CHAPTER 16

24 9 0
                                    

Zyne's POV

Sa dinami-dami ng taong pedeng makita ko ay sila pa talaga!!

'Hayss!!kainis!!!'

Ginawa ko na lamang ang trabaho ko at hindi inisip ang sigawang nangyari kanina.

"Give me one strawberry milktea without black pearl"order ng isang costumer.

"One strawberry milktea without black pearl,ma'am?"

"Yes!"

"Just give us five minutes ma'am"sabi ko at nagtungo sa counter.

"One strawberry milktea without black pearl"saad ko at nagtungo sa iba pang costumer.

"One strawberry milktea without black pearl,Table 13!!"sigaw ng counter kaya dali-dali ko itong pinuntahan.

"Your strawberry milktea without black pearl ma'am!"nakangiting sabi ko habang nilalapag ang order niya.

Nagpaulit-ulit ang naging takbo ng gabing ito.Nakakapagod pero nageenjoy naman ako kahit papaano.

Namataan kong muli ang tatlong ugok na nasa may dulo ng shop.

'Di pa ba sila aalis?!kanina pa sila dito ah!!'

'O baka naman...may plinaplano si Trevor sakin?!'

'Kung meron dapat ay kanina niya ginawa boba!!'

'Ay oo nga!!'

Malapit ng magdaling-araw kaya naman ay nagoff na ako dahil maaga ang pasok namin.

1:30 na nang madaling araw ng matapos ako sa trabaho nagpaalam ako sa manager na umuwi na ako dahil nga may pasok ako.

Nakapagpalit na ako at inayos na ang gamit ko.Nilakad ko na lamang ang pauwi samin kahit medyo malayo-layo ito.

Hawak-hawak ko ang batok ko dahil sa ngalay at habang nanakit ang likod ko.

Buong gabi nga pala akong nakatayo!!

Unang araw pa lamang ay ganito na ang sinapit ko pano pa kaya kung isang linggo pa?!

Bahala na saakin naman mapupunta ang sahod at hindi sa kanila,kahit papaano ay makakatulong rin ako kay mama!!

Nasa harapan na ako ng bahay namin.Nanakit na ang buong katawan ko maging ang paa ko marahil dahil sa mahabang lakaran.

Naabutan ko si mama na sa sala na natulog kahihintay sakin.Maingat ko siyang hinalikan sa noo dahilan upang magising siya at tarantang tumayo.

"Nak gusto mo bang ipaghain kita?!"

"Ano,tubig gusto mo ba ng tubig!?"

"Umupo ka muna rito at ihahanda kita ng makakain!"

"Akina nga yang bag mo anak ilalapag ko lang doon sa cabinet!!"

Nakakatuwa talaga si mama.Masyado siyang maalaga at kahit na mahirapan pa siya basta para saming anak niya e ginagawa pa rin niya.

Nakabalik na ito mula sa kusina.May dala-dala siyang plato at basong may laman na juice.

"O ayan nak kumain ka na,minudo ang ulam natin...pasensya ka na't ayan lang ang nagkasya sa budget ng nanay!"

"Ano ka ba ma!ang sarap-sarap na kaya nito!!alam mo nay pede na saamin ito hindi naman kami maarte sa ulam ni Rome!!"

"O siya sige na kumain ka na!!"

Kumain na nga ako at nagprisintang maghugas pero pinigilan ako ni mama sabi niya ay ilaan ko na lamang ang libreng oras ko sa pagtulog pagkat maaga pa raw ang pasok ko.

Ginawa ko na lamang ang sinabi niya.Inilaan ang libreng oras sa pagtulog upang maagang makapasok sa eskwelahan bukas.

"Kuya!!kuya!!"

"O bakit rome!?"sabi ko habang humihikbi.

"Gumising ka na daw sabi ni mama 5:30 na daw po!!"

"Sige susunod na ako maliligo lang ako"sabi ko habang inaayos ang hinigaan ko.

"Sige po sasabihin ko kay mama!!"sabi nito at lumabas na ng kwarto.

Gaya nga ng sinabi ko ay naligo ako at bumaba na para magalmusal.

"Nakatulog ka ba ng maayos nak?!"tanong ni mama nang nasa kalagitnaan na kami ng pagkain.

"Kulang pero sapat na po"sabi ko at sumubong muli.

"Ayaw pa sana kitang gisingin pero baka malate ka naman sa klase mo"

"Ok lang ma kumain na lang tayo!!"

Nang matapos ay lumabas na ako ng bahay at nagabang ng trysikel sa daan.

Nasa tapat na ako ng gate habang hinihintay sina Brench at Peach.

"Goodmorning bHie!!!!"

"Waaahhh tee magandang umaga!!"

'Aga-aga ang ingay-ingay na ng mga 'to'

"Bat parang wala ka sa mood tee?!"tanong ni Peach habang naglalakad kami papasok sa loob.

"Kulang lang ako sa tulog"

"Dahil ba sa trabaho mo bHie?"

"Malamang dahil don shunga mo naman!!"

"Tse!!gusto mo bang kausapin ko si Sir para di na matuloy yung parusa??"

"Wag na Brench ok na ako tsaka sayang yung sahod pagnagkataon pangtulong na rin yon kay mama"

"Basta talk to us if my need ka tee!!"

"Oo nga bHie!"

"Sige tara na baka malate tayo!!"

At naglakad na nga kami papasok at hinintay ang professor.

--------------------------------------------------

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW ME THANKYOUUUU......


MAKITA KANG MULITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon