CHAPTER 32

14 4 0
                                    

Trevor's POV

Gumaan ang pakiramdam ko nung ikinuwento ko sa kanila ang story ko tungkol doon sa papa ko minsan napapaisip ako kung mapapatawad ko ba sya o hindi.

Ilang oras din kami doon sa bonfire nagkekwentohan tungkol sa sarili nila pamilya,kaibigan,malagim na nakaraan pero masaya tinawag na din kami para matulog na 11:20 pm na rin yun nang natulog nako ewan ko sa iba kung natulog na rin sila.

Nagising nalang ako sa subrang lakas ng hilik ni Patricia 'Ang gandang babae ang lakas humilik'.

Ayun naglibot-libot mona ako dito sa site nang makita ko si Zyne na nakaupo malapit sa may dalampasigan.

Nagdadalawang isip akong puntahan sya para magsorry sa mga ginawa sa kanya pero nahihiya ako 'MAY HIYA KA PALA TREVOR HAHAHAHA' nagulat nalang ako nang magsalita si Zyne.

"Alam ko nanjan ka Trevor anong kailangan mo?"

"A-ah e-eh may sasabihin kase ako sayo" saad ko habang papalapit kay Zyne.

"Ano sasaktan mo nanaman ako may gagawin ka nanamang masama saakin?"saad nya habang napapayuko.

"H-hindi,hindi wala akong gagawin sayong masama"habang paupo na sa inuopuan ni Zyne.

"Ganun ba?ano ba sasabihin mo saakin?"

"Gusto ko lang magsorry sayo Zyne sa mga ginawa kong masasama sayo pinagsisisihan ko na yun"nakayukong saad ko.

"Ayun ba?HAHAHAHA okey lang yun ano kaba"Natatawang saad nya.

"Pinapatawad mo na bako?"

"Oo naman si Jesus nga nagbibigay nang second chance ako pa kayang normal na tao lang"Nakangiting saad ni Zyne saakin.

"Yun thankyou talagaaa"

"Wala yun ano kaba"

Ilang oras din kaming nagusap ni Zyne habang tinitignan ang view ng dagat.

-

Last day na namin ngayon dito sa beach nilagay na ang tent sa tamang lagayan at nagiimpake na rin yung mga estudyante habang nagiimpake kame nang magsalita ang babaeng naka megaphone.

"Okey class eto na ang huling araw natin dito sa Beach camping kaya tayo ay mag boboodle fight"

Masaya ang mga araw na pananatili namin rito nakakalungkot lang na aalis na pala kami at iiwan ang masasayang memorya dito.

Sana ay makabalik kami dito para naman guminhawa ang pakiramdam namin kahit papaano.

Naghahanda na ang ilan para sa boodle fight na mangyayari mamaya.

Sumali na din ako sa paghahanda para mapabilis ito.

"Okay, class!! lumapit na kayong lahat dito!!"sabi ni maam habang pumapalakpak.

Agad namang nagsipuntahan ang ilan matapos ang aming paghahanda.

Nakalatag sa lamesa ang pinagdugtong-dugtong na dahon ng saging at maraming kanin.

Meron ding tuyo, kamatis, chicken, inihaw na bangus at iba pa.

Kumain na kame at masayang nagkekwetohan,nagaasaran dimo mawawala ang ngiti sa mga labi ang saya't tuwa sa kanila.

Sinulit na nga namin yung araw nato nagswimming nag volleyball,habol habolan at iba pang malalaro sa beach.

Hapon na ngayon at aalis na kame kaya naman hinanda na namin ang mga gamit-gamit namin at inayos ang mga bagay na nagulo namin.

Papasok na sana kami sa bus na gamit namin pauwi pero bago kami makapasok ay hinarang kami ni maam at kinausap.

Sinabi nito samin na naokupado na ang upuan namin ng mga gamit na hindi na kasya sa lalagyan.

Kaya naman namomoblema kami ngayon kung saan kami sasakay pauwi.

"Uy anyare sa inyo?"tanong samin ni Brench na nasa likod pala namin.

Agad naman naming sinabi ang nangyari kaya nagaalala na rin siya.

"Uy tee bakit nandito kapa?tara na mahihiga pa tayo sa likod ng van diba?"habol na tanong ni Peach.

"Ayyyy bHieee anggg galliinngg moooo!!"

"Bakit naman tee?--o kayo bat pa kayo nandito?"

"Samin na lang kayo sumabay tutal may vacant space pa naman sa van e!"

"Talaga di ba kami makakasagabal?"tanong ni Jason.

"Yeah baka makasikip lang kami sa inyo!"sabat naman ni Jeco.

"Hindi kunti lang naman ang gamit namin tsaka tatlo lang kami it means na may vancant space pa sa likod."

"Salamat ah--tara wag na umarte gusto niyo ata maiwan dito e!!"yaya ko at sabay na kaming nagyaya papunta sa van.

--------------------------------------------------

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW ME THANKYOUUUUU..........




MAKITA KANG MULITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon