa condo nung umalis ka pero wala kana kaya i met your wife." Sagot nya kaya agad ako tumayo para lumapit kay Ria at hawakan sa magkabilang balikat

MY EX-WIFE REVENGE[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon