Zyne's POV
Nakatambay lang ako dito sa may room dahil nauna nang lumabas sila Brench at Peach dahil may aasikasuhin daw sila.
Nakatunganga lang ako dito ng matanawan ko si Simon na tumatakbo papunta sakin.
'Ano nanaman kaya ang problema neto at tumatakbo siya?'
"Uy, bat ka tumatakbo may nangyari ba?"tanong ko ng makalapit siya sakin.
"Lets have lunch together!!"sabi nito at hinila na ako papalabas.
"Saan ba tayo pupunta?"tanong ko habang hila hila niya pa rin ako. Napansin ko ring nakalabas na kami sa school kaya naman nagtataka na talaga ako.
"Uy, tinatanong kita san kako tayo pupunta!?"inis ng tanong ko kaya naman napahinto kami.
"Nakikita mo yon?"tanong niya habang nakaturo sa isang fast food restaurant.
"Oo naman may mata kasi ako..."pambabara ko.
"Haha, i mean dun tayo kakain!!"
"Huh?baka mahal dyan di ko afford!!"
"Wag ng maginarte treat ko!!"
"Yan ang maganda tara nasa loob!!"yaya ko.
"HAHAHAHAHA"tawa niya bago pumasok sa loob ng resto.
Nakaupo na ako sa table na nakita niya.Siya na daw ang oorder kasi baka maligaw daw ako.
Grabe ang ganda dito simple pero napakaelegante!!!
May nakasabit na malaking ilaw sa taas.Wow!! Ano yan christmas light na pinagdugtong dugtong??
Meron ding kandila sa gitna ng table.Wow!! Romantic!! Ay baka naman magbrobrown out mamaya kaya may kandila??luh, baka mali.
Nang makarating siya ay nagpaalam na ako muna ako na magsisiar kaya naman tinuro niya ang daan.
Pati loob ng cr pang mayaman!! Merong pinipindot tapos may lalabas na liquid then bubula, grabe ang galing. tapos meron pang dryer ata yung pagtinatapat mo yung kamay mo may lalabas na mainit na hangin?ayun natuwa ako pinaglaruan ko.
Medyo matagal na ako sa loob ng cr kaya naman lumabas na dahil nagugutom na ako e tsaka baka inubos na ni Simon yung pagkain!! No way!!
"Bat ang tagal mo naman?"tanong nito ng makaupo na ako.
"Ahh, ang ganda pala dito, ano?"tanong ko.
"Haha, oo totoo yan minsan dito tambayan ko or sa coffee shop."sabi niya.
"Tara na kain na tayo"sambit ko.
"Hintay muna daw tayo saglit"nakangiting saad nya saakin.
"Sigesige"
Ilang sandali lang nandito na ang mga pagkain na inorder ni Simon subrang dami nito parang dina kakasya sa lamesa namin.
"Subrang dami naman neto parang di natin mauubos to"Nakangiting saad ko sa kanya.
"Ano kaba special ang araw na to dahil magkasama na tayo Zyn"Habang pisil-pisil nya ang pisnge ko.
"Tara na kumain na tayo gugutom nako"
"Sige na nga"
Kumain na nga kami habang nagkekwentohan nang biglang mapansin kong peanut butter ang flavor ang kinakain niya.
'Alam ko may allergy siya dyan?'
Bago nya pa itong makain ay tinabig kona ito kaya nahulog sa lamesa at napatingin sya saakin nang masama.
"Bakit mo tinapon yung kinakain ko?"Pasigaw na saad nya saakin habang gulat na gulat.
"Bakit kumakain ka nang may nuts diba allergic kadun?"habang hawak-hawak ko ang kamay ni Simon.
"A-ah yun ba?wala na yung allergy ko since bata pako"saad nya saakin habang balisa.
"Ganun ba sorry ha concern lang ako sayo kala ko nanjan parin yung allergy mo pasensya na"Nakayuko habang sinasabi ko kay Eco(Simon).
"Okey lang madami pa namang food sa table natin iba nalang kakainin ko"Nakangiting saad nya saakin.
"Tara na kain na tayo"
"Sure"
Natapos na nga kami at dumaretso na kami sa school at napagisipan namin na maghiwalay na at pumunta na sa room.
Diko na kasama si Eco(Simon)pero kinukutuban parin ako sa mga nangyari kanina habang naglalakad ako may nakita akong lalake na itinatakbo papunta sa clinic.
"Tabi Emergency to"
"Anong nangyari sayo?"
Ayun yung mga narinig ko sa mga nagdadala sa lalaking papunta sa clinic.
Sino yung lalaking sinusugod sa clinic?
Anong nangyari sa kanya?
-------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW ME THANKYOUUUU....
BINABASA MO ANG
MAKITA KANG MULI
Teen Fictionit's all about Zyne and Jeco. Malalaman paba ni jeco na si Zyne ang kababata nya? Nakalimutan naba nila ang pinagsamahan nila? Matatanggap ba ni Jeco ang pagkatao ni Zyne? Sabay-sabay natin subaybayan ang pagmamahalan nilang dalawa.... To be continu...