Zero
PUNGAS Pungas na bumangon si Silas nang mag alarm ang phone niya. Alas otso na ng umaga at siya ang naka-scheduled na magluluto ng almusal.
Nag hilamos lang siya at nag push ng sampung beses para magising ang diwa.
Inaayos ang magulong buhok na lumabas siya ng kwarto para tumungo sa kusina at magluto. Tahimik ang paligid nang makalabas siya.
Paniguradong tulog pa ang mga iyon. He thought.
Una niyang binuksan ang Refrigerator nang makarating siya sa kusina, Tiningnan niya kung kumpleto ang mga sangkap.
Nang makitang kumpleto isa isa niyang nilabas ang mga iyon. Bacon, Hotdog, Toccino then Egg.
Nagsaing muna siya sa Rice Cooker dahil lahat sila nagka-kanin sa umaga bago ang mahabang araw.
Binuksan niya ang stove at nilagyan niya ng mantika, habang inaantay uminit ang mantika kumuha siya ng mga plato at utensils at nilagay sa lamesa.
"Anong breakfast?"Nag angat ng tingin si Silas kay Clive na nakapikit pa ang isang mata na lumalapit sa kanya.
Halatang dumiretso na ito palabas pagkagising na pagkagising. Nilagay ni Silas ang Toccino sa kalan bago sagutin si Clive.
"The usual, Good Morning" Umupo si Clive sa dining table at nahalumbaba.
"Good morning din."Kinukusot ang mata na bati ni Clive.
Binaliktad ni Silas ang Toccino at bumalik sa pagba-balat ng Hotdog.
"What are the schedules for today?"Tanong niya nang makitang nagbukas ng cellphone si Clive.
"Oh shit. " Napamura ng mahina si Silas ng makitang nasunog niya ang kabilang bahagi ng Toccino.
"Ewan ko, Kay Drako daw sinend yung schedule for today. " Dinig niyang sambit ni Clive.
Hinango niya ang Toccino at Bacon naman ang niluto. Sakto namang bumukas ang dalawang pinto pagkasalang niya.
"Woah! Ang bango! "Bungad ni Primo habang patungo sa dining table.
"Smell so good! "Naglalaway na wika ni Rigas at sumunod kay Primo.
"Good morning everybody!! "Malakas na sigaw ni Primo ng makapasok ng dining room na animo'y isang taon silang lahat hindi nagkita.
Hindi bumaling si Silas sa bagong gising na mga kaibigan dahil nakatuon ng pansin sa nilulutong Bacon.
"Good Morning."Inaantok na bati pabalik ni Clive sa mga pumasok. Lumapit si Rigas at umupo sa tabi ni Clive.
"Mukhang inaantok ka pa a? May ginawa kang kaba-balaghan kagabi no? "Nakangising tanong ni Rigas kay Clive.
"Kababalaghan ka diyan! Napuyat lang ako kakabasa ng mga comments ng fans natin" Pinukol niya ng masamang tingin si Rigas na puro kaberdehan sa utak ang pinapairal.
Napailing nalang si Silas habang pinapakinggan ang mga kaibigan na nagta-talo, sunod niyang niluto ang Hotdog na kakatapos lang niyang balatan.
Habang inaantay maluto ang Hotdog, naglabas siya ng pitong mug at nagtimpla ng kape.
"Gisingin niyo na nga yung tatlo! Malapit na maluto yung breakfast." Sigaw ni Silas sa mga kaibigan na nagtatawanan na ngayon.
"Ako na tatawag."Nakangising saad ni Rigas na parang may pina-planong masama.
Tinulungan ni Clive at Primo si Silas na maghain sa hapag nang matapos itong magluto ng almusal.
Sadyang dinamihan niya ang nilutong kanin at mga ulam dahil lunes ngayon at Paniguradong madami silang gagawin.
BINABASA MO ANG
Stealing his heart (COMPLETED)
General FictionZero series#1 Silas Hartford loves his career, he wanted his career to be perfect. No scandal, no issue and no bruise in his career but his perfect and unbothered career ruined by a Stupid creepy obsess woman who only want him to be her. Ano...