CHAPTER 12

25 9 0
                                    


Zyne's POV

Papunta na sana ako ng canteen ng may nakabunggo akong lalaki.

Hindi man lang ako pinansin nito kahit humingi na ako ng paumanhin.

Maglalakad na sanang muli ako ng biglang may naapakan akong kung ano sa sahig.

Dahil nga nakababa ang aking tingin ay agad ko itong nakita.Isa itong brown wallet.

Kinuha ko ito ng may halong pagaalangan.Bubuksan ko na sana ito para malaman kung kanino itong pagaari.

Nang biglang may kumuha nito sa aking kamay.Nang magangat ako ng paningin ay nakita ko ang isa pang kaibigan ni Trevor.

'Bakit parang napakapamilyar niya?'

"Kukunin na lang--bubuksan pa!!"aniya habang tinitignan ang loob ng wallet.

"S-sorry wala naman akong nakita at nakuha sa wallet mo,sa katunayan e balak ko sanang ibalik yan sa iyo.."nakayukong saad ko.

"Talaga lang ha?pwes wala akong pake!!"sigaw nito sabay lakad papasok ng canteen.

Nang hindi ko na siya matanaw 'e pumasok na rin ako sa loob para sana kumain at puntahan si Peach.Si Brech kasi ay pinatawag sa Guidance Councilor.

"Andyan na ang LOSER!!"anunsyo ng isang babae sa lahat.

"Eww wag kang makikisabay sa pagpila namin dito ah!!"

"Yak bat ba kasi pinapapasok pa siya dito!?"

"Wag ka dito hampaslupa!!"

"Hindi ko matanggap na may mahirap na nakapasok sa school na to!!"

"Di ka bagay dito,so cheap!!"

Hindi pa sila nakuntento sa mga masasakit na salitang sinasabi nila.

Nakayuko lang ako habang hinahanap si Peach at habang pinagbabato ng kung ano-ano.

Nasa bungad pa lang ako ay ganito na ang inabot ko pano pa kaya kapag nasa loob na ako.

Tiniis ko ang mga sakit na binabato nila saakin.
Papel,Bottle,at mga balat ng pinagkainan nila.

Nang makapasok na ako ay medyo nakahinga na ako ng maluwag pero hindi pa rin nawawala ang bigat sa pakiramdam.

"Uy tee!!dito tayo!!"tawag saakin ni Peach habang kumakaway kaya naman dali-dali akong lumapit sa kanya.

"Anyare sayo tee?"tanong nito saakin.

"Wala nauntog kasi ako kanina kaya siguro namumula ang mukha ko"paliwanag ko.

Mukhang di siya kumbinsido sa sinabi ko pero di na siya nagsalita pa at pinagpapasalamat ko iyon.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng biglang may bumuhos sa akin ng kung anong malagkit na liquid.

Nabigla ako kaya naman hindi ko agad ito hinarap.Maging si Peach ay nagulat din.

Bigla na lang tumayo si Peach habang dinuduro ang kung sino sa likod ko.

"Ano ba di ka ba talaga titigil Trevor??"

Si Trevor nanaman pala.

"Di kapa talaga nakuntento sa ginawa mo sa kanya nung nakaraan??"

"Napakasama mo talaga Trevor!!"sunod-sunod ang naging pagsigaw ni Peach kaya naman nakuha namin ang atensyon ng lahat.

Imbis na humingi ng sorry e tawa lang ang natanggap namin mula sa kanya.

Nakayukong pinakikinggan ko ang mga pagtawa at panlalait ng mga nanonood.

Aawatin ko na sana si Peach sa pagsigaw-sigaw niya kay Trevor kasi wala namang nangyayari 'e.

Nang biglang may pumunas sa akin kaya naman dagliang nilingon ko ito.

Si Jason kasama yung lalaking nakabangga ko kanina.

"Ano nanaman ba 'tong eksena mo Trevor??"galit ng saad niya.

"Oh?nagpapakahero ka nanaman ba Jason?"sarkastikong tanong ni Trevor.

"What's happening here Trevor??"mariing tanong ng lalaking nakabangga ko kanina.

"Ay late ka na ba lagi sa balita,Jeco?!"

"I need an acceptable reason,Trevor!"

"Whatever!!Bahala na kayo dyan kasama yang pamintang yan!!"sigaw nito sabay lakad papaalis ng canteen.

'Paminta?!ako PAMINTA??!!!'

Naging malalim ang mga hiningang pinakakawalan ko habang pinupunasan ang sarili ko gamit ang panyo ni Jason.

'Napakabango naman ng panyo nito!!'

Nagyaya na si Peach na sa coffee shop na lang kumain mahaba-haba rin kasi ngayon yung lunch namin kasi wala yung kasunod na teacher.

Tetext niya na lang din daw si Brench para makasunod sa amin.Nang nagaya si Peach ay nagprisinta si Jason na sumama daw samin.

Nagpalit muna ako ng damit kasi nabasa nga ako kanina.Nakasunod lang si Jason kasama yung lalaking kaibigan niya.

Hindi ko na lang pinansin at tinuon sa daan ang paningin ko hanggang sa makarating na kami sa coffee shop.

--------------------------------------------------

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW ME THANKYOU........

MAKITA KANG MULITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon