Jason's POV
Nang maguwian e agad kaming dumiretso sa milktea shop.Wala pa si Zyne ng makarating kami roon.
Umupo kami sa dulo kung saan ang pwesto naming tatlo.Nagaasaran ma'y hindi mawala ang lungkot sa puso ko.
Kanina ko pa to nararamdaman sa di ko malamang dahilan.Nalulungkot ako sa di ko naman alam ang nangyari.
Umorder na nga kami ng maiinom habang hinihintay si Zyne na dumating.
Maya-maya rin ay dumating na nga ang taong hinihintay namin.Nagmamadali siya at mukhang galing lang sa katatakbo.
Narinig din namin ang paghingi nito ng paumanhin dahil nga medyo late na siya.
'Bakit naman kaya siya nalate!??'
Tahimik ko lang na pinagmamasdan siya mula sa upuan namin.
Pagod ma'y hindi mawagli sa mukha niya ang ngiti marahil ay masaya rin siya sa kanyang ginagawa.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na pagmasdan lamang siya mula sa iilang distansya.
Nagtaas ako ng kamay hudyat na kailangan ko ng taong magseserve samin.
"May I take your order sir--kayo nanaman??di na ba kayo nagsasawa??lagi na lang kayong nandito!!"inis na saad nito.
"Ahh kase..."naiilang na sabi ko.
"Ano bang pakealam mo??"inis na sabi naman ni Trevor.
"Ang akin lang naman lagi na lang kayong nandito di ba kayo nagsasawa??"
"Sa milktea hindi pero sa mukha mo,oo"
"Trevor!!"sita ni Jeco sa kanya.
"Nagsasawa ka na pala sa mukha ko e bakit punta ka pa ng punta rito??"
"E sa ano bang pake mooo??"
"Trevor!!"sitang muli ni Jeco.
Nagsisimula ng maginit ang tensyon sa pagitan nilang dalawa habang si Jeco ay pilit na hinuhupa ito samantalang ako ay di malaman ang gagawin habang naglilipat ng tingin sa kanilang dalawa.
"Baka naman may balak ka nanaman??"
"Bakit natatakot ka na ba??"
"At bakit naman??"
"Tsk, alam ko namang hindi mo makakaya ang magiging punishment mo kung sakali!!"
"Kinakaya ko na nga e so pano pa ko matatakot??"
"Pwede bang tumigil na kayo??"sa wakas ay nakapagsalita na ako.
"Sorry Jason pero umalis na lang siguro kayo!!"
"Bakit naman kami aalis dito?pede namang ikaw na lang!!"
"Trevor!!Please SHUT THE HELL UP!!"sita na ni Jeco.
"May problema po sir??"hindi namin namalayang nakalapit na sa pwesto namin si Kendra ang maneger ng shop.
"Kanina pa kami nagaaway dito ngayon ka lang lumapit??"sarkastikong tanong ni Trevor.
"S-sorry sir dumadami na po kasi yung tao kaya naman medyo busy na po ako!!"
"Tsk, whatever!!"
"I SAID SHUT THE HELL UP!!"galit na talaga si Jeco kaya naman hindi na umatungal pa si Trevor.
"I can handle this Kendra you may back to your work now!!"sabi ko na agad ding naman niyang sinunod.
"Ah kukunin ko na yung order niyo!!"
"Umalis ka na lang dito nakakainis yang mukha mo!!"galit na saad ni Trevor kay Zyne.
"At bakit ko naman gagawin yang sinasabi mo??"
"Edi wag ipapafired na lang kita!!"
"So ikaw may ari nitong shop??"
"Oo!"
"Hoy!!anong ikaw baka ako yun??"inis na singit ko.
'Tama bang angkinin ang akin??'
"Wag ka maniniwala jan kay Trevor"
"Bat ako maniniwala jan eh halata namang sinungaling yan"
"Ako sinungaling?"Galit na galit na saad ni Trevor.
"Diba kayo nagsasawa?lagi nalang kasi kayo nandito"
"Jason sabihin mona nga yung totoo"singit ni Jeco.
"Anong dapat mo sabihin sakin Jason? Ano!?"
"E-eh kasi ako kasi may ari ng Milktea shop na tinatrabahohan mo"Nakangising saad ko.
"WTF ikaw?"gulat na gulat na reaction ni Zyne.
"Oo ako nga"
"Hala sorry sir sa mga nasabi ko"habang nakayukong saad nya.
"Napahiya ka ngayon"singit ni Trevor.
"SHUT UP"saad ni Jeco.
"Sige na kunin mona yung mga order namin baka ano pa gawin sayo dito ni Trevor"Nakangiting saad ko kat Zyne.
"Opo sir hintayin nyo nalang po ng 5 minuto"
Umalis na nga si Zyne na parang lutang at gulat na gulat parin sya sa mga sinabi ko.
Ilang oras din kami sa shop at napagdisisyonan na namin umuwi para sa Beach Camping bukas.
Excited na excited si Trevor sa Beach Camp nayun dahil sa naka swimsuit ang mga babae baka daw doon na sya makahanap ng chikabebs nya.
Nagsiuwian na kami sa mga bahay bahay namin at nasermonan nanaman ako pero humupa din ang sermon sakin ni mommy nung sinabi ko na nasa milktea shop lang ako dumaretso nako sa may kwarto para magpahinga.
-------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW ME THANKYOUUUUU.......
BINABASA MO ANG
MAKITA KANG MULI
Teen Fictionit's all about Zyne and Jeco. Malalaman paba ni jeco na si Zyne ang kababata nya? Nakalimutan naba nila ang pinagsamahan nila? Matatanggap ba ni Jeco ang pagkatao ni Zyne? Sabay-sabay natin subaybayan ang pagmamahalan nilang dalawa.... To be continu...