CaliMaaga akong nagising kaya maaga rin akong papasok sa pinag tratrabahohan ko ngayun.
"Calvin aalis na ako!" Paalam ko sa kanya sakto kakalabas lang niya ng kwarto at halata ren na bagong gising siya.
"Aalis den ako ngayun Hindi ko alam kung anong oras na ako makakauwi kaya wag mo na akong hintayin mamaya !" Sabi niya sa akin.
"San kaba pupunta?" Takang tanung ko sa kanya.
"Kila xander!" Sagot niya ahh oo nga baka yun yung pinag uusapan nila kahapon.
"Ahh sige ingat ka na lang" sabi ko sa kanya tumango naman siya sa akin.
"Baka sila ang dapat mag ingat sa akin!" Pag mamayabang niya kaya natawa na lang kami parehas.
"Mag iingat ka rin umuwi ka rin agad pag katapos niyo!" Sabi niya sa akin kaya nag lakad na ako papuntang pinto.
"Nag almusal kana ba?" Tanung niya sa akin kaya napahinto ako saka tumingin sa kanya tumango naman ako saka lumabas dun masaya naman akong nag lakad papunta sa coffee shop.
Hindi ko alam kung bakit pero parang na eexited ako ngayung araw Hindi naman maalis sa isip ko ang sinabi ni Tyler pano naman kaya kami mag dadate ngayun. Ng makarating na ako sa coffee shop gulat naman na napatingin sa akin sila Jane at mark.
"Oh anong ginagawa mo dito?" Takang tanung ni Jane sa akin kaya nag tatakang tumingin ako sa kanya.
"Oo nga Cali akala koba may important project kayo ngayun?" Tanung naman ni mark.
"Ano bang sinasabi niyo diyan?" Takang tanung ko sa kanila nag katingin lang silang dalawa saka nag tatakang tumingin sa akin.
"May lalaki kasi kaninang pumunta dito ipinagpaalam ka pa nga niya eh sabi niya meron daw kayung project na gagawin nag abot pa nga siya ng letter eh sakto pati sa manager natin niya binigay!" Sabi ni Jane sa akin.
"Sinong lalaki?, saka anong sabi ng manager natin?" Takang tanung ko ulit.
"Di naman namin yun kilala narinig ko lang na sabi niya classmate mo daw siya saka yung tungkul naman sa sinabi ni sir pumayag naman siya na wag ka munang pumasok dito project naman yun eh!" Sabi naman ni mark.
Huh ano bang pinagsasasabi nila eh wala naman kaming project saka sinong lalaki? Tanung ko sa isip ko.
"Wala n!" Naputol ang sasabihin ko sa kanila ng may biglang humila sa akin.
"Oh Cali anong ginagawa mopa dito ipinagpaalam na kita kaya Hindi mona kailangan mag paalam pa ano Tara na kanina pa nila tayo hinihintay!" Biglang sabi ni Tristan.
"Huh?" Tanung ko na lang naguguluhan kasi ako ano bang sinasabi niya saka sinong nag hihintay sa amin.
"Tsk ikaw talaga Cali makakalimutin kana diba nga may project tayung gagawin ngayun babagsak tayo pag di natin yun ginawa kaya Tara na!" Sabi niya saka humarap kila Jane.
"Ah sige una napo kami!" Paalam niya saka niya ako hinila palabas ng coffee shop agad naman niya akong pinasakay sa kotse niya at agad den siyang sumakay dun saka mabilis na pinaandar nakangiti pa siya habang nag mamaneho habang ako naguguluhan sa ng yayari.
"Ano san ang first date natin?" Masayang tanung niya sa akin.
"Ang galing!" Sabi ko saka pumalakpak ng mahina medyo natawa lang siya sa ginawa ko kaya masama ko siyang tinignan
YOU ARE READING
MY DREAM OR YOU? (BOOK 1)
RomanceSo many problem that it comes to her life but kahit minsan Hindi niya ito sinukuan at patuloy lang siyang lumalaban katulad na lang ng kanyang pangarap she will do everything to make this come true. For her ang pangarap niya lang ang mahalaga sa buh...