Simon's POV
Nakukunsensya ako sa ginagawa ko kay Zyne pero ayaw ko maging masaya silang dalawa kailangan kong paglayoin sila para di nila malaman na sila talaga ang magkababata.
Nasa kwarto ako ngayon nagiisip kung ano ang ibibigay ko bukas na regalo kay Zyne.
Gumagabi na rin ay naisipan ko na matulog na nang maaga para makabili na ako nang regalo kay Zyne bukas.
Nagising ako sa ingay nang alarm clock kaya dali-dali akong tumayo at naligo inayos kona rin yung mga gamit ko sa school.
'Bibili na lang ako bago pumasok tutal may shop naman na malapit sa school'
Nang matapos akong magayos ay mabilis akong lumabas sa bahay at tumakbo para makabili mahirap na baka malate ako!!
Nang makarating ako sa shop at pumasok agad ako at bumili."Welcome to Nina's Flower shop!!"bati ng babae sa kin.
"Hmm, meron ba kayong rosas dito?"
"Yes sir, meron po kami iba't ibang kulay po ang narito-dito po tayo ng makapili kayo!!"dinala ako nito sa mga rosas.
"Pumili na po kayo ng kukunin niyo magandang quality po lahat ng yan."
"Ahh,yung red na lang pakigandahan sana yung balot thank you."
"Sige po sir!!"umalis na nga ito kaya naman naghintay muna ak ng ilang minuto bago dumating ang binili ko.
'Siguradong magugustuhan niya to!!'
Lumabas ako ng shop ng may ngiti sa labi ng madaanan ko ang chocolate store.
'Hindi naman siguro masama kung bibilhan ko siya ng chocolate diba?'
Pumasok na nga ako sa loob at bumili ng isang balot ng tobleron at isang balot din ng dairy milk.
Naglakad na lang ako papasok sa school dahil malapit lang naman ang school sa shop na binilhan ko.
Nang makapasok ako sa loob ay hinanap ko agad si Zyne. Dumiretso ako sa room nila pero wala pa siya kaya naman inabangan ko siya sa gate
Ilang minuto din ako naghintay sa gate swerte dumating na din sya.
"Ang aga mo ngayon ha"Nakangiting saad nya habang papunta saakin.
"Syempre ako paba"
Nagulat sya sa ginawa ko bigla kong kinuha ang kamay nya at dali-dali ko syang pinunta sa secret garden.
"Wow bakit tayo nandito?"
"May regalo kase ako"
"Ano namang regalo yan?e di ko naman birthday ah!"
"Basta!"
"Ano ba yun?"inilabas ko naman ang regalo ko at binigay sa kanya.
"P-para s-saan to?bat mo k binibigyan nito?"gulat na tanong niya.
"Ah wala lang gusto lang kitang regaluhan, kunin mo na!"
"Ayoko bat kasi binibigyan mo ko ng ganya?itabi mo na lang yan!"
"Kunin mo na sige ka magtatampo ako pagdimo kinuha!!"nananakot pang sabi ko kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang kunin ito.
"S-salamat!"nahihiyang sabi nito.
"Welcome, basta ikaw!"naglakad na kami papasok at naghiwalay ng makarating na sa kanya-kanyang room.
Zyne's POV
Nang makapasok ako sa loob ng room ay agad akong umupo.Inilapag ko sa desk ko ang bulaklak at chocolate na bigay sa kin ni Simon.
'Mabango ang bulaklak na napili niya, pero bat sakin niya binigay?'
"Huy, tee kanina ka pa namin hini--ay, kanino mo yan ibibgay?naku may nililigawan ka na ba?"tanong ni Peach.
"Huh, wala ah!"tanggi ko.
"Weee, naku tee al--"naputol ang sasabihin niya ng dumating si Brench.
"bHie anyare?wow flowers at chocolates kanino galing to Zyne?"tanong naman ni Brench.
"K-kay S-si-simon"sabi ko.
"WHAT?BINIGAY YAN NI SIMON?"sabay nilang sabi.
"Shhh, wag nga kayong maingay baka may makarinig sa inyo!!"saway ko.
"Naku ah, iba na yan--"natigil sa pagsasalita si Brench ng may kumalabog sa gilid ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita sila Trevor, Jason, at Jeco na diretsong nakatingin samin. Masama ang tingin sakin ni Jason at matalim naman ang tingin ni Jeco sa bulaklak at tsokolate. Si Trevor naman ay diretsong nakatingin kay peach.
W-wag m-mong sabihing....
Narinig nila yung sinabi nila Peach at Brench?
Bat ganyan ang reakyon ni Jason at Jeco?nagalit ba sila dahil sa narinig nila?
Narinig naman kaya nila o baka naman hindi? Aws, sakit sa ulo.
--------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW ME THANKYOUUUUUU........
BINABASA MO ANG
MAKITA KANG MULI
Teen Fictionit's all about Zyne and Jeco. Malalaman paba ni jeco na si Zyne ang kababata nya? Nakalimutan naba nila ang pinagsamahan nila? Matatanggap ba ni Jeco ang pagkatao ni Zyne? Sabay-sabay natin subaybayan ang pagmamahalan nilang dalawa.... To be continu...