CHAPTER 2
Jhane's Point of view
Kahit na labag sa kalooban ko ay tinulungan ko si William na ligawan ni Jillian.
Nuong una ay nagulat pa si Jillian dahil dito pero wala siyang nagawa ay inaccept niya ang pang liligaw sa kanya ni William.
Araw-araw ay parang isang punyal na matulis ang tumutusok sa puso ko kapag nakikita kong mag kasama at masaya sila william.
Hindi ko din maiwasan ang inggit dahil dapat ako iyon eh. Ako yung binibigyan niya ng bulaklak ako yubg hinahatid niya. Ako yun pero hindi.
Lumipas lamang ng ilang buwan ay nalaman ko nalamang na sila Jillian at William ay official na.
"𝙅𝙝𝙖𝙣𝙚! 𝙨𝙞𝙣𝙖𝙜𝙤𝙩 𝙠𝙤 𝙣𝙖 𝙨𝙞 𝙒𝙞𝙡𝙡𝙞𝙖𝙢 𝙣𝙪𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙧𝙖𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙞𝙣𝙜𝙜𝙤!" Tuwang sabi sa akin ni Jillian parang akong binugbog dahil sa balita niya.
"𝘼-𝙖𝙝 𝙜𝙖𝙣𝙪𝙣 𝙗𝙖? 𝙘-𝙘𝙤𝙣𝙜𝙧𝙖𝙩𝙨." Pilit kong ngiting sabi sa harapan ni Jillian pero sa kaloob looban ko ay pinpatay na ako.
Tiniis ko yung sakit lahat mula nuong una palang. Tiniis kong mag selos kapag nakikita kong mag kahawak ng kamay sila. Tiniis ko yung lungkot sa tuwing nakikita ko paano mapatawa ni Jillian si William. Lahat tiniis ko.
Mahirap mag mahal ng taong iba din ang mahal mahirap umasa dahil wala naman talagang pag asa.
Umiyak ako ng umiyak sa loob ng kwarto halos maubos na ang luha ko. Sa apat na sulok ng kwarto ko tanging unan lang ang naging sandalan ko.
Kailangan kong tanggapin na hindi na kailanman magiging akin si Willian dahil ang puso niya ay nakatali na sa iba.
May mga ngiti sa ka niyang labi pero hindi ako ang dahilan.
[ yourlovelysenorita ]
BINABASA MO ANG
He Just Force To Marry Me (COMPLETED)
General Fiction------------------------- Pag ibig na inaasam ngunit hindi nakamit at nagawa sa maling paraan. Isang buong gabing puno ng saya at sarap pero malaking pag dudusa ang naganap. Kamatayan, Kasinungalingan, Kapatawaran. Ayan ang tatlong salitang maihaham...