Jeco's POV
Ilang araw na akong hindi mapakali dahil sa kakahanap sa litrato. Nagtanong-tanong na kami kung kanikanino pero wala e, hinalughog ko na rin ang kwarto ko at pinahanap ito sa buong mansyon pero wala daw silang makita.
'Please, magpakita ka na...'
Nanlulumong pumasok ako sa school. ilang araw ko na ding hindi nakakausap at nakakasama sila Zyne pero hindi ko na yung inatupag pa.
Nang maglunch break ay ganon pa din ang ginawa namin. Tanong dito, tanong doon, pero gaya din ng dati bigo kami.
"Dun ka kaya magtanong, Jason?!"sabi ko at tumango naman siya.
"Sige, dito ka lang Jeco, Trev dun ka sa bandang don!??"turo ni Jason sa malapit sa likod ng school.
"Sige!"sabay naming sabi ni Trev bago maghiwahiwalay at maghanap na.
Trevor's POV
'Ayos na Jason yun ah!?dito talaga ako pinahanap??bwisit pasalamat siya di ko siya sinuntok kanina sa inis!!'
Naglakad-lakad ako, at bawat makasalubong ko ay tinatanong ko pero wala daw silang makita.
Kakalakad ko ay napunta sa may room ni Simon.
'Isa pang pisteng malas!!'
Nilampasan ko lang siya pero pinigilan niya ako, inis naman akong tumingin sa kanya.
"Ano ba??harang harang ka may gagawin pa ko!!"inis na sigaw ko.
"Anong bang ginagawa mo dito??diba doon ang site niyo??"nakangising saad niya kaya naman nagsalubong ang kilay ko sa inis.
"E anong pake mo?tch, get off your hands on me!!!"sigaw ko, nakangisi pa rin siya ng alisin niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
'Abnoy..'
"Mukhang may hinahanap ka ah?sino o ano??"sabi nito ng makatalikod ako sa kanya.
'Di naman siguro masama kung tatanungin ko tong bwisit na to diba?malay natin alam niya tutal para naman siyang ipis na pakakalat-kalat dito sa campus..'
Nakangising humarap din ako sa kanya bago nagsalita."Oo e may 'HINAHANAP AKO' baka sakaling 'NAKITA MO PAKISABI NAMAN SAKIN'.."madiing sabi ko.
"Ano ba yun baka sakaling 'MAKATULONG AKO'.."madiin din sabi niya.
"Yung picture ang hinahanap ko."sabi ko at natigilan siya at sandaling nagisip.
"Ahh, picture??marami kaming picture gusto mo bigyan kita???"sarkastikong sabi niya.
"Wag na makikita ko lang palagi yang mapanget mong mukha!! Tsaka di ko kailangan ng picture mo dahil yung hinahanap ko ay picture ng 'NAPAKAGWAPO' kong kaibigan na si 'JECO' na may kasamang kababata niya, mga bata pa sila don pero mahuhulaang si Jeco naman.."mahabang sabi ko.
"Ahh yun ba??parang may nakita ako!! Dalawang bata yon tama??"
'So nakita niya nga?nice, trevor your such a genius!!'
"Oo yun nga!! san mo nakita!?akina ibigay mo na sakin!!"
"Ay, natapon ko akala ko basura e."kunwaring nanghihinayang pang sabi niya.
"Tangna, bat mo tinapon!?? Asan mo tinapon??!!!"
"Sa likod ng school."sabi niya at hinablot ko naman siya.
"Samahan mo ko hayop ka! Tagal naming hinanap na sayo lang pala!!!"inis akong naglakad papunta sa likod ng school kasama tong tarantadong si Simon.
"Asan na??hanapin mo na??"inis na sabi ko at padabog na binitawan siya.
"Hanapin mo dyan, hahanapin ko dito!!"utos niya, sa likod ko siya at sa likod niya ako bale magkatalikod kami.
"Eto na nakita ko na Trevor!!"saad ni Simon.
