Peach's POV
Nandito parin kami sa may tapat ng abandonadong classroom para alamin ang sikretong tinatago ni Brench.
Sumilip na nga kami ni Zyne doon sa butas kung saan makikita mo ang sa loob ng abandonadong classroom.
Nagulat kami sa nakita namin may kasama si Brench na isang lalake pero di namin makita ang kanyang itchura dahil naka sumbrero ito at madilim din ang nasa loob kaya di maaninag ang mukha.
Habang nakatingin kami sa kanila parang may pinaguusapan sila or may pinaplano silang masama kinakabahan na kami ni Zyne dito sa kinatatayoan namin.
Habang pinapakinggan namin ni Zyne ang pinaguusapan nila nang biglang may natapakan akong isang bottle at akoy biglang nawalan ng balanse sa aking katawan at doon nagkaroon ng ingay.
Alam namin nag si alerto ang sa loob nang abandonadong classroom kaya agad kaming umalis doon.
Lakad-takbo ang ginawa namin ni Zyne para makaalis lang doon nang malapit na kami sa gate nagpaghinga muna kami saglit at tinignan ang relo kung anong oras na.
"Zyne anong oras na?"hingal na saad ko.
"6:30 pm na"
"Tara na uwi na tayo"umuwi na kami ni Zyne at inaalala parin ang nangyari kanina at tinatanong ko saaking sarili kung ano ang sikretong tinatago ni Brench saamin.
Nandito na ako sa house namin at dumaretso nako sa aking room sa subrang pagod ay nakatulog agad ako.
Brench's POV
Papunta ako sa tagpuan namin ni Simon doon sa abandonadong classroom kung saan magpaplano nanaman kami kala Jeco at Zyne.
Nang makarating nako doon sa harap naghintay muna ako nang ilang minuto.
Nakapasok nako sa abandonado at nagusap na tungkol sa gagawing plano bukas.
Habang nagsasalita si Simon nang bigla akong sumingit sa pagsasalita nya.
"Alam mo Simon nahahalata na yata ako nila Zyne"habang nakacrossarm ang aking dalawang kamay.
"Don't worry Brench last na bukas ang ipapagawa ko sayo at kung saan gagawin ko narin ang gusto mo"nakangising saad nito habang may patawa pa.
Tinuloy ulit ni Simon ang pagpaplano bukas nang biglang may ingay kaming narinig sa labas na abandonado kaya agad kaming umalerto ni Simon at lumabas agad.
Pag labas namin wala naman kaming nakita tao at agad akong nakutuban sa nangyari kanina doon sa hagdan.
'Baka sinundan ako nila Peach at Zyne ngayon at baka alam na nila ang pinaplano namin ni Simon'
Kaya agad kaming bumaba ni Simon para tignan kung may tao pa sa baba at napagdisisyonan na naming umuwi na at bukas nalang pagusapan ulit ang plano.
'Sana mali ang naiisip ko...'
Nagisip-isip pa ako ng ilang minuto bago naisipang matulog na dahil lumalalim na ang gabi.
Zyne's POV
'Ano bang nangyayari?sino ang kasama niya?bakit doon sila nagkita?'
Nang gabi na iyon ay hindi ako nakatulog mahigit isang oras lang o kaya naman umidlip lang.
Binabagabag pa din ako sa inaasta ni Brench sa tuwing kaharap namin siya. Para talagang may mali pero di ko mahulaan kung ano.
Kinabukasan ay para na akong sabog. Alam ko din na meron na akong naglalakihang eye bags sa mata ko.
'Bwisit na Brench yon di man lang ako pinatulog ng mahimbing!!'
Mabilis lang ang naging pagkilos ko para maaga akong makapasok nagdahilan na lang ako na may practice kami kay mama pero ang totoo ay gusto ko lang makausap si Peach.
May usapan kasi kaming susunduin niya ako sa may high way kaya naman di na ako tumangi at saktong paglabas ko nga ng street namin ay nandun na siya.
"Tee!!! Goodmorning!!!--ay sabog ang mukha! Anyare sayo? Nagpuyat ka no??"salubong nito sakin.
"Alangan hindi kaya nga nagtatalbugan na tong eyebags ko diba??"pabalang kong sagot.
"Ayy aga-aga ang init ng ulo mo! Sumakay ka na nakaaircon kami baka lumamig yang ulo mo, piste ka!"hindi ko naman siya pinansin at nagtuloy lang sa pagpasok sa van nila.
"Ay, amin to tee hindi sa inyo!!"reklamo niya ng sakupin ko ang tatlong upuan sa may likod ng driver seats.
"Oo nga sainyo nga, di naman inaangkin."
"E kung makaupo ka akala mo ikaw bumili eh no? Umusog ka nga uupo pa ko!!"sigaw nito kaya naman umusog na lang ako para wala na siyang makuda pa.
"Aga mo atang nagpunta dito??"tanong ko.
"Aga mo ding lumabas sa inyo e!!"
"Maayos tanong ko ayusin mo din yung sagot mo!"
"Oh kalma ka lang tee, chill!! Init ng ulo may mens ka ba??"
"Mens your face!!!"
"Pero kagabi di ako nakapagbeauty rest dahil sa baklang Brench na 'yon!!! Ginugulo utak kooo!!!"hawak sintidong sabi niya. Dahan-dahan nang umandar ang Van pero naguusap pa din kami.
'Buti naman at binukasan na niya ang tungkol don! Kating kati pa naman akong may makausap tungkol do'n!!'
"Oh?iniisip mo pala yun?kala ko wala kang pake sa paligid mo e!!"
"Grabe ka naman sakin!! Pero sino kaya ang kausap niya sa loob? Kering keri niyang maging ninja lintek kung makapuslit e no?kala niya di natin siya nasundan!!!"
"Oo kaso dahil sa katangahan mo muntik na tayong mahuli!!!"
"Grabe makatanga!?brainy ka ghOrl? Malay mo nalaman man niyang nasundan natin siya??tapos, BOGGGGGSSSSHHHH, magbabakbakan kayo!! Wasshaaaa, thissnggg, thsshhiinnggg, wataaah sino yang mananalo abangan sa susunod na chapter ng maaksyong buhay ni Zyn--- a-aray bat nam babatok ka????"
"Dami mong kuda no??tsaka anong maaksyon ka dyan?baka gusto mong ikaw ibalibag ko!! Tsaka anong bakbakan!?hindi ko aawayin si Brench kaibigan natin yon ano kaba!!!"inis na sabi ko at sumeryoso naman siya.
"Pero pano nga kung.. may masama siyang gagawin?di ba mas maganda ang pigilan siya kesa sangayunan sa mga binabalak niya??magisip ka nga!! Kahit kaibigan natin yung chakang bakla na yon kung ano ang nasa utak niya hindi natin alam!!kung ano ang iniisip at plinaplano niya ay di natin alam kasi wala naman tayong powers para mabasa ang mga iniisip niya!!"sigaw niya, napabuntong hininga na lang ako dahil may punto din naman siya.
'Sana lang hindi masama ang binalak mo dahil hindi ko alam kong kaya ko pang paniwalaan ang mga susunod na sasabihin mo...'
--------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW ME THANKYOUUUUU.....
BINABASA MO ANG
MAKITA KANG MULI
Teen Fictionit's all about Zyne and Jeco. Malalaman paba ni jeco na si Zyne ang kababata nya? Nakalimutan naba nila ang pinagsamahan nila? Matatanggap ba ni Jeco ang pagkatao ni Zyne? Sabay-sabay natin subaybayan ang pagmamahalan nilang dalawa.... To be continu...