Tristan"Pre San ka?" Tanung ni jaymar Kay xander pag ka labas namin ng room bigla kasi itong nag iba ng dereksyon na lalakaran.
"Cr lang muna ako pre sunod na lang ako sa inyo sa canteen" nag mamadaling sabi nito sa amin saka nag lakad paalis.
Pag kaalis niya nag lakad na kami papuntang canteen sakto andun na sila Calvin sa table.
"Oh asan si xander?" Tanung agad ni coby pag kadating namin tahimik lang akong umupo sa tabi ni Calvin.
"Nag cr lang susunod na lang daw siya dito" sabi naman ni lance Kay coby.
"Kanina pa ba kayo dito?" Tanung ko naman kila coby.
"Hindi kakadating lang din namin!" Sagot naman ni Calvin kaya tumango lang ako.
"Ano Tara na order na tayo?" Tanung ni coby.
"Sige Tara gutom na rin ako eh!" Sabi naman ni jaymar kaya tumayo na sila jaymar at coby.
"Tara lance samahan mona kami!" Akit ni coby Kay lance tumingin sa kanila si lance na parang ayaw niya.
"Kayu na lang kaya niyo na yan ang lalaki niyo na mag papasama pa kayo!" Sabi nito sa kanila kaya nag katinginan sila.
"Ah ganun ayaw mo talaga?"nakangiting Tanung ni jaymar Kay lance umiling lang si lance sa kanya.
" oh cge ikaw din pag Hindi ka sumama edi sasabihin ko kung sino yun! "Hindi na ituloy ni jaymar ang sasabihin niya dahil bigla itong tinakpan ng kamay ni lance ang bibig niya.
" Tara na nga ang babagal niyo kanina ko pa gustong umorder eh"sabi nito sa ka nila saka nag lakad paalis si jaymar naman medyo natatawa si coby naman nag tatakang sumunod sa kanila.
Tumingin ako sa pwesto nila Cali pero diko siya dun nakita si mauwi at Sofia lang ang nandun pasimple naman akong tumingin sa paligid asan kaya yun.
"Tristan!" Tawag sa akin ni Calvin kaya bigla akong napatingin sa kanya.
"Ano" balik na tanung ko sa kanya pero tinitigan lang niya ako.
"Nothing" biglang sabi niya kaya Napa kunot ang noo ko sa kanya pero dina siya tumingin sa akin at kila coby na siya tumingin habang umuorder ng pag kain namin.
Sumeryoso ang tingin ko Kay Cali ng makita ko siyang papasok pa lang ng canteen San naman galing yan at mas lalo akong nag taka ng halos mag kasunod lang sila ni xander pag pasok sa canteen teka possible kayang mag kasama sila kanina.
"Bakit ang tagal mo?" Seryosong tanung ko Kay xander pag kaupo niya sa harap ko kaya bigla itong napangiti sa akin baliw.
"Ito naman sandali lang akong nawala na miss mo agad ako!" Biro nito sa akin pero di ako natatawa naiinis ako sa kanya.
"Chill Tristan ang dami kasing tao sa cr kaya natagalan ako bakit anong meron ba?" Tanung nito sa akin bigla kasing sumama ang tingin ko sa kanya.
"Xander mag usap tayu mamaya!" Sabi ni Calvin Kay xander kaya napatingin ito sa kanya ng nag tataka mag sasalita pa sana siya ng biglang dumating na sila lance dala ang pag kain namin.
YOU ARE READING
MY DREAM OR YOU? (BOOK 1)
RomanceSo many problem that it comes to her life but kahit minsan Hindi niya ito sinukuan at patuloy lang siyang lumalaban katulad na lang ng kanyang pangarap she will do everything to make this come true. For her ang pangarap niya lang ang mahalaga sa buh...