"Saan!??"
"Eto oh!!"nagulat ako nang bagay sa may ulo ko kaya naman nakaramdam ako ng hilo at pananakit nito.
'Tangna mo ang sakit nun ha yari ka sakin pag nagising ako'
Sa subrang lakas nang paghampas nya ay bigla na lang ako natumba at diko na nalaman kung ano ang sumunod na nangyari.
Simon's POV
Lunch break na namin nun nang makita ko si Trevor na may hinahanap at agad akong pumunta para tanungin kong ano ang hinahanap nya.
Napagtanto ko na yung litrato pala nila Jeco at Zyne ang hinanap nya kaya agad nanlisik ang aking mata at galit na galit sa kanila.
Sinabi ko na lamang kay Trevor na nakita ko at itinapon ko ito sa may likod nang school.
'Etong si tanga naniwala din HAHAHAHAHAHA'
Nandito na kami sa likod nang school ni Trevor na galit na galit parin saakin pero di ako papatalo sa kanya mas galit ako sa kanila.
'Ang swerte ko ngayon dahil matutupad na ang pinapangarap ni Brench'
Habang nakatalikod sya saakin naghanap naman ako nang kahoy na ihahampas ko sa kanya para mawalan sya nang malay.
Buti nalang ay madaming kahoy dito pero yung iba ay may pako naghanap ako nang wala pako para ihampas sa kanya.
Maganda kahoy na na nahanap ko parang dos por dos at sinabi ko na nahanap kona pagkalingon nya ay agad ko itong inihampas sa kanyang ulo kaya agad naman sya na nawalan nang malay.
Binuhat ko sya at dinala sa abandonadong classroom nakarating na ako doon at inupo ko sya at naghanap ako nangtali para igapos sya doon sa may upuan.
Ilang minuto ang nakalipas tinawagan ko si Brench para ipaalam sa kanya na may supresa ako sa kanya dali-dali naman syang pumunta at nagulat sya sa nakita nya.
"Bat nandito si Trevor?"gulat na gulat sa nakita nya na nakagapos si Trevor.
"Diba eto naman yung gusto mo yung mapa sayo sya at walang aangkin sa kanya kundi ikaw lang"nakangising saad ko.
"Hindi sa ganun Simon maling-mali yung ginawa mo"Habang mapaupo sya sa sahig sa nakikita nya ngayon.
"Oo na mali nako pero gusto modin naman diba? Gusto mo syang masolo ayaw mo na may kahati ka sa kanya ganun din nararamdaman ko ayaw ko na may kahati ako kay Zyne gusto ko ako lang ako lang!!"galit na galit na saad ko.
"Gusto mo si Zyne?kala ko ba kaya mo ginagawa to dahil ayaw mo maging masaya silang dalawa ni Zyne at Jeco at gusto molang sirain yung buhay nila"
"Hindi lang yun dahil may nararamdaman ako kay Zyne"nagulat nalang ako nang biglang mag salita si Trevor.
"Tangnamo Simon anong ginawa mo saakin?sabi ko na nga eh may gagawin kang masama"Habang sumisigaw at parang gusto nyang kumawala sa pagkakahigpit ng pagkagapos ko sa kanya.
Nginisihan kolang si Trevor at tinuon ko ulit kay Brench "ano na?"
"Diba gusto mo syang masolo?"Nakangising saad ko kay Brench.
"Oo naman"
"Ayan na,ayan na yung suprice ko sayo"Natatawang saad ko.
--------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW ME THANKYOUUU....
BINABASA MO ANG
MAKITA KANG MULI
Teen Fictionit's all about Zyne and Jeco. Malalaman paba ni jeco na si Zyne ang kababata nya? Nakalimutan naba nila ang pinagsamahan nila? Matatanggap ba ni Jeco ang pagkatao ni Zyne? Sabay-sabay natin subaybayan ang pagmamahalan nilang dalawa.... To be continu...