CHAPTER 24

18 7 0
                                    

Zyne's POV

Maaga akong nagising para maghanda.Sa totoo lang ayaw ko talagang sumama kasi walang maiiwan kay Rome at kay mama.

Pero dahil nagkulit yung dalawa at nagpumilit na sumama ako e ano pa bang magagawa ko?

Nagpaalam na rin ako kay mama at Rome at sinabi naman nilang magenjoy daw ako.

Malapit ng magfive thirty ng lumabas ako ng bahay.

'At anong ginagawa nila dito??'

"Goodmorning bHie/tee!!"bati nila sabay yakap at halik sa pisngi ko.

"Bat kayo nandito??"tanong ko.

"Susunduin ka malamang?!"

"Shushunga-shunga ka nanaman aga-aga tee!!"

"Puta,ano't nandito nga kayo??"

"Hays susunduin ka namin kasi sa private tayo sasakay di tayo sasabay sa iba..."

"Huh!?baka naman may bayad din dyan??naku ayoko na ng gastusin!!"

"Tanga wala kang gagastuhin bHie si daddy may sabi--sige ka pagtinanggihan mo to madodrop-out ka!!"

"E bakit nga sa private kung pede naman sa public,di ba??"

Nagkibit balikat lang si Peach at nauna nang pumasok sa isang black van.

"Tara na wag ng maraming tanong!!"sabi ni Brench sabay hatak sa kin papasok sa sasakyan.

Tahimik ang naging byahe at swabe ang naging pagtakbo ng van.Isinuot ko ang earphones ko at nagpatugtog ng relaxing songs habang sa labas ng bintana nakatingin.

Tinted naman to kaya okay lang kahit magmakeface pa ko kasi hindi naman makikita sa labas.

Ilang oras din ang itinagal ng byahe bago narating ang beach kung saan magaganap ang isang linggong camping namin.

Natanaw ko ang bus na gamit-gamit ng ibang istudyante sa may parking space nitong beach.

Nang makababa ako ng sasakyan ay agad na tumama sa balat ko ang sariwang hangin.

Napapikit ako habang dinadamdam ang katahimikan at ang ganda ng tanawin.

Kay sarap sa pandinig ng paghampas ng alon sa dalampasigan at mga huni ng mga ibon sa mga puno.

Bigla ay nakaramdam ako ng hiya kasi kami pa itong nahuli at hindi nakatulong sa paghahanda ng ilan para mamaya.

Nakakahiya pagkat dahil lamang kaibigan ko si Brench e nakakaranas ako ng special treatment.

Nagdisisyong tumulong na lang ako sa mga naghahanda ng makakain kahit na ayaw nila Brench at Peach ay ginawa ko pa rin.

Hapon na ng makarating kami kaya naman di na ako magtataka kung malapit ng dumilim ang langit at paligid.

Kasama ko ngayon ang dalawang bruha kong kaibigan sa may tabi ng dalampasigan ha bang naguusap tungkol sa lovelife.

"bHie ano gusto mo sa lalake?"Tanong ni Brench kay Peach.

"Ang gusto ko sa lalake moreno tyaka gentleman"kinikilig na saad nya saamin.

"Chaakkkkaaa!!"

"Chee!! inggit kalang"mataray na saad nya kay Brench.

"Ikaw tee!!Anong gusto mo sa lalake?"tanong ni Peach kay Brech.

"Tinatanong mo pa ako nya gusto ko sa isang lalake moreno,balbunin,gentleman higit sa lahat yung hot"

"Award ka naman bakla"

"Ako pa ba"Nakangising saad nya kay Peach.

"Ikaw Zyne?ano ba bet mo lalake ba o babae?"nagtatakang saad nila saakin.

"E-eh ngayon kolang sasabihin sa inyo to ha Bisexual kasi ako"

"O-O M-M G-G truely?"gulat na gulat na saad nila saakin.

"Oo sainyo kolang to sinabi kasi alam ko comfortable naman ako sa inyo"

"Okey fine bHie di namin sasabihin"

"Oo nga tee di namin pagkakalat di naman kami plastik eh"

Bumalik nanga kami sa mga nakahandang tent.Mayamaya ay dumating sa site namin ang isang section.

Habang pabalik na kami may isang adviser na lumapit saamin.

"Kayong dalawa ang kukuha ng panggatong doon sa kakahuyan para mamaya sa bonfire"habang nakaturo ang daliri nito kila Brench at Peach.

"Bat kami?"Habang nakataas ang kilay ni Brench.

"Oo nga bat kami?"Nagtatakang saad ni Peach.

"Diba maganda kayo?"singit ko sa kanila.

"Oo!!"sabay na saad nila saakin.

"Pag di kayo kumuha ng panggatong di na kayo maganda"Nakangising saad ko sa kanila.

"Tse ako lang naman yung maganda"Mataray na saad ni Peach.

"A-ano? Ikaw maganda?"Pasigaw na saad ni Brench.

"Oo maganda ako"

"Fyi mas maganda ako sayo di ako papatalo duuhhh"

"Kung sino makakuha ng madaming panggatong sa kakahuya sya yung magiging maganda sa balat ng lupa'may balat ba yung lupa?agree ba kayong dalawa?"saad ko sa kanilang dalawa.

"Ako makakakuha ng maraming panggatong"Habang tumatakbo si Brench papunta sa kakahuyan.

"Tse ako kaya"Mabilis na sumunod si Peach kay Brench.

Ang dali talagang mauto itong mga kaibigan ko eh pag usapang maganda talaga di sila papatalo.

'Mas maganda naman ako sa kanila'

Habang nakatingin ako ay naramdaman kong nakaalis na ang adviser na nakausap namin kanina.

May nakita akong upuan malapit sa may tent at dali-dali akong pumunta doon para magrelax.

--------------------------------------------------

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW ME THANKYOUUUUUU.......





MAKITA KANG MULITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon