Chapter 37

1.8K 32 0
                                    

KYLE POV 
.
.
.
Nakaupo na kami ngayon sa mesa..nagumpisa na ako magsandok ng kanin at ulam habang nakatitig lang sakin si Luna..at tinikman ko na iyon..

"Ang sarap talaga ng luto mo ito na ang favorite ko." Masayang sabi ko na nakatitig sa kanya..

"Talaga mabuti naman at nagustuhan mo." Nakangiti rin na sagot nito at nagsimula magsandok ng pagkain..

Bumuntong hininga ako at saka tinitigan ko sya sa mga mata "Nagpa appointment ako sa Lopez Hotel and Beach Resort." Nakita ko ang pagkawla ng ngiti nito at sumeryoso ang mukha ni Luna..

"Bakit ka nagpa appointment sa kanila." Curious na tanong nya..

"Nalaman ko they need investor sa gagawin nilang bagong branch nakita ko magandang oppurtunity para mapalapit ka sa kanila bukas ng umaga ang appointment..ikaw na bahala sa deal Laurice." Paliwanag ko at tinuon na amg paningin ko sa plato at kumain na ako..

Bakit ganito nakakaramdam ako ng kirot na ngayon magkikita na silang dalawa ng asawa nya at ako ang gumawa ng dahilan para mangyari yun..

Tahimik na kami dalawa sa pagkain ng dinner..at ngayon ay nandito na ako sa kwarto ko di mapakali ang puso ko sa muling pagkikita nila..

Sana nga tama itong ginawa ko na tulungan si Luna na makapaghiganti sa asawa nya at sa huli di ko to pagsisihan..

./.

LUNA POV
.
.
.
Maaga ako nagising at nagprepare para sa appointment na pupuntahan ko..

Finally makakaharap din kita ulit Ria at Kurt antayin nyo ang paghaharap natin ulit tatlo..

Pagkatapos ko maligo nagsuot ako ng dress na color white na hanggang itaas ng tuhod ko at hapit sa katawan ko..naglagay ako ng light make up saka ko hinayaan ang mahaba ko buhok na bumagsak..sinuot ko kulay black na three inch ko na heels..nang matapos ko magayos kinuha ko ang blassaire ko na black saka lumabas ng kwarto ko pababa at palabas ng bahay ni Kyle..

Sumakay ako ng kotse ko at umalis sa lugar na iyon..

./.

Nandito na ako sa conference room ng company ni Ria..nakaupo ako sa dulo at tinuon ko ang paningin ko sa labas ng company..maya maya ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng conference room..

Nakaramdam ako ng kaba dahil naririnig ko ang paglapit nito sa kinaroroonan ko..napabuntonghininga ako at dahan dahan ko pinaikot ang upuan ko..

Kusa ako natigilan ng makita ko si Kurt ang nasa harap ko nakasuot ito ng long sleeve na white na naka tuck in ito sa black pants nya na may coat na black..pormal ang mukha nito na nakatingin sakin na tila gulat na hindi si Kyle ang makikita nya..

Wala parin pinagbago ang mukha nya..kay gwapo parin ng mukha nito na kay sarap titigan..

Bigla may kung ano sa dibdib ko ang kumabog ng mabilis..huminga ako ng malalim at tumayo na dahil nasa harap ko na ito ngayon..

"You must be Mr.Kurt Scott." Panimula ko at ngumiti sa kanya..

"Yes i am and you." Taka tanong nya.

Ako ang asawang niloko mo si Luna..nasabi ko sa isip ko.. "Laurice Smith." Nakangiting pakilala ko..

"Smith?"Kunot noo sabi nya 

"Why? Is there any problem about my Last name." Nakangisi kong sabi nabanaag sa mukha nya ang pagtataka..

"Nothing its familiar your last name but she's not here anymore." Paliwanag nya.. "where is Kyle Mendoza." Dagdag na tanong nya..

"he's busy right now so i will the one who talk with you about the investment na inaalok namin..for your information I'm his fiance." Paliwanag ko at nakita ko ang pagiba ng mukha nya at sumeryoso na ito..

"I see have a seat." Sabi nya at naupo na ito sa harap ko.. "let's start i have a question for you Ms.Smith." panimula nya..

"What." Maikling sagot ko..

"Bakit naisipan ng fiance mo na maginvest sa company ng asawa ko you know naman na were competitor regarding sa Hotel industry." Mahabang sabi nya..

