kabanata 6

658 19 0
                                    

Delivery Woman

"WHAT the fuck are you doing here!?"
Inis na pinunasan ni Silas ang labi dahil sa ginawa ng 'nakakakilabot' na babaeng yun.

Ang kaninang masayang ngiti sa kanyang labi ay unti unting kumurba pababa.

Matalim ang matang tumingin siya kay Gav.

"I'm  here to deliver you the Pizza and Beer! "Masayang saad nito at inangat ang hawak na beer at piza.

Akmang tutugon si Silas nang sumigaw si Clive sa loob.

"Dalian mo Silas! Gutom na ako!" Lumingon siya  sa banda nila.

"Wait!! "He shouted back at humarap muli sa kausap.

"Wh-"Natigilan siya nang mawala sa harap niya ang babae, Nilibot niya ang paningin at napamura nang makitang nasa loob na ito at lumilinga linga sa paligid.

Malalaki ang hakbang na hinaklit niya ang braso nito dahilan para mapatigil ito sa paglalakad.

"Damn!  bakit ka pumasok!?  Huh?"
Nagtitimping sigaw ni Silas, Hindi niya inantay makapagsalita si Gav bagkus kinaladkad niya ito palabas.

"Get out of here!"Salubong ang kilay na wikas niya.

"Dahan dahan naman..Silas. "
Nakangiwing sabi ni Gav.

Napatayo si Drako nang makita ang ginagawa ni Silas sa babae.

Oo nga at ayaw niya sa babaeng iyon pero hindi naman tama na kaladkarin ito palabas, After all she's still a woman.

"Stop it, Silas. "Binaklas niya ang kamay ni Silas na mahigpit na nakahawak sa braso ni Gav.

Pilit tinatago ni Gav ang namumuong sakit sa kanyang braso, Bagkus ngumiti siya ng matamis kay Drako at Silas.

"Are you okay? Ms.Gabriel?"
Pagta-tanong ni Drako sa kanya at tumingin sa braso nito.

"I'm  fine.. "Then She smiled.

Tila nakahinga ng maluwag si Drako at humarap kay Silas na nagtitiim bagang na nakatingin kay Gav.

"Silas, Why did you do that? "Inis na tanong niya.

"Basta basta nalang kasi pumasok,
Drako." Iritang aniya ni Silas at binigyan ng matalas na tingin si Gav na matamis lang na nakangiti sa kanya.

Akala ni Silas matatahimik na muli ang buhay niya pero hindi, Bigla na namang sumulpot ng parang kabute ang 'nakakakilabot' na babaeng ito.

HINAPLOS ng marahan ni Gav ang braso na bahagyang sumasakit dahil sa pagkahila sa kanya ni Silas kanina.

Hindi niya mapigilan ang namumuong ngiti sa kanyang mga labi tuwing naalala niya ang mga labi ni Silas na lumapat sa kanyang labi kanina.

Silas is her first kiss!!  And she's  willing to give it to him.

"Kahit na, Silas. She's a girl.. You've should just ask her nicely to get out, No need to drag her. "Kalmadong sabi ni Drako.

Napakagat sa ibabang labi si Gav habang manghang nakatitig kay Silas na nagpa-pasada ng buhok sa inis.

Nanlaki ang mata ni Clive nang dumapo ang mata niya kay Gav na nakasuot ng pang-delivery  man outfit na kaharap ngayon si Drako at Silas.

Kinalabit niya ang mga kasama na wala pa din kamuwang muwang sa nangyayari, Kunot noong lumingon ang mga ito ay Clive na namimilog pa din ang mata sa gulat.

Hindi ito sumagot kaya sinundan ng mata nila ang tini-tingnan ni Clive, natulala din sila at hindi alam ang gagawin.

Nang mabunutan sila ng tinik mabilis silang umalis sa harap ng camera at tumungo sa mga ito.

Stealing his heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon