Cali"Cali ayus ka lang ba?" Nag aalalang tanung sa akin ni Jane.
"Ah oo naman bakit?" Takang tanung ko sa kanya.
"Eh kasi parang ang lalim ng inisip mo eh kanina kapa kaya kinakausap ni mark!" Sabi niya kaya napatingin ako Kay mark na kakaalis lang.
"Talaga sorry ano ba yung sinasabi niya?" Takang tanung ko ulit.
"Oh tamo Hindi ka talaga nakikinig sa sinasabi niya!" Sabi niya sa akin ngumiti na lang ako sa kanya.
"By the way ang sinasabi ni mark eh baka daw sa next week eh isang linggong sarado ang coffee shop na ito!" Sabi niya ulit.
"Huh isang linggo bakit naman?" Takang tanung ko ulit pero umiling lang siya.
"Diko ren alam baka lang naman narinig daw kasi kanina ni mark na nag uusap yung manager natin saka yung may ari nitong coffee shop na mag sasara daw muna ito next week.paliwanag niya.
" pero alam mo sana nga totoo yung narinig ni mark na mag sasara ito ng isang linggo. Para naman madagdagan ang oras ko sa pag rereview noh malapit na ang exam eh!"mahinang sabi niya sa akin.
Sa bagay may point siya saka sakto next week mapa Beach den kami edi Hindi kona kailangan mag paalam dito dahil sarado naman ito.
"Sana nga!" Sabi ko na lang sa kanya.
"Nga pala pansin ko wala kang suot na kwintas ngayun ah!" Sabi niya.
"Ah kasi nawala siya kanina!" Nakasimangot na sabi ko.
"Hanla bakit nawala alam mo trip ko pa naman yung kwintas mo ang ganda kasi subra!" Sabi niya sa akin.
"Nahulog kasi siya kanina sa room pero nung hinanap kona Hindi kona makita!" Paliwanag ko sa kanya.
"Ayy baka may nakapulot na.Ang swerte naman niya!" Sabi niya.
"Sana nga maibalik yun sa akin yung lang kasi ang nag iisang gift na meron ako galing Kay mommy eh!" Malungkot na sabi ko.
"Mahalaga pala talaga sayo yun noh wag kang mag alala ipag dadasal ko nasa maibalik na yun sayo" nakangiting sabi niya.
"Sana nga!" Sabi ko.
-----------
Natapos ang na ang duty namin at nag paalam na ako kila Jane.
Habang nag lalakad hindi ko maiwasan na Hindi isipin ang kwintas ko at si Tristan.
"Love!" Biglang bulong nung NASA likod ko pag kayakap niya sa akin kaya bigla akong nagulat na napatingin sa kanya.
"Tristan!" Sabi ko saka ako humarap sa kanya sabay yakap.
"Nakakainis ka ano bang trip mo huh!" Inis na sabi ko sa kanya.
"Sorry diba sabi mo ilihim lang natin ang relasyon natin sa kanila edi yun ang ginawa ko!" Sabi niya sa akin.
"Ah talaga pati yung pag iwas at Hindi pag pansin sa akin sa school kailangan talaga gawin mo yun?" Inis parin na sabi ko sa kanya.
YOU ARE READING
MY DREAM OR YOU? (BOOK 1)
RomanceSo many problem that it comes to her life but kahit minsan Hindi niya ito sinukuan at patuloy lang siyang lumalaban katulad na lang ng kanyang pangarap she will do everything to make this come true. For her ang pangarap niya lang ang mahalaga sa buh...