"Naisip namin na itry maginvest sa company ng tulad sainyo mukhang maganda naman ang business nyo dahil kayo ang top2 samin bakit tayo maging partner." Paliwanag ko..

"Really were being partner." Nakataas na kilay na sabi nito.. "Ms.Smith yun lang ba ang dahilan kung bakit gusto nyo maginvest samin." Sarkastikong dagdag na sagot nito..

"Mr.Scott get me to the point don't use any word." Nakataas na kilay na sabi ko..

"What i mean is on behalf i want to assure that theres no other reason why you choose our company aside from the other." Seryoso sabi nito

"Mr.Scott you know what i dont waste my time for me to come here and recieve that kind of saying..if your not believe me lets stop this i have to go..i know there's a lot of company na gusto makatrabaho ang Min Ho Hotel." Inis na tumayo ako at akmang aalis..

"Wait." Rinig ko sabi nya at agad pinigil ng kamay nya ang braso ko kaya napatingin ako sa kamay nya na nasa braso ko.. "I'm Sorry." Sabay alis ng kamay nya sa braso ko at napatitig sa mga mata nya..

"What." Maikling sagot ko pero halata sa boses ko ang inis..

"I'm Sorry sa mga nasabi ko gusto ko lang makasigurado since were here lets start our negotiations." Mahinahon na sabi nito.."let's have a seat." Turo nya sa upuan ko kaya napaupo na ako..

Kaya naupo na ako..ganyan nga Kurt tanggapin mo ang alok kong investment para sa ganon lalo tayo magkalapit at masingil kita sa lahat ng ginawa mo sakin..sisiguraduhin ko pagsisisihan mo ang araw na muli tayong nagkita ulit na dalawa..

./.

KYLE POV
.
.
.
Di ako mapakali sa upuan ko at napapatingin sa cellphone ko..ano na kayang nangyari kay Luna nagkita kaya sila ng dati nyang asawa..dapat sinamahan ko sya para di ako nagaalala ng ganto..

Pero kahit ano gawin ko di ako mapakali..Di ko na napansin ang pagbukas ng pinto ng opisina ko pumasok dun si Tyrone..

"Sir." Panimula nya.. "May problema ba." Dagdag pa nito..

"Nag invest ako sa Lopez Hotel and Beach Resort may appointment ako sa kanila at si Laurice ang pinapunta ko dun para magsagawa ng negotiate di alam kung magagawa nya makuha yun." Malungkot na kwento ko..

"Yung negotiation lang ba talaga ang inaalala nyo o muling magkikita si Laurice at dati nya asawa." Agad ako napatingin kay Tyrone dahil totoo ang sinabi nya..wala ako pakialam sa investment ko kundi sa pagkikita nila ulit ni Kurt..

"Iniisip ko kung tama ba talaga ang ginawa kong pagtulong kay Laurice na baguhin ang pagkatao nya nang makapaghiganti sya sa asawa nya dahil dun baka yun ang maging dahilan na bumalik sya sa asawa nya." Kwento ko parin sa malungkot na boses..

"Sir wala ako karapatan na sabihin to pero mas mabuti nang tanggapin nyo ang magiging resulta ng ginawa nyong pagtulong sa kanya kung babalik man sya sa lalaking mahal nya hindi natin yun madidikta..ang mahalaga yung memories na naiwan sainyo ni Maam Luna mananatili yun sa puso mo." Malamlam na sabi nito..

"Salamat Tyrone." Napangiti ako ng konti at napabuntong hininga..

Tama si Tyrone di ko madidikta ang panahon kung babalik man sya sa taong mahal nya kailangan ko iyon tanggapin dahil si Kurt naman talaga ang una nyang minahal at hindi ako..sana kapag dumating ang araw na yun makayanan ko iyon..

Ang mahalaga maiparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ko na lagi lang ako sa tabi nya..

./.

KURT POV
.
.
.
Nandito na ako ngayon sa opisina ko kakatapos lang ng meeting namin ng fiance ni Kyle..

Laurice Smith?sino ka nga ba talaga bakit pakiramdam ko nagkita na tayong dalawa..
.
.
FLASHBACK
.
.
.
Maaga ako nagising para magprepare sa meeting namin ni Kyle Mendoza..nang matapos umalis na ako sa bahay at nagmaneho papunta sa company..

Nasa pinto na ako ng conference room pinihit ko iyon nang bumukas pumasok na ako sa loob..

---

Comment and follow me!!

MY EX-WIFE REVENGE[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon