CHAPTER 10

27 9 0
                                    

Zyne's POV

Muli akong nagising sa clinic.Napaupo ako sa dashboard at inabot ang mga prutas sa gilid ng table.

Para ring ospital ang design ng clinic nato.Nakakagaan sa pakiramdam ang malambot na kama,kumot,at unan idagdag mo pa ang magandang view ng nature sa bintana.

Nakangiti lang akong nakatingin sa mga punong nagsasayawan dahil sa malakas na ihip ng hangin.

Naramdaman kong may pumasok sa loob ng kwarto ko dahil narinig ko ang langitngit na tunog nito.

Nanatili lang sa labas ng bintana ang paningin ko at hindi inalam kung sino ang taong pumasok dito.

"Okay ka na ba??"tinig iyon ng isang lalaki.

Nakangiting tumango ako ngunit hindi pa rin siya hinaharap nanatiling sa bintana lang ang atensyon ko.

"Nabalitaan ko ang ginawa ni Trevor sayo.Ako na mismo ang humihingi ng pasensya,Zyne..."

"Ok lang.Ayos na naman ang pakiramdam ko..."sabi ko saka lamang siya hinarap.

Nakatayo ito sa dulo ng kama at matamang pinagsadahan ako ng tingin habang nakapamulsa.

"Bakit ka napadalaw sakin?Jason?"tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang malaman kung okay ka na..."nakangting umupo ito sa gilid ng kama.

"Ayos na nga ako Jason wala naman atang masamang nangyari sakin HAHA"pinilit kong tumawa kahit na ang totoo e may mga tanong sa isip ko na hindi naman nasasagot.

Bakit kailangan niyang gawin yon?ganon ba katindi yung sapak na ginawa ko para abutin ko ang ganito?

Bakit ba galit na galit siya sakin samantalang wala naman akong ginagawa sa kanya?

Punong-puno ng sama ng loob akong tumingin muli sa bintana.Iniiwasang mamasa ang mata.

Malamang mapaparusahan ulit siya dahil sa nangyari.Hindi pa nga niya nagagawa ang unang parusa ay may nakaabang na agad na pangalawa.

Ang sama ng loob ko kasi bakit ako na lang lagi ang napaparusahan samantalang si Trevor naman ang nagsisimula ng gulo.

Marahil nga ay dahil sa mahirap lang ako kaya naman walang naglakas ng loob na tulungan ako kundi si Peach at Brench lang.

Malalim ang buntong hiningang pinakawalan ko at saka nakangiting humarap kay Jason.

"Nasaan pala sina Peach at Brench??"tanong ko habang nagiiwas ng tingin.

"Bumili lang sila ng pagkain pabalik na rin yon"sabi nito na siyang tinanguan ko.

"Sige aalis na ako may klase pa kasi ako e,pagaling ka ah?kita kits tayo bukas"sabi nito habang kumakaway papalabas ng pinto.

Naging tahimik ang paligid tanging ingay na nanggagaling mula sa labas ang naririnig ko.

Ng biglang bumukas ito at inuluwa sina Peach at Brench na may dala nang take-out na pagkain.

"Anong pinagusapan niyo bHie?"tanong ni Brench habang inaabot kay Peach ang hawak niya.

"Oo nga tee nakasalubong namin si Jason ah?!"tanong nito habang hinahanda ang pagkain.

"Wala naman nangangamusta lang daw siya"

"Ayos na ba yung pakiramdam mo bHie??"

"Oo naman maayos na."

"Pinagalala mo kami sayo tee!!you look so pale kaya kanina"

"Wala na yun."

Tahimik lang kaming kumakain.Alam ko namang pinakikiramdaman nila ako pero hindi ko na lang pinansin at tinuon ang atensyon sa kinakain.

Mamaya rim daw ay makakalabas na ako dito sabi ng nurse.

Napagisipan niyang iliban muna ang pasok niya sa milktea shop para magpahinga muna.

Nagayos na sina Peach at Brench hapon na rin kasi tapos kanina pa sila dito para lang mabantayan ako.

Kaya laking pasasalamat ko sa kanila kasi nandyan sila para sakin.

--------------------------------------------------

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW ME...

THANKYOUUUUU......

MAKITA KANG MULITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon