CHAPTER 9

33 9 0
                                    


Trevor's POV

Tatawa-tawa kami ng maalis na sa court si Zyne daw pangalan.

"HAHAHA tumba ang target!"sabi ng nakajersey ng no.3

"Kawawa naman yong tao"sabi ng Coach.

Dali-dali akong sumunod papuntang clinic para tignan kung anong nangyari.

'Anong meron bakit umiiyak si Peach?'

Hindi naman malakas yung pagkakabato bat parang ang oa na??

"Anong nangyari sa pasyenteng nabato ng bola??"tanong ko sa isang nurse.

"Matinding pangingirot ng sintido o kaya ng ulo ang natama ng pasyente..."

"Mahihirapan siyang makapagfocus sa isang bagay kasi madaling manakit ang ulo niya..."

"Kanina nga ay nagwala ang pasyente sa sakit kaya tinurukan muna namin ng pampatulog..."

'Mukhang malala ang natamo ng pamintang yun ah!'

Aaminin ko meron sa loob-loob ko ang nakukunsensya meron ding parte na natutuwa.

'Yan ang napapala ng mga kumakalaban kay Trevor HAHA'

Nagpataymalisya na lang akong bumalik sa room matapos ang nakakatuwang pangyayaring iyon.

Sumalubong sa akin ang seryosong si Jason.

"Ano nanaman tong nabalitaan ko Trevor?"seryosong ani nito.

"Anong balita??"natatawang sabi ko.

"Binato mo daw ng bola si Zyne!?"galit nitong saad.

"Ang bilis naman makarating ng balita sayo??"

"Bakit mo yun ginawa??"

"Bakit ba apektadong apektado ka don??ako ang kaibigan mo dito hindi siya!!"sigaw ko sa kanya.

"Pero ang punto ko MALI yung GINAWA mo Trevor!!"sigaw niya pabalik.

"Ano bang nangyayari?Why the hell are you shouting each other??"biglang singit ni Jeco.

"Huh!!Siya ang tanungin mo wag ako!!"

"Bakit ano bang nangyari Trevor...."baling nito sakin."Jason...."baling niya kay Jason.

"Don't ask me Jeco...Ask Trevor for what HE DID to my new friend!!"

"Why the hell your so affected to him??"I ask with an irritatedly face.

"Because your revenge was too much!!"

"ENOUGH!!"pigil sa min ni Jeco.

Bigla na lang nagwalkout si Jason kaya naman naiwan kaming nakatingin lang sa kanya.

Nang hindi nanamin siya matanaw e sakin naman binaling ni Jeco ang nagtatanong niyang tingin.

Malalim ang buntong hiningang pinakawalan ko bago isiniwalat ang kalokohang ginawa ko sa pamintang yun.

Jason's POV

Inis akong naglakad paalis sa labas ng room.Malaki ang bawat hakbang pinakakawalan ko papuntang clinic.

Masyado akong nagaalala para sa kalagayan ni Zyne kaya naman ganon na lang ang galit ko kay Trevor.

Sino ba naman kasing matutuwa sa ginawa niya??Kahit kailan napakaisip-bata niya talaga!!

Alam niya kasing may backer siya kaya ang lakas magloko!!Nakakainis!!ARRRGGHHHH!!!!

Bago ako tuluyang pumasok sa loob e dinig-dinig ko ang usapan ng dalawang kaibigan niya.

Imbis na pumasok e nakinig ako sa usapan nila para malaman kung anong pinaguusapan nila.

"Grabe tee!!kaloka si atesh kanina no??"

"Oo bHie kawawa siya mukhang masakit talaga yun.."

"Feeling ko nasasaktan din ako kanina tee!!biruin mo simpleng bola lang ang tindi ng epekto sa kanya.."

"Oo bHie bwisit na Trevor!!!"

"Waaaahhhh tee!!di ko kinaya yung sigaw ni Zyne kanina halatang tinitiis lang yun sakit"

"Ay oo bHie halos maiyak na ko kanina habang hilot-hilot niya yung sintido niya habang sumusigaw!!"

"Gosh kahaggard talaga!!"

Malala ba talaga yung lagay niya??Gano ba kalakas yung bola na tumama sa ulo niya??

Grabe si Trevor di nakonsensya mukhang masayang-masaya pa ang loko.

Di na lang ako tumuloy dahil nahihiya din ako sa mga kaibigan niya.

Bumalik ako sa room ng walang pinapansin na kahit sino.Ay mali si Jeco lang pala pinansin ko.

Ilang oras ay ganon pa din ang scenario ko.Walang pansinan, walang kibo at tutok lang sa pag-aaral...

--------------------------------------------------

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW ME THANKYOUUUU........

MAKITA KANG MULITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon